Opposites Attract [7]

701 5 2
                                    

Lunch.

Dahil absent si Carlo mag isa akong pumunta ng Science Park.

"San si Carlo?" -CJ.

"Ala eh, absent. Di ko din alam bakit sya absent. Di ko tuloy magawa yung project namin sa MAPEH. Nasa kanya kasi yung iabng gamit.."

"Ahh.."

"Anyways, CJ pwede mo ba 'kong samahan mamaya?"

"Saan?"

"Magcelebrate ng birthday ko."

"Birthday mo ngayon?"

"Ai hinde. Hindi ngayon. Bukas pa. HAHAHA!"

"Ih.. ang kulit naman nito Hehehe. Sige sasamahan kita mamaya."

"Salamat!"

"Nga pala, sino kasama mo magcelebrate? Eh wala naman si Carlo ngayon. Pupuntahan ba natin sya mamaya?"

"Hindi. Teka lang, text ko muna sya kung makakasama sya mamaya."

"Wag yan. Eto oh, may pantawag ako para makasagot sya agad." Sabi ni CJ sabay abot sa 'kin ng cellphone.

"Yaman pangtawag pa haha salamat" ngumiti sya.

*Ring..*

Hellow... Sino toh.... *ubo*

Huh?? Carlo?? Mukhang masama pakiramdam nya ah. "Si Concepcion 'to. Bakit ka absent? Yung gagamitin natin sa project pano yun?"

Ah... ikaw pala Concepcion... Pasensya na *ubo* bawi na lang ako bukas... *ubo ubo* ... Masama kasi pakiramdam ko ngayon. Nahawa ako ng lagnat... *UBO!!*

"Baliw. Hindi nakakahawa ang lagnat."

Basta masama pakiramdam kohh... Bukas na lang *hachooooo!!* yung regalo mo ah.. Sensya nahhh.. Happy birthday Concepcion.. *ubo ubo*

"Nag abala ka pa haha sige pagaling ka"

Kanino nga palang number 'to?

"Kay CJ 'to. Sige ne.. bye.."

Bye.... *ubo*

Inam. Pahabol pahaha. Sinoli ko na kay CJ yung cellphone nya. "Salamat. May sakit si Carlo eh kaya ayun hindi natin sya makakasama ngayon.."

"Ganun ba.. Eh sino na lang kasama natin?"

"Si Rence.."

"Talaga? Baka naman makaabala ako sa inyo."

"Hindi naman siguro" kaya ko gusto isama 'tong si CJ kasi nga may gusto akong malaman.. Sana naman may maitulong yung pagsama ko sa kanya. Sacrifice din to no! Imbis na masosolo ko si Rence eh...

"Salamat. Kita na lang tayo mamaya sa gate?"

"Sige sige."

Uwian.

Grabe nakakaexcite. Ititreat talaga 'ko ni Rence sa birthday ko? Kahit siomai pa yan basta treat nya syempre matutuwa na 'ko nun. Ang bait nya talaga. Kaya crush na crush ko sya eh!

"Ano, okay na ba lahat?"

Tumango ako ng sunod sunod.

"Haha si Carlo ba hindi kasama?"

"May sakit sya eh. Pero may proxy naman sya."

"Sino?"

Inaya ko na si Rence sa gate para sabay sabay na kami nila CJ.

"Sya ba yung sinasabi mong proxy??" bulong sa 'kin ni Rence.

"Oo.. Sama na natin sya pakiusap! isa sya sa mga malalapit na kaibigan ko.."

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon