Opposites Attract [16]

524 6 1
                                    

"Adik ka Carlo?"

"H-Huh?" O____O Natanggal ko yung kamay ko sa kamay nya at ibinaba nya na yung kamay nya mula sa pagkakahawak sa pisngi ko. Alam nya ang pangalan ko? At bakit ganun yung sinabi nya sa 'kin?

"Adik. Si CJ to." ^____^

"I-Ikaw?!" tinignan kong mabuti yung mukha nya. Inimagine ko si CJ na walang salamin at nakalugay ang buhok. -______- Sya nga. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Ala lang. Bumalik lang ako sa dati kong anyo." :D

"Dating anyo?"

"Oo, inulet? Disguise ko lang yung nerdy look. Oh anu, sabay ka na sa 'kin. Baka mabasa ka nanaman eh."

"S-Sige.. salamat." kinuha ko na yung payong nya tapos ako na yung nagpayong sa 'ming dalawa. Di ko pa rin maisuot yung salamin ko. Puro tubig pa rin eh.

"Buti di ka nahihirapan maglakad?" tanong nya sa 'min habang naglalakad pabalik sa room ko.

"Reading glasses lang naman yun."

"Eh bakit lagi mo pang sinusuot? Mas bagay sa 'yo pag ganyan. Cool kang tignan."

Napangisi ako.

"Bakit ka ba ngumingisi? kung ayaw mo ng cool eh di HOT na lang."

"CJ nga. Di naman bagay sa 'kin yung mga salitang yun." =____=

xx

"Salamat sa paghatid sa 'kin ah. Nakakahiya naman sa 'yo, ikaw pa naghatid." inabot ko na sa kanya yung payong nya nang makarating na kami sa room.

"Ayos lang yun no. Ako naman yung may payong di ba?"

"Salamat ulit."

Nagpaalam na sya at pumasok na 'ko sa loob. Lumapit ako kay Concepcion para ibigay sa kanya yung pentelpen.

"Sumilong ka pa siguro no. Ikaw kasi hindi mo hinintay yung payong."

=____=

"Tsaka sino yun?"

"Baka ma shock ka pag sinabi ko kung sino yun."

Nanlaki yung mata nya tapos nangiti sya. "Sya ba yung babae sa mall? Buti nakita mo na sya, tapos dito pa nag aaral. Swerte pa rin Carlo!" sabi nya sabay tinulak ako nang mahina sa balikat. =____=

"Concepcion sya si..."

"Ang galing mo talaga natanong mo na kung ano pangalan nya. ^____^ eh di alam mo na?"

"Natural. Kahit ikaw kilala mo sya."

O____O

"Kilala ko? Hmmmm.. di ko matandaan eh." -____-a

....

...

"Maniniwala ka ba sa 'kin pag sinabi kong sya si CJ?"

[.JC's POV.]

O____O

PAANO? How?! Di ko sya agad nakilala ah.. Kaya pala...

Well, ngayon pa lang nagsisink-in sa 'kin ang lahat! Para syang yung kapatid nya, pareho NGA silang cute. "Kaya pala..."

 Ang ganda nya.. *^*

"Matotomboy yata ako kay CJ.." xD

=______= "Muka mo."

"Carlo nga! Joke lang naman yun eh." ^_____^

"Sumbong kita kay Rence. Tomboy ka." :D

"Lulu mu." =______=

Nung hapon na pumunta na 'ko sa gate, well, para mag hintay kay Rence. Sabay daw kasi umuwi eh. Akala ko maghihintay ako sa kanya pero pagdating ko andun na sya sa gate, nakangiti sya sa kin.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon