Opposites Attract [17]

520 5 3
                                    

[.Rence's POV.]

Kinabukasan, Saturday.

*Parang ngaun lang nagkaron ng Saturday sa istoryang 'to. Pansin nyo? xD*

Nandito nanaman si Vienna sa bahay. =____= Nakakainis naman oh, sila ni mommy kontrabida sa buhay ko eh, tch. Pinababa na kami nila Clementin para mananghalian. Pinatabi nya 'ko kay Vienna kaya ayun, di pa man kumakain nasusuka na 'ko.

OA no? Nakakainis naman kasi. Ikaw kaya ipakasal sa babaeng ayaw mo yung ugali? Napakalaitera nyan eh <-- kung may ganyan mang salita. Ang arte arte din. Maganda lang sya at mayaman, yun lang yon. Napakalayo nya kay JC...

"Hijo, kausapin mo naman si Vienna."

Panu ko kakausapin eh kumakain ako. =______= "Hi Vienna."

"Hello Clarence." ^_____^

Nagpatuloy na kami sa pagkain tapos kinausap ulit ni Vienna si Mommy.

"Mom, kelan po ba ang kasal?"

Napaangat kami ng ulo ni Clementin. Mom na talaga ang tawag nya? Tss.

"Hmm wag ka na masyadong maexcite iha, dadating din tayo dyan. At isa pa, matutuloy naman yun kahit ano'ng mangyari eh. Wala namang makakahadlang sa pagmamahalan nyo ni Joelton."

I nearly throw up.

Pagmamahalan?!

"Diba anak?"

Tumingin ako kay Mommy, she was expectant. Then tumingin ako kay Clementin; nakatingin lang sya sa 'kin.

"Joelton."

"Yes Ma..." tumayo na 'ko. "I'm not feeling well Ma.. excuse me." umalis na 'ko at pumunta sa kwarto ko. Naiinis ako kasi ayokong ipahiya sya. Nakakainis.. kasi kahit ganito na yung ginagawa nya sa kin di ko pa rin sya magawang ipahiya. tsk. Pumunta na 'ko sa kwarto ko at humiga sa kama.

Maya maya ay bumukas ang pinto at uminit ang ulo ko dahil pumasok si Vienna sa kwarto ko. Umupo ako sa gilid ng kama ko.

"Wala ka bang manners?"

"Sorry if I didn't knock. I miss you already sweetie."

"I didn't miss you. And never will I miss you."

"Gusto mo bang marinig ka ng mama mong sinasabi yan sa magiging asawa mo?"

"Hindi kita magiging asawa. Get out of my room!" sa sobrang init ng ulo ko di ko na napigilang sigawan sya.

Pero imbis na lumabas sinara nya pa ang pinto. Shit...

"You will be my husband Rence. No matter what." sabi nya habang lumalapit sa 'kin.

Tumayo na 'ko pero sinalubong nya 'ko at hinawakan nya ko sa ulo saka inilapit ang muka nya sa muka ko.

...

...

"Get away from me Vienna." napigilan ko yung pagtatangka nyang halikan ako.

"You're impossible Rence!"

Inilayo ko sya sa 'kin dahil talagang naaasiwa na 'ko.

"Ikaw lang tumanggi sa kin! Ano bang wala sa kin ha??!" sumisigaw na rin sya.

"i just dont like you. that's it."

"You're impossible."

Maya maya bumukas na rin yung pinto. "Bro." si Clementin.

"Excuse me."

Lumapit na 'ko sa pinto at iniwan sya mag isa.

Kinagabihan inasahan ko na yung sermon ni Mommy.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now