Opposites Attract [8]

807 5 0
                                    

Kinabukasan..

"Belated happy birthday!" Si Carlo, at inabot sa 'kin ang isang paper bag. Nasa park kami ngayon, ala kasi yung first subject teacher namin. Nagkasakit, may inasikaso, whatever. Hehe parang wala kasi ako sa mood alamin yung mga ganyan ganyan ngayon. Tapos wala pa si Papa Rence! :(

Syempre tinanggap ko! Hahaha. "Salamat Carlo! Ano 'to?"

"Ikaw na tumingin. Hehe nakakahiya kasi."

"Arte mo? Haha" tas binuksan ko na.. WOOOOW!! Teddy bear!! Parang ngayon lang nakakita ng teddy bear?! Hehe white yung teddy bear na naka smile. Nakakahawa yung smile ng bear kaya napangiti na rin ako. "Ang cute naman nya! Ano pangalan nya?"

"Ikaw? Ano ba gusto mo ipangalan sa kanya?"

"Demanding mo ngayon!"

"Di uy. Ano demanding don?"

"Ano kasi pangalan nito?"

"Wala pa nga. Ikaw nga magpangalan."

Sinipat sipat ko yung bear. "Tsaka ang sosyal mo.. Akalain mong may pambili ka nito? Ang mahal nito ah.."

"Di naman mahal yan.."

"Mahal eh.."

"Di nga kulit." Hindi nakatingin si Carlo sa 'kin.

"570 pesos and 50 centavos.."

"HAAA??!" Napatingin si Carlo sa 'kin. "Amina nga yan!" at kinuha nya yung bear!

"HAHAHAHAHA!! Sa susunod kasi tanggalan mo muna ng price tag! Hahahahaha!!"

Grabeng pulang pula si Carlo habang tinatanggal yung tag.

"Oh ayan na oh." At binigay na ulit sa 'kin yung bear.

"Bea ipapangalan ko sa kanya."

"Bakit Bea?"

"Kasi bear sya?!"

"Ajejejejeje."

Nang asar pa e oo alam ko korni. Haha. :D "Basta yun ipapangalan ko sa kanya."

"Gusto mo baby mo sya."

"Weh. Wala naman tatay."

"Eh di--"

Tinignan ko sya ng masama. Sasabihin nanaman nito sya? Eh naiinis ako sa mga joke na ganun hehehe.

"Eh di si Rence! Tinitingin tingin mo."

"Wala naman ay! Tsaka hindi naman sya nagbigay nito.. Basta baby KO lang sya."

Simangot naman tong Carlo. Haha ang cute nya rin pala no? Sa loob ng four years ngayon ko lang yun napansin. "Oi, wag ka na magtampo. Ikaw na lang tito. Hahahahaha!"

"Ao ka. Hahahaha" Hindi talaga ko natitiis nito. Napatawa ko rin eh.

"Ahahaha! Nagtataka lang talaga ako saan ka nakakuha ng pambili nito. Namakla ka nooo??!!" kulit ko ngayon? Hahahaha. Joke lang yun ui. Haha. :D

"Grabe ka. Hindi pa nga 'ko nagkaka shuta, bading na kaagad? Kainis to.."

"SHUTA munang babae bago bading?"Hahaha xD walang kwenta tong pinag uusapan namin.

"Uh.."

"Ai nako Carlo. Wag mo nang sagutin, silence means yes!" Tumayo na 'ko.

"DI OY!"

"WEEEEEEEEEEE!! HAHAHAHA!! Ge ge. Salamat ulit dito kay Bea huh?"

"Ah.. oo.. wala yun.."

"Ai teka.. CR lang ako. Oy Carlo pakihawak naman si Bea. Baka mabasa eh.."

"Sige. Balik agad mamimiss ka ng anak mo." Natatawa sya.

"Sige."

Lumarga na 'ko. Sakto pagkalabas ko sa park nakita ko si CJ, papunta sya kay Carlo. Nagngitian kami.

Dahil hindi pa 'ko kalayuan narinig kong sinabi ni CJ na "Sinoli sa 'yo?"

"Hindi. Pinapahawak lang.." -Carlo.

Parang may something sa tono ni CJ ngayon. Ang cold? Si Carlo din ang cold. May war ba 'tong dalawang to? O baka may something din? Ewan ko sa inyo hehe. Araaaay!! I need to go to the CR na talaga!! Rush, JC!!

Opposites AttractWhere stories live. Discover now