Opposites Attract [2]

1.1K 13 3
                                    

At yun na nga. Dinala nia ko sa isang garden na malapit sa school. Konti lang yung mga tao, at.. puro mga lovers. Nakakainggit sila.. Teka, bakit nga pala ako dito dinala ni Rence?

"Ganda dito no?" tanong nya.

"Oo. Bakit nga pala dito mo 'ko dinala?"

"Ala lang. Nakakarelax kasi dito. Naisip ko rin kasi na baka mawala inis mo sa 'kin pag dinala kita dito."

Umupo muna ako sa isa sa mga benches bago ako nagsalita. "Sabi ko naman sa 'yo hindi ako naiinis, okay?"

"Sa lahat ng tao ikaw lang yata di marunong mainis."

Sayo lang ako di marunong mainis. "Hmmm. Wala lang naman kasi talaga yun." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Salamat" ngumiti din sya. Grabe, nakakatunaw.

"Wala yun."

Natahimik muna kami sandali bago sya ulit nagsalita.

"Alam mo, ikaw ang unang babaeng dinala ko dito."

Napatingin ako sa kanya. "Weh?"

"Hahaha. Ayaw maniwala."

Kasi naman no. Yang tipo mong yan, ngayon ka lang nakapag dala ng babae dito? Haler? Playboy ka kaya. Tss. Ay, teka, garden nga pala to. Bakit to gagawing tambayan ni Rence? Buti sana kung park. Hmmmm.

"Sige na nga naniniwala na." Bolerong to hehe natawa na lang din ako.

"Di naman kita binobola, JC."

"JC?? Sino yon?"

"Ikaw! Haha. Sino pa ba kinakausap ko? Isipin mo pa baliw ako. Hahaha."

Tawa ng tawa. Baliw nga yata. Hahaha. "Eh bakit 'JC'? Ang layo naman sa 'Concepcion'? Tsaka panlalaki yung Jc.."

"Eh, ala lang. Gusto ko lang. Tsaka hayaan mo na. In naman yung pangalang lalaki sa mga babae."

Sabagay. May point sya. "Hmmmmm. Bakit ba ayaw mong Concepcion ang itawag sa 'kin?"

"Di kasi ako sanay sa mahahabang pangalan."

Clarence Joelton Montemayor. Hindi ka pala sanay sa mahahabang pangalan? Hahaha. Hindi na lang ako nagsalita.

"Tsaka ayaw mo nun? Ako si CJ tapos ikaw si JC. Cute diba?"

Hindi talaga mapalis ang ngiti ko. Nakakainis tong lalaking to. Masyadong nakakatuwa. Haha. "Oo, cute nga."

Nagkwentuhan na lang kami hanggang five. Hay, sana bumagal pa ang pag ikot ng mundo. Ayoko nang umalis dito. Masaya na 'ko.

"Hatid na kita?"

Ano daw? Hahatid nia ko? "H-ha?!"

"Hatid na kita?" Inulit. Unlimited. Haha.

"Ai naku. Wag na.. Ano, nakakahiya sa... Ano sayo.. Nakakahiya sa 'yo" Nagkautal utal pa 'ko. Nakakahiya naman kasi talaga eh..

"Wag ka na mahiya. Hahatid na kita."

"Wag na kasi. Ayos lang ako. N-nakakahiya.."

"Sige, hatid na lang kita sa may sakayan?"

"Sige."

At yun nga. Hinatid nya na 'ko hanggang sa may sakayan. Nemen. Ito na yata pinakamasayang araw sa buhay ko. Haayy. Hahaha. Hanggang sa pag uwi ko sa bahay hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pumasok ako nang mas maaga kinabukasan para makita ko agad si Rence. Maaga kasi pumapasok yun eh. Tapos gumagala muna sa campus habang wala pang pasok. Baka sakaling makausap ko ulit sya tapos sabay kami maggala sa school.

Pagdating ko ng room andun sya. Kami pa lang pala ang tao.

"Good morning" bati ko sa kanya nang nakangiti.

Mula sa pagbabasa ng comics ay inangat nya ang ulo nya at tinanguan ako. Ni hindi man lang sya ngumiti. Inisip ko na lang na baka seryoso sya sa pagbabasa.

10 minutes bago magsimula ang klase ay tumayo sya at mukang lalabas ng room.

"Aano ka?" tanong ko.

"Stroll."

"Huh? Pero mag uumpisa na ang kl--" Hindi na ko natapos sa sasabihin ko. Umalis na sya eh. May problema kaya sya? Nag aalala na tuloy ako. Parang kaiba sya sa cheerful na Rence na nakasama ko kahapon.

"Concepcion!"

Napapikit ako sa gulat. "Ano yon Carlo?"

Humahangos sya "Ala lang... Ha... Ha... Akala ko... late na koh... Ha..."

"Okay Carlo, inhale.." huminga sya ng malalim "exhaaaale..." exhale. "Okay ka na?"

"Medyo.. Ha.. Salamat ha.."

"Ayos lang, to naman. Kelan ka ba na-late?"

"Nu oras ka umuwi kahapon?"

"Bakit?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Di ba gumawa ka ng report kahapon?"

"Ahh.. yun ba? Actually, hindi ako nakagawa eh."

"Bakit?"

"Kasama ko kasi si ano.. Si Rence.."

"Kahapon?"

"Oo. Kahapon nga, kulit mo?"

"San kayo pumunta?"

"Sa garden. Yung malapit lang dito sa school. And guess what, ako pa lang daw yung dinadala nya dun!" laki ng ngiti ko habang sinasabi yun sa kanya.

Hindi nanaman nagsalita si Carlo. Ang bitter pa ng mukha. Nagpatuloy na lang ako sa pagkekwento. "Tsaka marami syang shinare na kwento. Talkative din pala sya pag nakausap mo na. He's so perfect talaga para sa 'kin. Mayaman na, cute pa. At higit sa lahat, mabait."

Sakto namang pagpasok ng iba naming classmates. May mga nag usap usap malapit sa upuan namin ni Carlo. Ang grupo nila Patrice.

"Hey girls, may ikekwento ako sa inyo." Pauna ni Patrice, ang leader.

"Ano yon, girl??" Tanong naman ng mga girlfriends nya.

"You know what girls, nung isang araw, dinala ako ni Clarence sa garden na malapit dito sa school. It's so beautiful there! Ang tahimik pa. Nakapag moment kami kasi yung place eh, perfect for lovers."

Nung isang araw??! Ibig sabihin--

"Teka lang Concepcion. Di ba sabi mo sabi ni Rence sayo kahapon ikaw pa lang ang nadadala nyang babae sa garden?" pabulong na tanong ni Carlo.

"Yun ang sabi nya.."

"Lovers? Ibig sabihin kayo na?" Tanong ng isa sa mga girlfriends nya *slash* alalay.

"Hindi pa naman. Pero malapit na." Nakangiting sabi ni Pat. I know her, she always gets what she wants. Haaay. wala na talagang pag asa ang lovelife ko.

Nagsalita ulit si Carlo. "Mayaman, cute at mabait?"

"Mayaman, cute at sinungaling."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Second ongoing story. :) What do you think? --Mish

Opposites AttractWhere stories live. Discover now