Opposites Attract [11.1]

692 5 0
                                    

Opposites Attract [11.1]

"Bakit ka ba natatakot sa 'kin? Eh gusto din naman kita?"

H-HA??! Ano daw? G-Gusto nya din ako?? O___O

Napadilat ako at tumingin sa kanya. Nakangiti na sya, yung ngiti nyang pamatay!

Urgg.. gusto ko mag collapse... =___=

"A-Ano kamo..." tinanong ko sya, malay ko ba kasi nuh? Baka mamaya naghahallucinate lang ako dahil sa sobrang pagod at kaba.

"Sabi ko gusto kita. I like you."

Iniwas ko ang tingin ko. "Hin.. hindi kita maintindihan..."

"Gusto kita. Alin ba'ng di mo maintindihan dun?"

Cloud nine. Cloud nine...

I'm in cloud nine...

"Tapos..." >___<

Natawa sya. Hindi sya nagsalita. Tumawa lang sya.

Tinulak ko sya nang mahina para naman hindi na sya masyadong malapit sa 'kin. God, nakakailang eh... >___< Pasulyap sulyap ako sa kanya, nakangiti pa rin sya.

Finally nagkalakas na rin ako ng loob para tignan sya ng diretso, as in eye to eye.

"Bat ka ba natatawa?" sa sinabi kong yun medyo sumeryoso yung mukha nya. "Binabalaan kita. Wag mo kong niloloko."

"Sinabi ko lang naman na gusto kita. Well, if that's your impression of me, wala naman akong magagawa di ba?"

Er.. mali bang tinanong ko yun? FAILED ka nanaman JC!

Unti unti na syang tumalikod sa 'kin.

Papalagpasin ko pa ba ang pagkakataong 'to? Na sinabi nya nang gusto nya 'ko? Pero... napaisip din ako. Baka naman sinasabi nya lang yun kasi nalaman nyang may gusto ako sa kanya. MAlay ko ba, may mga lalaki kasing ganun.

Think, JC. Think.

Lumalakad na sya palayo. Think...

"Rence."

Humarap sya ulit sa 'kin. "Hmmm...?"

"Kelan pa..." hindi sya nagsasalita. Siguro hinihintay nyang matapos ako. "Kelan mo pa 'ko.. n-nagustuhan..." >___< ihh nakakahiya!

"Hindi ko rin alam eh. Mahalaga pa ba yun?" ngumiti nanaman sya.

Oo nga naman. Mahalaga pa bang malaman ko kung kelan?

Umupo sya sa sahig, nakatalikod sya sa 'kin. "Pero hindi ko alam kung mababago nun yung nararamdaman mo para kay Carlo."

"Wala akong gusto kay Carlo. Malapit lang talaga kaming magkaibigan." 

"Liligawan kita JC."

A-A-ANO??! O______O

A..Ano sasabihin ko..

"Re..."

werytwlekfjm,zxncv,mzxjopgvfetip

May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. Siguro kasi... nabigla lang ako. Oo, na shock ako kaya hindi ako makapagsalita.

Tumayo na sya at nilapitan ulit ako.

"JC... Ayos lang ba sa 'yo kung ligawan kita?"

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Basta, masaya. Masayang masaya.

Parang ngayon pa lang gusto ko na syang yakapin sa sobrang saya ko.

Nakangiti sya. Ngumiti na rin ako. "Oo naman."

Opposites AttractWhere stories live. Discover now