Opposites Attract [10]

737 5 1
                                    

Yun lang at umalis na sya. Mukang badtrip nanaman sya at mukhang may kinalaman nanaman 'to kay CJ. Tss.

"Mukang problemado yung lalaki na yun no?" -CJ

"Mahirap talaga intindihin ugali ng lalaking yun." -Carlo

"Eh bakit crush pa rin sya ni JC?"

"Ewan k--"

Lumakad na 'ko palayo. Ayoko nang makinig sa pinag uusapan nila. Naiinis na 'ko.

Naiinis ako kay Rence, kasi hindi ko sya maintindihan.

Naiinis ako kay CJ kasi pinapagulo nya yung sitwasyon.

At naiinis ako kay Carlo. Bakit ba kasi binigay nya pa sa 'kin tong teddy bear na to. Eh di sana di kami napagkamalan ni Rence.

Tumingin ako kay Bea.

Tss.

Wala naman sigurong kasalanan si Carlo dito. Afterall, matagal na kaming magkaibigan kaya siguro naisipan nyang regaluhan ako nito.

"Concepcion! San ka pupunta??" -Carlo

Wala ako sa mood sumagot kaya hinayaan ko lang syang magsisigaw dun. Ang sama ko namang kaibigan.

Dahil wala talaga ako sa mood at wala talaga 'kong mapuntahan, bumalik na lang ako sa room at dun na lang tumambay. Tutal wala naman yung mga kaklase ko dun ngayon dahil busy silang lahat sa lakwatsa eh, walang mang iistorbo sa 'kin dun.

Pero yun ang akala ko~

"Oh, bat iniwan mo dun boyfriend mo?"

o.O

Rence! "Ah.. ano kase.. m-may kukunin lang ak-ako.."

Carlo's POV

Mukang nawala sa mood si Concepcion. Nawala lang sa mood si Clarence pati sya nawala din sa mood. Mga babae talaga.

"Hindi nya ba nagustuhan yung bear?" -CJ

"Iniwan tayo tapos tinangay yung bear, yan ba ang hindi nagustuhan?"

"Sorry. Makabara naman 'to."

"Kulit mo kasi eh."

"Sorry na nga!"

"Oo na nga nag sorry ka na nga ang kulit nito oo na nga."

Takteng 'to ang kulit ng lahi.

"HAHAHAHAHA!!"

Tawa pa. Tss.

...

...

"Aray! Bakit mo 'ko kinurot?!"

"Ang cute cute mo kamo Carlo!" Sabi nya, ngiting ngiti. Ano ba'ng problema ng babaeng to?!

"Di ako cute!"

"Cute nga!"

"Kung cute ako bakit di ako magustuhan--"

"Gusto naman kita!"

Napatingin ako sa kanya.

Taktee. Ano ba talaga problema nito??!

"Ano??!"

"Kahit hindi ka gusto ni JC, gusto kita!"

"Ao ka. Di kita magets. Tsaka bakit mo ko kinurot?"

"Naku cute-an nga kasi ako sa 'yo. Ano ba yang pisngi mo? Dyamante? Bakit bawal kurutin? Malambot naman ah!"

"Eh bakit ang kulit kulit mo?"

"Sabi ng mga damo kulitin daw kita..."

"Ah.." tumingin ako sa mga damo. "Mga damo.. pakisabi dito kay CJ bukas wag na kamung kalimutan inumin yung mga gamot nya ha..? Saaa...Laaa...Maaat..."

"Ay! Kumakausap ka rin ng damo?" :D

"Oo" matahimik ka lang.

"So bakit nga hindi pwede kurutin yang pisngi mo?"

"Kasi ikaw pa lang nakakakurot dito.."

"Ibig sabihin virgin pa pisnge mo?"

"ANO BA PINAGSASABI MO??!" nakakagulat naman kasi yung sinabi nya! ayan tuloy medyo napagtaasan ko sya ng boses.

"Ang malisyoso mo." =|

"Oo nga, wala pa ngang nakakakurot dito. Ang kulit mo."

"HAHAHAHA!!"

"..."

"Ibig sabihin di ka pa nakukurot ni JC?"

"Ikaw nga pang una eh, ano tawag mo sa kanya?"

"Zero."

"Okay."

"Ahahahaha"

"Haha."

"Ayan oh, tumawa ka rin" :))))))

"Ang pogi mo kasi eh." -Ako

"Ahahaha ikaw maganda!" -CJ, sabi nya tapos kinurot ulit ako.

"Nakakarami ka na ah."

"Bleh.." 

"Hahaha"

"Haha. Oi una na 'ko ah."

"May pasok ka na ba?" kung kelan naman nag eenjoy na 'ko sa company nito eh, dun pa aalis.

"Wala, may titignan lang ako."

"Pabayaan mo muna si Clarence. Dito ka muna."

"..."

"Ano..?"

"Sige, dito muna 'ko."

Ngumiti nanaman sya. Tigilan mo nga yan CJ, baka mainlove pa 'ko sa 'yo.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now