Opposites Attract [4]

835 10 4
                                    

Pag uwi ko ng bahay, nag aabang na si Ate Mira sa labas ng gate. Pinsan kong fourth year college. Pareho kasing nasa ibang probinsya ang mga magulang namin kaya sa kanya muna ko nakikitira. Anyways, yung parents nya nga pala yung nagpapaaral sa 'kin kasi hindi kaya ng parents ko.

"Bakit ngayon ka lang Connie?" Yun ang tawag nya sa 'kin.

"May ginawa kasi kaming group project kaya ayun. Deadline na kasi bukas, Ate."

"Kung kelan kasi malapit na yung deadline dun pa lang gumagawa."

"Para may thrill ate." Sabi ko na lang at sinabayan ko ng mahinang tawa.

"Uguk. Hahaha. Thrill ka pang nalalaman dyan. Pumasok ka na nga!" Natawa na lang sya. Di talaga ako matiis nito. Hehe. Tsaka ngayon lang naman ako umuwi ng gabi, behave kaya ako.

Tuloy agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagkatapos kinuha ko yung bag ni Clarence. Hmmmm. Para tuloy naiintriga ako sa laman ng bag nya. Ang nipis kasi eh. Sa tantsa ko mga tatlong notebooks lang ang laman. Ewan din, di bale na nga. Baka magalit pa yun sa kin eh. Ilalagay ko na lang tong bag nya sa higaan ko para katabi ko matulog mamaya. Yun ang embrace ko mamaya. :D At nagsimula nanaman ako mangarap.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan, inagahan ko ulit ang pasok ko. And as usual, sya pa lang ulit ang inabutan ko sa room. Kahit kinakabahan, nilapitan ko pa rin sya para ibigay yung bag nya.

"Rence.. Amm, bag mo.. oh.."

"Oh, bakit nasa 'yo yan?"

"Ano kasi eh.. hindi mo na 'to binalikan kagabi."

"Kagabi?"

"Hindi. Ibig ko sabihin.. kahapon."

"Ah. Salamat ha." sabi nya. Ni hindi nya man lang chineck yung bag nya. Nilagay nya lang sa katabing upuan at saka nagbasa ulit ng comics.

Umupo ako sa may tapat nya. Ang gwapo talaga nya kahit saang angle mo tignan, nakangiti man o seryoso. Di sya katulad ng ibang lalaki na nakataas ang buhok., nakababa lang yung sa kanya kaya nakadagdag yun sa pagiging baby face nya. Ang kinis pa ng mukha nya ang sarap pisilin! Hahaha. Kahit ano'ng gawin mo JC, hanggang tingin ka na lang.

Pero, hanggang tingin na lang ba talaga?

"Aray!"

Hala JC! Bakit mo sya kinurot sa pisnge?!

"Ang sakit naman ai. Alam ko cute ako. Pero wag ganun, aba." Sabi nya habang hinihimas yung pisngi nya na kinurot ko.

"Ehehe. Pasensya na. Napansin ko lang kasi tumataba ka?" Nagsinungaling na lang ako, ang totoo kasi di ko namalayang kinurot ko na pala sya. Hahaha. Nakakatuwa talaga sya. Kahit ano'ng gawin nya napapasaya nya ko. Kahit naman wala syang gawin masaya pa rin ako..

"Ganun.."

Tinitigan ko lang sya.

...

...

...

"Aray!"

"Hahahaha karma mo!" Kinurot nya ko! Saka sya tumayo tsaka pumunta sa harap. "Nakakainis ka! Ang sakit ah! Haha" Adik talaga 'ko, nasasaktan na natutuwa pa. Hahaha eh kung si Rence naman kasi mangurot sa 'yo no!

"Gaganti ka? Habulin mo muna ako! Hahahaha."

Tumayo na 'ko sa inuupuan ko at nakipag habulan sa kanya. Ngayon, dalawa na kaming parang adik, parang mga bata na ngayon lang nakapaglaro sa mga tanang buhay namin. "Mahuhuli din kita! Pag nahuli kita papapulahin ko yang pisnge mo! HAHAHAHA!" "Sige, e di paunahan! Hahahaha" Tawa kami nang tawa habang naghahabulan. Ang gulo gulo na ng room pero wala kaming pakialam. :D

"Ayoko na, pagod na 'ko" nakangiti nyang sabi. Hingal na hingal din sya sa kalokohan nya. hahaha.

"Kaw kasi eh." Nahihingal din ako. Exercise din yun ha.

Umupo sya sa upuan nya. "Tabi ka dito."

"Sa tabi mo?"

"Inulit?"

"Haha. Bakit?"

"Basta upo ka. Papakurot na 'ko."

Umupo na nga ko sa tabi nya. At syempre kinurot ko na sya! Baka tumakas nanaman eh. Kung kanina sa kaliwa ngayon naman sa kanan. "Aray!" lang sinabi nya pero di na ulit sya nagreklamo, nakangiti na lang sya.

Clarence. Nakalimutan ko na agad yung ginawa mong kasinungalingan sa 'kin dahil sa ngiting yan. Nakakainis ka talaga. hahahaha.

...

...

"Nga pala", finally, binasag nya rin ang katahimikan. Binuksan nya yung bag nya tapos may kinuha syang keychain. Half heart yun, "para sa 'yo."

"Bakit?"

"Bakit din ayaw mo?"

Kulit nito. Haha "Syempre gusto!" Kinuha ko yung keychain mula sa kanang kamay nya pero kasabay din nun yung pag abot ng kaliwang kamay nya sa kamay ko.

"Para sa makulit na si JC." At pinakawalan nya ang keychain mula sa mga kamay nya.

"Salamat Rence."

Nagngitian lang kami at kasabay nun ang pagpasok ng iba pa naming mga kaklase.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

READERS!

Add nio ko sa FB, Misha Portin Watty, para makita nyo yung itsura ng characters. Imagine-in nyo na lang na sila yun. Hahahaha.

--Mish

Opposites AttractWhere stories live. Discover now