Opposites Attract [15]

566 9 0
                                    

"J-JC?! Bakit.. B-Bakit nandito ka?"

Haaa.. sya nga >___< ano JC tinatanong ka nya bakit ayaw mo sumagot >___<

"JC... Makitawag naman si Clementin, please..."

Tumango na lang ako at pumunta sa taas kung nasaan sila CJ at Carlo. At infairness ha, hingal na hingal ako kasi tinakbo ko hanggang dito! =_______=

"CJ... tawag ka ni..."

Halatang gulat na gulat sya pero parang alam nya na kung sino'ng tinutukoy ko.

"Ano sabi nya?" -CJ

"Pakuha daw ng twalya." =______=

"Sino?" -Carlo

"Pakihintay na lang kami sa sala." -CJ

"KAMI?" -Carlo

"Oo Carlo, baba na tayo." hinila ko na sya sa braso. Maiintindihan nya rin naman yung pinag uusapan namin ni CJ mamaya eh.

xx

After 15 minutes..

Nakaupo na kami sa malaking sofa set nila ngayon. Kaming dalawa ni CJ sa mahabang sofa tapos yung dalawang boys nasa gilid, magkaharap sila.

"So.. kambal pala kayo ni Rence?" =_____=

"Oo JC..." -CJ

"Eh di ba ang pangalan mo--"

"Syempre gawa gawa ko lang yun pero Montemayor talaga apelyido ko."

"Eh bakit kailangan nyo pang isikreto?"

"Ayoko lang kasing malaman ng iba na magkapatid kami. Ikaw kasi eh sunod ka nang sunod sa 'kin." -Rence

"Wala ka kasing tiwala sa kin nuh! Di naman kita ilalaglag eh." -CJ

"Yeah right."

"Huh? Di ko magets ha... eh CJ, ano yung sinabi ni Rence na 'you won again'?"

"Ah.. wala yun JC. Natutuwa lang talaga ako pag naiinis sa 'kin tong si Joelton." ^___^

"Don't call me Joelton!"

"At bakit hinde? yun pangalan mo eh." -______-

"Ewan ko sayo."

Ang sadista namang kapatid ni CJ. -______- Pero di ko pa rin lubos maisip pano naging kambal tong dalawang to... Siguro dahil babae't lalaki sila kaya ganun magkaiba sila? ARGH!! Mababaliw ako sa dalawang to eh...

"Eh bakit ayaw nyong ipaalam sa iba na kambal kayo?" si Carlo, curious na rin.

"Uhm..." sabay pa sila... Bakit nga ba? Nagkatinginan silang dalawa tapos tumingin sa 'kin si  Rence.

"Mahalaga pa ba yon? Wag mo nang alalahanin yon." ngumiti si Rence? Ang ligoy. :((

"Hmmm.. sige hayaan na natin yun. Wala naman pala talaga kaming dapat pagselosan ni Carlo." :D

"Oh, bakit nasama ako?"

"Ayyiiiee.." haha ala lang type ko lang pagtripan tong dalawang to. :D

"Uh.. kuha lang akong meryenda." tumayo na si CJ.

"Oh, bakit nagba blush ka?" si Rence haha

"Wag mo nga 'ko pagtripan!"

"Hahaha!! Pikon ka naman ate!"

ATE?! "Ano'ng ate?" tanong ko.

"Mas matanda sya nang 8 hours sa 'kin eh. Gurang yang si Clementin."

"Muka mo gurang!"

"Pikon! hahhahaha!!"

Eh? =______=a nakaktuwa naman tong dalawang 'to. ^_____^ Pero ang saya ko kasi wala naman pala talagang hadlang samin ni Rence. ^^

[.Rence's POV.]

Kinagabihan.

Ang totoo kasi nyan kaya ayokong malaman ni JC na kakambal ko si Clementin kasi baka sabihin ni CJ kay Mommy na nililigawan ko sya. Pero sabi nga ni Clementin di nya naman daw ako ilalaglag.

Pinagkasundo na kasi ako ng parents ko sa babaeng nagngangalang Vienna. Maganda sya, mayaman at higit sa lahat patay na patay DAW sya sa 'kin. Tsk tsk, si CJ na lang pala kakampi ko dito sa bahay. Mga parents ko kasi kami lang daw iniintindi kaya kailangan naming magpayaman.

Sa dami ng business namin kailangan pa ba yun?

"Ano iniisip mo Clarence?"

"Buti naman Clarence na tawag mo sa 'kin?"

"Oh sheesh. My twin brother is a gay, ang sensitive mo!"

Grrr..

"Haha, bro wag ka na mag alala. Mom won't know I promise."

"Tutulungan mo ba 'ko?"

"Of course." ^____^

"Pag tinulungan mo 'ko tutulungan din kita."

"Kaya ko naman mag isa eh."

"Yeah right. Bakit ba kasi ayaw mo pa magladlad?" maganda naman kasi talaga tong kapatid ko eh. Syempre kapatid ko pareho kaming beautiful creatures, naalala ko nung sinabi nyang gusto daw nya ng nerd look kasi IN daw yun. Ewan.

"Magladlad? Bakla ako Rence?" kumuha sya ng pitsel ng juice sa ref at dalawang baso. "Sawa na 'kong maraming naghahabol na lalaki sa 'kin. Tsaka yung mga friends ko... ayoko na dun sa mga kaibigan ko daw na kaya lang ako kinaibigan kasi mayaman tayo. Ikaw ba?"

"May point ka dun. Ang bait mo naman."

"Wag mo nga 'kong itulad sa 'yo!" Inabutan ako ni Clementin ng juice.

"Salamat."

"Enjoy. May ammonia yan." >:D

"Ammonia mo muka mo." Humigop ako hanggang sa makalahati ko yung baso. "Upo ka dito, kwentuhan mo 'ko."

Umupo naman sya sa tabi ko. Siguro wala syang ibang mapagkwentuhan nang nararamdaman nya para kay Carlo. Nagsimula na syang magkwento at pakiramdam ko ngayon ako na ang kuya nya.

[.Carlo's POV.]

Ang gloomy ng araw na 'to, mukang aambon. Nagrereview ako sa Economics nang biglang bumuhos ang ulan, nadistract ako dahil sa tunog ng ulan kaya sinarado ko na lang yung notebook ko. Iilan pa lang kaming tao ngayon sa room, 15 minutes pa bago magsimula ang first subject.

"Carlo, bili ka pentelpen. Nakalimutan ko yung akin eh, wala tayong gagamitin sa Economics." binigay sa 'kin ni Concepcion yung pangbili tapos bumalik na sya sa upuan nya. May kinukuha sya pero di ko alam kung ano yun, tumakbo na 'ko papuntang Co-op.

"Carlo, payong!" tsk. Bat ba di ko yun hinintay? Bahala na.

Pagkatapos ko makabili ng pentelpen ay sumilong muna ako. Lumakas yung ulan, magpapatuyo muna ako. Nilagay ko yung pentel sa bulsa ko at hinubad ko yung salamin ko para punasan pero basang basa ang polo ko at wala na 'kong mapagpunasang tuyo. Malas, magpapalipas na lang muna ako dito, ang layo ng room eh.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

O_____O

Nandito sya?!

"Oi.. di pa ba nagsisimula yung klase nyo? O hindi ka lang makabalik ng room? Tara hatid na kita." sya yung babaeng nakita ko sa bookstore.. nakasuot sya ng uniform namin. Ibig sabihin dito sya nag aaral?

Kahit di nakasuot yung salamin ko alam kong sya 'to... May kinuha syang panyo sa bulsa nya at pinahid sa mukha ko.

"Basang basa ka ah..."

Nakatingin lang ako sa maganda nyang mukha habang pinupunasan nya ang mukha ko.

"Buti nandito ka.." naibulong ko na lang sa kanya.

"Hm?" Ngumiti sya sa 'kin.

Hinawakan ko yung kamay nya na nasa pisngi ko. "Ano'ng pangalan mo?"

Opposites AttractWhere stories live. Discover now