Opposites Attract [22]

572 8 6
                                    

Kinabukasan excited na agad akong pumasok. Kasi excited na ko makita ulit si Rence. :"> Nagiging ADIK na ko sa kanya eh haha. Five minutes late akong dumating sa room pero nagtataka ako? Bakit wala si Carlo? Kasi diba maaga syang pumapasok? Tapos si Rence wala pa din :(( OA man pero miss ko na sya.

Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras.. hanggang sa mag lunch break wala pa rin sila. Bakit kaya!?

Lalabas na sana ako ng room para mag lunch nang narinig ko yung pinag uusapan ng mga lalaki kong classmates. Hindi naman talaga ako chismosa pero kasi si CJ yung pinag uusapan nila.

"Lam mo ba pre nawawala raw si Clementin Montemayor."

"Oo nga eh, hindi raw umuwi sa kanila kagabi."

"Kawawa nga yung date nya eh, sya kasi yung sinisisi ng pamilya ni Clementin. Hindi raw kasi binantayan."

Hindi na ko nakatiis kaya naman lumapit na ko sa kanila. "N-Nawawala si CJ? Ibig ko sabihin, si Clementin? Hanggang ngayon!?"

"Oo, kaibigan mo sya diba? Bakit hindi mo alam?"

"Ano'ng nangyari? Pano sya nawala?" desperate akong malaman. Kinakabahan ako, baka naman kasi kung ano na nangyari sa kanya. Sana naman ligtas sya ngayon.

"Nagpaalam daw sa ka-date nyang si Eric na mag si-CR lang. Pagkatapos nun di na sya bumalik sa hall. Hinanap na nga rin sa buong school eh."

"G-Ganun ba.. S-Salamat..."

Lumabas na ko ng room at nag stay muna sa park. Nawalan kasi ako ng gana nung nalaman ko yung nangyari kay CJ. Sana naman walang nangyaring masama sa kanya :(

Naalala ko si Carlo. Hindi nga pala sila magkasundo. Pano kung.. naglayas si CJ dahil nadedepress sya kay Carlo, diba? Tsk... Ano na ba'ng gagawin ko. Alam na kaya ni Carlo to? Sabihin ko kaya sa kanya?

"JC!"

"Rence!" patakbo syang lumapit sakin. "Bakit ngayon ka lang pumasok?"

"Di muna ko papasok ngaun.. me aasikasuhin kasi ako eh.." hinaplos nya yung buhok ko.

"Si CJ ba?"

"Oo, nawawala sya eh..." kitang kita ko yung pag aalala at lungkot sa mga mata nya.

"May maitutulong ba ko?"

Umiling sya at napayuko. "Hindi ko alam eh.."

"Sasama ako sa paghahanap."

Lumipas pa ang ilang oras at hindi pa rin namin alam kung nasaan si CJ. Natanong na namin halos lahat ng kabigan nya, kung nakita ba nila sya nung prom night, or sino yung huling kasama nya. Wala kaming nakuhang sagot na makakatulong sa paghahanap. Basta lumabas lang sya sa hall tapos...

"Nasaan na kaya si Clementin.. my God.. pinapasakit ng batang yun ang ulo ko!" nandito kami ngayon sa mansyon ng mga Montemayor. Kitang kita ang inis ng Mama nila Rence dahil sa nangyari. Bumaling sya kay Rence. "Ikaw, ikaw ang lalake! Bakit pinabayaan mo ang kapatid mo!?"

Nagui-guilty ako. Kasi ako ang ka-date ni Rence kaya hindi nya nabantayan si CJ. Naiinis ako sa sarili ko.

Binulungan ako ni Rence na lumabas na nang bahay.

"Sa iba na lang muna tayo magpahinga. Hindi nakakatulong sa paghahanap yung sermon ni Mama. Bwisit..." sabi nya pagkasakay namin sa family car.

Hindi ko na napigilang mapaiyak. Para kasing may kasalanan ako eh... Napansin ako ni Rence kaya pinunasan nya ang mga luha ko at isinandal ang ulo ko sa balikat nya. "Wag ka nang malungkot. Ikaw na nga lang lakas ng loob ko ngayon eh, malulungkot ka pa ba?"

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon