Opposites Attract [6]

761 6 2
                                    

Ayoko nang umasa.

Easier said than done, di ba? Ilang beses ko na yan sinabi sa sarili ko pero heto, naghihintay pa rin ako.. at umaasa. Halos isang buwan na ang nakakaraan buhat nang huli naming pag uusap ni Rence. Umiiyak na rin ako gabi gabi. Wala akong lakas ng loob para magsimula ng conversation. Malabo ding sya ang mag start kasi hindi nya nga 'ko pinapansin.

Wala akong magawa. Wala akong maisip. Pinipilit ko na lang makuntento sa kung ano lang ang kaya kong gawin. Hanggang tingin na lang ako.

Stressed, wala akong ibang gustong makausap. Hindi na rin ako makapag aral ng maayos. Halos di na 'ko makakain dahil sa pesteng crush na nararamdaman ko. Sabi nila, pag crush daw madali lang mawala, yung kapag naturn off ka, ayaw mo na sa kanya. Iba ang like sa love. Kasi pag gusto mo lang ang isang tao, pag may nagawa na syang masama sa 'yo o may nakita kang mali sa kanya, ayaw mo na. Pero pag mahal mo.. Kahit ano'ng gawin nya sa 'yo mahal mo pa rin.

Pero hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Isa lang ang alam ko. Gusto ko pa rin umasa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

October na.

Dalawang buwan na ang nakakaraan nung huli naming pag uusap tungkol kay Clementin. Para ngang hindi pag uusap yun eh. Nagtanong lang sya. Tss.

Finally, birthday ko na. October 16. Maaga ako pumasok kasi excited ako. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may mangyayaring maganda ngayon. At dahil Lunes, meron kaming flag ceremony. Iniwan ko ang bag ko sa room at dumiretso na 'ko sa school plaza, nandun kasi ang flag pole namin.

Halos isang oras din yung flag ceremony dahil nagkaroon pa ng mga announcements tsaka awardings keme blah blah blah. Kaya ayun hindi na kami nakapag klase sa first subject. Pagkatapos nung ceremony bumalik na kami sa room. At yun bumalik na 'ko sa upuan ko. Pero napansin ko..

Nawawala yung keychain ko!

AMF! Asan na kaya yun?! Di ko tinatanggal yun sa bag ko. Tsk, hinanap ko na lang. Lumuhod pa ko sa sahig saka yumuko. Baka kasi nahulog lang yun, kahit imposibleng mahulog dahil nakakabit. May nagtanggal ng keychain mula sa zipper slider ng bag ko.

Hindi ko makita, nasan na kaya yon?? Remembrance sa 'kin yun ni Rence, hindi pwedeng mawala yun! Di 'ko naman matanong 'tong mga kaklase ko. Kelan ba 'ko nagtanong sa kanila na sinagot nila 'ko na matino? Nagiging kaibigan ko lang naman sila pag may exam.. Si Carlo. Asan ba si Carlo? Ngayon pa sya nag absent eh kailangan ko ng tulong nya para maghanap. Naman.

Sa paghahanap ko, nabaling ang paningin ko sa basurahan na nasa gilid ng pintuan. Kinukutuban ako eh. Tsk, try lang. Pagsilip ko sa basurahan.. AYUN! Tamang hinala ako! Nandito nga ang keychain ko. Pinulot ko agad yun pero pagharap ko sa mga kaklase ko--

"Yuck. Nasa basurahan na pinupulot pa. Kadiri." -Patrice. Tse, oo mayaman ka nga, pero ang pangit ng ugali mo. Tse.

Tumayo na lang ako at bumalik sa upuan ko. Nagtatawanan pa rin sila. As in lahat sila pinagtatawanan ako. Haay. Palibhasa wala silang alam.

Buti na lang dumating si Rence, nawala kahit papano yung badtrip ko. Umupo sya sa likod ko, dun nga pala sya nakaupo. After ng ilang minutong walang pag uusap naramdaman ko na lang si Rence na kinukuha yung keychain sa bag ko.

WTF--??! Kinuha nya yung keychain ko sabay tumayo at lumabas ng room! Rence, ano'ng gagawin mo sa keychain ko? Tsk. Tumayo na rin ako para sundan sya. Syempre sinundan din ako ng tingin ng mga kontrabida kong kaklase.

Nang nasa corridor na kami sinigawan ko sya. "Rence!" wala na 'kong pakialam kung may maistorbo akong klase. Patuloy pa rin sya sa paglakad. San mo ba dadalhin ang keychain ko. Ibigay mo na yan sa 'kin, please Rence..

Hanggang sa umabot kami sa rooftop ng school. Di ko na napigilan ang luha ko.. "I-Ibigay mo na sa 'kin y-yan.." nanginginig ang boses ko. Hindi pa rin ganun kalakas ang loob ko para kausapin sya.

"Tinapon ko na 'to di ba? Bakit pinulot mo pa?"

"Kung alam mo lang kung gano yan kahalaga sa 'kin Rence.."

"Di mo na 'to kailangan." Tumalikod sya sa 'kin at saka inihagis ang keychain ko. Wala na. Tuluyan nang bumagsak ang balikat ko at patuloy ako sa pag iyak..

"Pati ba naman remembrance pinapagkait mo pa sa 'kin.."

Humarap sya sa 'kin. "Hindi kasi ako nagbibigay ng mga cheap na remembrance."

HA?! Ano'ng ibig nyang sabihin?

Lumapit sya sa 'kin at may kinuha sa bulsa nya. Tinaas nya yun para makita ko.

Isang silver-- wait. White gold??! Isang white gold necklace na may heart shaped white gold and diamond pendant.

"A-Ano y-yan?"

"Kwintas."

Ai, *toot toot* alam ko namang kwintas yan eh. "Ibig ko sabihin.. Para saan--" hindi ko na ulit natapos yung sasabihin ko. Pumunta sya sa likod ko at isinuot nya yung kwintas sa 'kin.

"Pasensya na ah. Ayoko lang talagang nagbibigay ng mga mumurahin. Happy Birthday, JC."

WAA!! Alam nya ang birthday ko??! Pano?! Hmmm.. Hindi na siguro mahalaga yun. Ang mahalaga lang sa 'kin ngayon, nakakausap ko na ulit si Rence. At hindi lang nakakausap, binigyan nya pa 'ko ng gift.

Pagkatapos ng dalawang buwan.. Nagkausap na ulit kami. Napaka special naman ng birthday na 'to.

"Tahan na."

Tumango lang ako.

"Balik na tayo sa room?"

"Wag. Ayoko pa.."

"Male-late tayo."

"Wag muna. Dito muna tayo. Samahan mo 'ko magcelebrate ng birthday."

"Ganito ka ba magcelebrate ng birthday? Walang handa handa?"

"Hindi naman ako sanay na naghahanda eh. Kontento na 'ko sa mga taong mahahalaga sa 'ki--" Bigla kong tinakpan ang bibig ko. Patay. Nadulas na! Tinignan ko sya. Nakatingin lang din sya sa 'kin.

"..."

"..."

"Sige na, pumasok na tayo. Ako nang bahala mamaya."

"Mamaya?"

"Oo." Ngumiti sya. Binigyan ko din sya ng matipid na ngiti. Kung ano man ang mangyayari mamaya, hindi ko alam. Ang mahalaga makakasama ko sya ngayong birthday ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Here's the update.  Okay lang ba? :D --Mish

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon