Opposites Attract [23]

570 10 12
                                    

[JC]

At lumipas ang isang lingo. Isang lingo na ring hindi normal ang lahat. Hindi kinakausap ni Rence si Carlo, pati si CJ di na rin kinakausap yung bestfriend ko. Sabi naman ni Carlo desisyon na nilang dalawa yun ni CJ na wag mag usap. Kung bakit, hindi ko alam.

Lumipas pa ang ilang linggo at nabalitaan kong nagde-date pala sila  CJ at Eric. Sinubukan kong kausapin si CJ tungkol dito pero pinigilan ako ni Carlo. Hayaan ko na lang daw eh.

“hindi ka talaga affected?” tanong ko kay Carlo. Nandito kami ngayon sa mga benches sa field. Ayaw nya pa raw umuwi eh.

“hindi. Kaibigan ko naman sya eh. Kaya masaya ako pag masaya sya.” Hindi sya nakatingin sakin.

“alam mo hindi kita maintindihan eh.. diba mahal mo sya—“

“tara uwi na tayo.” Tumayo na sya, halatang ayaw nya yun pag usapan.

“hintayin ko pa kasi si Rence..”

“sige. Una na ko.”

[CJ]

Nandito ako ngayon sa isang fine dining restaurant, syempre sponsored by Mr. Eric Saavedra. Oo, nagde-date na kami. Pero hindi pa kami. Hindi naman sya nanliligaw eh. Tsaka asa no, yung mga katulad nyang tao wala sa bokabularyo ang salitang “ligaw.” Dadaanin nya lang ako sa pera eh.

Oo mayaman sya, as in sobrang yaman. Lately ko nga lang nalaman eh. Sana nga hindi malaman ni Mommy na nakikipag date ako sa isang Saavedra. Kungdi baka magaya lang ako kay Clarence.

Kaya lang naman ako nagtyatyagang makipag date dito kasi.. sa totoo lang gusto ko pagselosin si Carlo. Pero wala eh, parang kung ano’ng gawin ko okay lang sa kanya.

Pero mahal ko sya talaga.. TT____TT ang manhid manhid nya! Mas mabuti na raw na ganito. Tsk.

“nagmamay ari din si Papa ng isang malaking shipping business sa Australia. At isa pa… Clementin?”

Napaangat ako ng ulo. Kanina ko pa kasi nilalaro ng tinidor tong pagkain ko. Di kasi ako makafocus sa kanya kakaisip kay Carlo. “Huh? Sorry?”

“hindi ka yata nakikinig eh..”

“hindi.. nakikinig ako. Ganito lang talaga ako pero nakikinig ako sa mga kinekwento mo.” Pagsisinungaling ko.

“ganun ba?” ngumiti sya. “alam mo, kung mahal ka talaga nya, hindi ka naman nya hahayaang makipag date sakin simula pa lang eh.”

Napapatitig ako sa kanya sa sinabi nya.

“sorry Clementin pero.. sayang lang ang pagmamahal mo sa Carlo na yun. He’s just taking you for granted! Pero tignan mo, may napapala ka ba? Wala diba? Sorry pero sinasabi ko lang ang totoo. Truth hurts. Truth really hurts.”

Parang tutulo na’ng mga luha ko. Ang sakit sakit. Pinamuka nya sakin kung gano ko katanga? Ang sakit.. “I’ll wait for you outside.” Tumayo na ko at lumabas ng resto.

Maya maya sumunod na rin sya sakin sa labas. “here.” At nag abot sya sakin ng isang panyo.

“no thanks. I have my own.”

“galit kaba sakin? Nasaktan ba kita? Sorry.”

Hindi ako galit sayo.. hindi ko alam.. hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon..

Nasaktan mo ko? No! Definitely not. Nasaktan NYA ko… ni Carlo..

“Hindi.” Yun na lang ang sinabi ko para wala nang usap.

“ihahatid na kita sa inyo.”

Buti naman at nakaramdam na sya na ayaw ko na makipag date. 7:30 pa lang ng gabi at gusto ko na talagang umuwi.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now