Opposites Attract [13]

529 6 2
                                    

[. Rence's POV.]

Nasa mood ako makipag asaran kay Clementin ngayon. Kinakasat ko pa rin sya tapos kinukurot ko sa pisngi habang nakaakbay sa kanya. Nasa ganung scene kami ni Clementin nang nakita ko si JC. Mataman ang tingin nya sa 'min.

"Clementin, sandali lang ha."

Napatingin din sya kay JC. "Sige."

Halos takbuhin ko yung kinatatayuan ni JC. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya, tumalikod na sya at naglakad papunta sa room namin.

"Good morning JC."

"Same to you." di sya nakatingin sa 'kin.

...

Nagseselos sya ^___^ at bakit natutuwa pa 'ko? Kasi di ko pa gf nagseselos na sya. Parang kami na di ba? Pero nagseselos nga ba talaga sya? Friends naman kasi sila ni CJ eh.

"Uhm.. may assignment ka ba sa Trigo?" ai. ano ba yung tanong ko, baka isipin nya mangongopya ako. =___= gusto ko lang naman magsimula ng conversation.

"Oo bakit." hindi pa rin sya tumitingin.

"Ano ba'ng iniisip mo?"

O___O

Pati ako nagulat sa tanong ko.

Sya napatigil sya sa paglalakad.

Actually she just paused, tapos naglakad na ulit sya.

"Galit ka ba sa 'kin JC..."

"Hindi. Ang saya ko nga eh."

Blangko yung mukha nya, tapos kakaiba yung tono nya. tsk* maligoy kasi ako masyado eh...

"Nagkukulitan lang naman kami--"

Umiling sya tapos binilisan yung lakad nya.

"JC..."

"Wag mo muna akong kausapin. Wag muna tayo mag usap!"

Aray.

Ang sakit sa tenga nun ah. Hindi dahil sinigawan nya 'ko. Ayaw nyang mag usap kame? Palpak ka Rence... Ano'ng gagawin ko? Di ko na lang muna sya sinundan. Nawalan tuloy ako ng gana pumasok. San kaya si CJ? Sya kaya pag explainin ko...

[.JC's POV.]

Mga lalaki talaga pagka gagaling. tsk tsk* kasasabi nya lang sa 'kin kahapon na gusto nya 'ko, tapos ngayon...

Ang hirap talaga pag M.U.

Pag M.U. lang.

Kasi pag malapit sa kanya yung ibang babae wala akong karapatan magalit... hayyy...

Di ko pa lubos maisip kung bakit si CJ? Si Nerdy? Mas nerd kaya sya sa 'kin? Lamang nya lang mas maputi sya sa 'kin! hmmmppp.. but still, she's nerdier. [NERDIER? May salita bang ganun?] Tapos di na rin pumasok si Rence. Ang totoo kasi nyan, kulitin nya lang ako ng sobra mapapatawad ko na sya. Girl thing, right? Haaayy... Rence naman eh! Ang torpe torpe torpe mo!! TToTT

"Problema?"

Oh andito na si bestfriend. " Malaki."

"Rence?"

"Oo."

Dapat talaga one word lang ang usapan? -___-

"Ano ba Carlo, mag usap naman tayo nang maayos."

"Wala pa ba si Ma'am?" ayos, iniba usapan.

"Oo eh."

"Bakit?"

"Hindi ko alam..." tinatamad na 'kong alamin yung kung anu anong chorvaneks. BASTA gusto ko lang malaman kung ano meron kay CJ! Well, di naman ako galit sa kanya. Misteryosa lang kasi eh. Tahimik, misteryosa, matalino, misteryosa. Maganda. 

Oo, maganda sya. Beneath the glasses I can see her beauty. Pero bakit si Rence pa??! Akin na sya eh...

As if naman JC. Wala ka pang right para maging "SA 'YO" sya. TT___TT

"May alam ka bang sikreto tungkol kay CJ?" tanong ko kay Carlo. Muka kasing close na sila eh, baka may alam 'to.

"Wala, bakit? May sasabihin ka?"

"Kaya nga ako nagtatanong kasi may gusto ako malaman."

"Kelan ka pa naging chismosa?"

Tsk. I'm not getting any help. Napailing ako.

"Ano ba kasing pinoproblema mo?"

"Tinatamad ako magkwento."

Parang ang gloomy gloomy naman ng araw na 'to. Isang oras pa lang naman ang nakakalipas. Wala yung first subject teacher namin. Hindi ko alam kung bakit.

Wala si Rence, hindi pumasok, hindi ko alam kung bakit.

Si Carlo... mukang wala sa sarili... hindi ko alam kung bakit.

Day dreaming siguro.

"Problema?" this time ako naman nagtanong sa kanya.

"Hindi problema." nakangiti nyang sagot.

"Eh ano?"

"May nakita kasi akong magandang babae eh."

"Tapos..?"

"May problema pala, hindi ko sya kilala, hindi ko alam ang pangalan at... hindi ko alam pano ulit sya makikita."

"Para sa isang inlove na katulad mo, problema nga yan." napangiti ako. Akalain mo tong si Carlo, haha :))

"Ikaw Concepcion... tingin mo ba... inlove na 'ko?"

"..."

"..."

"Iniisip mo ba sya lagi?" diretso ang tingin ko sa board, naiisip ko kasi si Rence.

"Oo, simula nung nakita ko sya."

"Kelan?"

"Kahapon."

*Pfft* kahapon lang pala. Means, new love. Hindi naman pala ako nahuhuli sa balita ^___^

"Eh pano na si CJ nyan?" tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi talaga close sila tapos... ala lang. Natanong ko lang.

"Friends lang kami ni CJ.. Close friends."

"Maniwala naman ako sa 'yo. May gusto ka din sa kanya eh. Yiiiie!!" with matching hampas sa likod ^_____^ :D

"Aray." =____= "Concepcion nga, di porket inlove ka... haist.. di ba ikaw na rin nagsabi, opposites attract? Eh pareho lang kaming baduy ni CJ nu! Malay mo makatuluyan ko yung si Miss.. haha" lapad ng ngiti nya, tinamaan nga ang bata.

Sabagay.. kung kami nga ni Rence naging MU eh.. wala naman pala talagang imposible sa love.

Maya maya pa at dumating na ang teacher sa English.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now