Kero-Kero 03

186 19 6
                                    

Pokok's Point of View:

Nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ang lahat noon para sa house warming party na ginawa namin para kay Vito. Nakita namin kung gaano siya nasurpresa sa ginawa naming 'yon at masaya naman kami sa naging reaksiyon niyang iyon. Napagkasunduan ng lahat na manood ng pelikula kaya naman nagpatulong si Vito kay Miki na I-set up ang lahat, dahil wala naman akong masiyadong alam sa mga gadget gadget at kung ano-anong kable na kailangang isaksak sa napakalaking TV ni Vito ay nagpaalam ako sa kanila na lalabas sandali para magpahangin lang.

Sa paglabas ko ay agad akong naupo sa mahabang upuan sa at pinagmasdan ko ang malawak na palayan sa kabilang bahagi ng kalsada sa tapat ng bahay ni Vito. Malamig at presko sa pakiramdam ang umiihip na hangin nang mga oras na iyon, nakakapayapa, nakakakalma, kahit paano ay naalis nito sandali ang bumagabag sa isip ko, sandali kong ipinikit ang mata ko para mas namnamin ang mga payapang sandaling iyon.

Nang tumigil ang hangin sa pag-ihip ay siya namang pagdilat ko at agad na bumungad sa akin ang todo ngiting si Minyong na nakadukwang pa nang mga sandaling iyon. "Uy!" ang pagulat ko pang sabi. "Para namang tanga 'to." ang dagdag ko.

"Ako pa ngayon ang parang tanga? Ikaw kaya ang parang tanga diyan, may papikitpikit ka pang nalalaman... ano nagyo-yoda ka?" ang sabi nito na nakangisi.

"Sira Yoga 'yun hindi yoda." ang sabi nito.

"Yoda, yoga, magkatunog lang naman kaya pareho lang 'yon." ang sabi nito at naupo sa tabi ko.

"Magkaiba 'yon, magkatunog pero magkaiba. Tsaka hindi ako nagyo-Yoga, nagpapahangin lang ako." ang sabi ko sa kanya.

"Sige na, sige na, magkaiba na kung magkaiba, at hindi ka na nagyo-yoga, pero sabihin mo ano ba ang gumugulo sa'yo? Nagkakasiyahan tayo bigla kang magdadrama dito? May balik ka bang mag-audition sa Star Circle Struck?" ang pabirong pag-uusisa nito.

"Hala, saan mo naman nakuha 'yang balita na mag-aartista ako?" ang pabiro ko namang tugon bilang pagpatol sa biro niya.

"Para namang sirang kausap 'to." ang yamot nitong sabi na nginisian ko lang.

"Ako pa ngayon 'tong sira ikaw 'tong di matino kausap. Hindi ako nagdadrama dito at walang gumugulo sa akin." ang tugon ko.

"Huwag ka na brad mag-audition, hindi ka papasa, brad best friend mo ko sa mga galaw mo pa lang alam kong may bumabagabag sa'yo." ang sabi ni Minyong at sandali ko siyang tinignan at pagkatapos ay pinagmasdan ko ang palayan.

Napakamot pa ako ng kilay ko noon at nagdadalawang isip na magsabi sa kanya. "Tagal magsabi? Sige ako na lang magsasabi ng sagot, si Miki?" ang sabi ni Minyong, at agad akong tumango sa kanya.

"Sabi na eh, pero anong problema? May tampuhan ba kayo ngayon?" ang usisa niya at agad akong umiling.

"Wala namang tampuhan pero muntikan na magkaroon, natatandaan mo naman 'yung nangyari noong isang araw hindi ba?"

"Noong isang araw? Hmmm..." ang sabi ni Minyong na tila sinusubukang balikan ang nangyari noong isang araw.

"Ah... yung pag-e-emote niyong dalawa nung nakauwi na tayo? Masasabi ko pwede na din, papasa naman sa mga teleserye na pang siesta, 'yung tipong tinutulugan na ng mga nanay." ang parang ewan na sagot nito.

"Para ka namang tanga kausap."

"Ito naman hindi mabiro, nahahawa ka na kay Miki na hindi alam ang salitang biro at pasensiya, oh ano ba kasing meron at pinoproblema mo pa 'yung nangyari na 'yon? Hindi ba nagkaayos na kayo? Noong isang araw pa 'yon hindi ba dapat kapag naayos na ang isang problema, hindi na dapat pang binabalikan kasi kumbaga sa sugat na magaling na, nagiging sariwa ulit kapag kinutkot ng pilit." ang sabi ni Minyong.

Panget Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon