PROLOGUE I

815 37 6
                                    

Miki's Point of View:

It's been ten years since I moved here in United States, here in New York to be exact, sampung taon na pala ang lumipas na hindi ko man lang namamalayan simula nang mapagpasyahan ko na dito na magtapos ng aking pag-aaral. Sa sampung taon kong pamumuhay dito sa New York ay nasanay na ako sa maraming bagay, natuto ako ng mga bagay na noon ay hindi ko akalain na matututunan ko. May ilang hindi kagandahang learnings like pag-inom ng alcoholic drinks well I guess hindi naman siya masama if hindi naman madalas and for gathering purposes lang naman and staying up late for partying in clubs but I can assure naman na mas madami pa din akong natutunan na maganda sa sampung taon na lumipas, I will not get my supervisor position sa isang company dito kung puro kabulastugan lang ang ginawa ko dito.

Heto ako ngayon sa opisina ko tamang tanaw lang sa mga naglalakihang gusali na nakapaligid sa company building na pinapasukan habang nakaupo sa swivel chair ko. "It's been ten years na..." ang pabulong kong sabi kasunod ng isang buntong hininga habang nananatiling nakatanaw sa labas. Iniikot ko ang swivel chair ko at humarap ako sa aking mesa at tinitigan ko lang ang computer ko na kanina pa nakatengga ang dapat ay kanina ko pang tapos na report. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tamad na taad ako sa araw na 'to all I know is bigla kong naisip ang sampung taon na nagdaan sa buhay ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal din ang ginugol ko sa pakikipagtitigan ko sa computer ko ang tanging alam ko lang ay nagbalik ako sa wisyo ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko, sa sobrang pagkasabaw ko ay hindi ko pa naiwasang mapatayo dahil sa pagkabigla ko. Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko upang alamin kung sino ang tumatawag, at hindi ko naiwasan na hindi mapangiti nang makita ko kung sino ang tumatawag dahil sa sampung taon ko dito sa New York at least masasabi ko na hindi ko binuro ang sarili ko nang mag-isa.

"Hello?" ang bungad ko nang aking sagutin ang tawag.

"Are you free for today? I mean after your work for today." ang tanong sa akin ng nasa kabilang linya.

"Hmm, let me think first kung free nga ba ako today." ang pakipot ko pang sabi at nadinig ko siyang tumawa.

"Ayan ka na naman sa let me see, kabisado na kita, kapag 'yan ang sinabi mo, ang ibig sabihin ay free ka today." at hindi ko din naiwasan na matawa nang madinig ko ang sinabi niyang iyon dahil tama naman siya sa sinabi niya.

"Kilalalang kilala na talaga ako 'no? Pero bakit tinanong mo pa alam mo naman na pala." ang pabiro kong pambabara.

"Hindi ka pa din nagbabago, mahilig ka pa din mambara. So paano sa dating tambayan? Later after work? Don't worry I can wait naman if ever na mauna ako doon, just make sure na sisipot ka." ang sabi niya at tumango ako na akala mo naman nakikita niya ako.

"Sure, sure, see you later, kailagan ko na din kasi ng makakausap at makakasama magliwaliw at medyo nasasabaw ako today." ang nakangiti kong sabi.

"Okay, see you later then. I have to go na may reports pa din akong kailangang matapos before tayo magkita." ang sabi niya bilang pagpapaalam kaya naman nagpaalam na din ako dahil tulad niya ay may reports pa din ako na kailagang titigan, este tapusin.

Bago sumapit ang oras para umuwi ay nagawa ko namang matapos ang reports at naipadala ko na din 'yun sa boss ko, isinama ko na din ang ilang proposals and documents na kailangan ng approval niya. At dahil nagawa ko namang makatapos ng maagaaga ay inayos ko na lang ang mga gamit ko sa mesa, ilalagay ko na noon sa bag ko ang planner ko nang bigla ko itong mabitawan dahil na din sa hindi maayos ang pagkakahawak ko dito. Agad ko namang pinulot ang planner pero sa pagpulot ko dito ay siya namang paglaglag ng mga nakaipit dito na mga kung ano-ano, kasama na ang larawang pinakatatagutago ko.

Agad kong pinulot ang larawan na iyon at hindi ko naiwasan na mapangiti at maisip na naman ang sampung taon na nagdaan. "Ang bilis ng panahon 'no?" ang sabi ko na tila kinakausap ko ang larawang hawak ko, pero alam ko naman na hindi ako tutugunin ng larawan, takot ko lang kung bigla 'tong magsalita. Pinulot ko pa ang ibang nahulog na mga nakaipit sa planner ko at maayos ko iyong ibinalik lahat sa planner ko at pagkatapos ay maayos ko ding inilagay ang planner ko sa bag ko.

Panget Ko!Where stories live. Discover now