Kero-Kero 20

175 16 10
                                    

Miki's Point of View:

It was a busy yet not so tiring day, ewan ko pero I never felt so motivated like this before, palabas na ako ng office pero hindi ko nararamdaman ang pagod sa trabaho ko noong araw na 'yon. Naglalakad na ako noon sa lobby ng company building nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya naman dali-dali ko nang kinuha sa bulsa ko ang phone ko at sinagot na lang agad iyon.

"We all need some sweetener in this life pala ha, tell me are you in love?" ang wala nang hello hello na bungad sa akin ni Seven. "Alam mo I feel a little hurt ah, I've been with you years na pero you declined me as your lover, instead binestfriend zoned mo ako, tapos ngayon may pa-sweetener sweetener ka na ngayon?" ang tila nagtatampo pang sabi ni Seven at nagpatuloy ako sa paglalakad ko na nagpipigil ng tawa.

"Seven ang lakas ng imagination mo, you know naman na never ako tumanggap ng manliligaw after..."

"After Pokok, kasi attach ka pa sa kanya up until now." ang sabi niya.

"Attach ka diyan, hindi 'no." ang agad kong tugon.

"Deny it or not Miki, I am your best friend and ex suitor, I know that you still love him. Pero I doubt na wala ding meaning ang IG post mo na sweetener. So tell me who is the lucky guy?" ang halatang masaya na sabi ni Seven. Si Seven ang naging karamay ko dito sa New York, I forgave him from what he did before and na-explain niya sa akin ang dahilan, to be honest there are times na ginugulo ako ng mga what ifs ko noong nandito na ako sa New York, I wonder if me and Pokok will be a more better person kung nag-stay ako at instead ipinagkibit balikat na lang ang away namin at minabuti na subukang ayusin ang lahat agad noon. Pero ngayong nakita ko si Pokok, at this moment masasabi ko na nakabuti sa amin pareho ang paghihiwalay namin at paglayo ko sa kanya, he became a more confident person, a better version of himself, at ako naman naging better version ko din naman siguro.

"Hey? Still there? Or are you lost in day dreaming again?" ang sabi ni Seven ng hindi ko siya tugunin.

"Ah sorry ano ngayon? Tumawid kasi ako ng kalsada." ang pagsisinungaling ko kahit pababa lang naman ako ng hagdan sa labas ng building.

"Ang sabi ko who is the lucky guy?" ang tanong niya sa akin.

"Lucky guy ka diyan? Walang gano'n 'no. Do not give malicious thoughts 'yung post ko sa IG, I just met Pokok today kaya..." ang hindi ko na natuloy na sabihin dahil nabigla na din ako sa sarili ko nang madulas ako kay Seven.

"What!" ang malakas na sabi ni Seven and ramdam ko sa boses niya ang excitement at saya na para bang matagal na niyang inaabangan na mangyari na magkita kaming muli ni Pokok. "Is that for real? I mean totoo bang nagkita kayo today ni Pokok?" ang masayang paniniguro niya.

"Do deny it to me Miki, I know you." ang sabi pa niya.

"Ano kaya 'yon nagtanong tapos sabay do deny it to me. Yes, nagkita kami today. Unexpectedly actually, our company is working on a project na ilo-launch namin soon and we search for the best advertising company here in New York para sa launching ng project, and sino naman ang makapagsasabi sa dinamirami ng company dito sa New York, Pokok is working sa company na napili naming umasikaso sa advertising ng project namin." ang sabi ko. "At alam mo pa ang malala? He and I will work together hanggang sa matapos ang project launching kasi naman siya ang ini-assign ng company nila to handle the project and ako naman sa company ko." ang dagdag kong sabi.

"What the... it is miraculous, I mean great, este it is a disaster." ang natatawang sabi ni Seven. "Pero I find it a good opportunity na din para sa inyo." ang dagdag niya habang ako naman ay tumatawid ng kalsada.

"Good opportunity sa amin? In what way?" ang sabi ko.

"Miki, Miki, Miki, stop playing dumb, hindi ka na teenager, you are in the right age at alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko. I know you still love him, and I believe he will not be here kung hindi ka din niya mahal, why not give yourself a chance to love him freely again. Tsaka bukod kay Pokok wala na akong ibang tao pang mapagkakatiwalaan when it comes to you and your safety." ang sabi ni Seven. "Do not hold yourself back dahil sa nakaraan, I know how much you miss him, and I know somehow may tampo ka pa din sa kanya, pero Miki I know din overall, your love for him stills at top, tsaka sabi ko nga siya lang ang mapagkakatiwalaan ko when it comes to you, mas mapapanatag ako kapag alam kong nagkabalikan na kayo at magkasama na kayo ulit." ang sabi ni Seven na bahagyang parang may pahapyaw ng pagpapaalam.

Panget Ko!Where stories live. Discover now