Kero-Kero 08

144 18 14
                                    

Miki's Point of View:

Nang mahimasmasan na ako ay doon na ako nagpasyang umuwi, tahimik lang akong naglakad palabas ng eskwelahan hanggang sa paglabas ko ng gate ay agad na bumungad sa akin si Seven. "Sabi ko na nga ba na nandito ka pa." ang sabi nito sa akin at isang matipid na ngiti ang itinugon ko sa kanya.

"Wanna go somewhere else?" ang tanong niya sa akin at isang iling ang ibinigay ko sa kanya pero nabigla na lang ako nang hawakan niya ako sa kamay.

"I know na since kaninang umaga na pagdating ko ay hindi ka okay, and my big sis always saying to me na huwag akong uuwi ng bahay na may negative emotion na nararamdaman kasi it will affect the mood inside your home pati mga tao na nakatira ro'n." ang sabi niya sa akin. "I know somewhere na pwede ka magpagpag." ang sabi niya.

"Pagpag? Hindi sa mga taong pumunta lang sa funeral services 'yon?" ang sabi ko at napakamot siya ng ulo.

"Ah ibang pagpag naman 'yon, basta itataboy natin 'yang negative emotion mo." ang sabi ni Seven at bago pa ako makatanggi ay nagawa na niya akong hilahin. Hindi naman sa hindi ko kayang tumanggi o pumiglas sa hawak niya sa akin, kung tutuusin kayang kaya kong tumanggi kahit na hinihila na niya ako, kaya kong kumalawa sa pagkakahawak niya sa akin pero para bang katawan ko na ang nagkukusa na sumama sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hila niya ako at dahil halos nasa likod niya ako ay napagmasdan ko si Seven ng sikreto. Ang bait na tao ni Seven, I wonder kung ganito din ba siya kabait sa ibang tao.

"Sorry pala ha?" ang biglang sabi ni Seven habang naglalakad kami't hawak at hila niya pa din ako.

"Ha? Sorry para saan?" ang tugon kong tanong.

"Sorry if I cause some trouble to you, I mean since that last time na i-tour mo ako at mangyari 'yung pagtatalo niyo ni Pokok dahil sa akin, I felt like na may pader na nakapagitan sa inyong dalawa. Maniwala ka hindi ko gusto na magtalo kayo, I respect you and Pokok's relationship... kahit na..." ang sabi niya na pinili niyang hindi na lang ituloy pa.

"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry. Ako ang may kasalanan bakit kami nagkakaganito ngayon ni Pokok, naging insensitive kasi ako masiyado, hindi ko masiyadong pinahahalagahan ang iniisip at nararamdaman niya. Lagi ko na lang inuuna ang sarili ko and lagi niya din ako inuuna na nakakalimutan kong dapat ay ganoon din ako sa kanya." ang sabi ko.

"Thank you, I am glad to know na hindi mo ako sinisisi sa nangyayari between you and Pokok. If ever may maitutulong ako para magkaayos I am very much willing na tumulong magsabi ka lang." ang sabi ni Seven.

"Mmm." ang tugon ko sabay tango.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang sakayan ng tricycle. Agad naman akong pinasakay ni Seven at sumunod siyang sumakay. Hindi ko alam saan ako dadalhin ni Seven, magdidilim na din noon kaya medyo hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Mga dalawampung minuto din siguro ang itinigal ng biyahe namin noon nang marating namin ang isang lugar na di ako pamilyar, tulad sa lugar ni lola Veron ay marami ding palayan doon, ang pinagkaiba lang ay para bang kaunti pa lang ang bahay sa lugar na iyon.

"Ahm saan ba tayo pupunta?" ang tanong ko kay Seven.

"Don't worry, I've been here so many times na. Actually ito ang isa sa mga breath taking place na una kong napuntahan dito, so trust me with this." ang sabi niya sa akin at ngumiti siya.

Hindi ko talaga alam kung gaano kaligtas 'tong gagawin namin pero nagtiwala na lang ako kay Seven, somehow naniniwala ako na hindi din naman niya ako pababayaan if anything bad happens. Nagulat na lang ako nang makita ko ang isang burol na kailangan naming akyatin.

"Seven? Sigurado ka ba dito?" ang tanong ko sa kanya.

"Yup sure ako. Don't worry, ihahatid din kita sa inyo pauwi, but let me just show you this place." ang sabi ni Seven at inabot niya ang kamay ko at nagdalawang isip pa ako na hawakan ang kamay niya. "Trust me, just hold my hand." ang sabi niya at tumango ako't hinawakan ang kamay niya.

Panget Ko!Where stories live. Discover now