Kero-Kero Special Chapter

226 16 8
                                    

Miki's Point of View:

Matapos naming magkabalikan ni Pokok ay itinuloy pa din niya ang pasya na umuwi ng Pilipinas, habang ako naman ay pinili na manatili pa sa New York para tapusin ang project para sa company at nagkaunawaan naman kami sa bagay na iyon. Naging matagumpay ang aming naging advertisement dahilan para magkaroon ako ng promotional offer pero tinanggihan ko na sa kadahilanang nakapagpasya na akong umuwi ng Pilipinas.

It's been eleven years since nang umalis ako sa lugar na di ko akalaing magbibigay sa akin ng isang masayang roller coaster ride in terms of life and love, at hindi naman ako nagsisisi sa bagay na 'yon. Nang umuwi ako ay tanging sila mommy at daddy lang ang pinagsabihan ko upang sorpresahin ang lahat pero hindi ko inaasahan na ako ang masosorpresa dahil hindi ko inaasahan na si Pokok ang susundo sa akin sa airport, hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko all I know is nag-agaw eksena kami noon sa airport dahil talagang patakbo ko siyang niyakap at hinalikan na akala mo kami lang ang tao doon.

Gabi na nang makarating kami sa Nueva Ecija, sa bahay nila lola Veron pero para bang fiesta ang ganap dahil sa sobrang saya ng lahat. Dahil nang gabing iyon hindi lang pala ako ang bumalik, maging sila Vito at Jayson ay umuwi din noon, nauna silang dumating sa akin to help with the welcome party for me. Habang si Seven naman ay naka-video call namin, he is doing great sa trabaho niya and soon to be promoted.

Habang sila Minyong at Luiz naman ay sobrang lalanggamin ka sa kilig ng dalawa, good thing about them ay nag-jive ang personality nila kaya walang masiyadong away ang dalawa well maliban na lang kapag nagselos si Luiz, base kay Minyong para another ako daw si Luiz kapag nagselos.

Inimbita din namin noon si Gio dahil para sa amin ay bahagi na din siya ng aming barkadahan. Nakibalita na din kami sa lagay ni Mikee, at ayon sa kanya Mikee is doing good sa isanng kompanya na napasukan niya pero wala na siya sa New York, nasa California na siya. Habang si Peter naman daw ay nakatakdang madeport dahil sa kiansangkutan nitong gulo dahil sa kagagawan ng boyfriend na bandang huli ay nakipaghiwalay din sa kanya.

Nang gabing 'yon we all decided to revisit a part of our memories together, iyon ay ang sama-samang mag-camping sa ibabaw ng burol. We all lie down under the stars and guess what Mariza is never alone na this time dahil napansin namin na si Gio at Mariza ay nagkakamabutihan in some ways, love moves in mysterious ways sabi nga sa isang kanta.

What makes that night the most memorable night? Iyon ay 'yung nagawa namang mabalikan ang alaala naming lahat ng magkakasama habang gumagawa ng mga bagong alaala kasama ang mga taong mahal namin habang humihiling at nagtatawanan sa ilalim ng mga bituin.

Panget Ko!Where stories live. Discover now