Kero-Kero 21

149 16 2
                                    

Miki's Point of View:

Sandali akong natigilan nang madinig ko ang doorbell ng unit ko. Nang hindi ko tugunin ang pag-doorbell ng tao sa labas ng unit ko ay muli itong nag-doorbell. Agad kong nilapitan ang pinto ng unit ko at tinignan sa security screen kung sino ang kanina pang nagdo-doorbell, at nang makita ko kung sino ay dali-dali ko itong binuksan.

"Ronnie?" ang agad kong sabi pagkabukas ng pinto at isang ngiti naman ang tinugon nito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" ang tanong ko dito.

"Ah pasensiya na kung pumunta ako ng walang pasabi, nautusan lang ako ni boss na dalhin 'to sa'yo." ang tugon niya sabay pakita sa akin sa mga folders ng files na nakalagay sa isang paper bag. "Si boss din ang nagbigay sa akin ng address mo, alam mo naman si boss kailangan sundin kapag inutos niya." ang dagdag nitong sabi.

"Gano'n ba?" ang sabi ko at kinuha ko sa kanya ang paper bag ng mga files na dala niya. "Ano bang laman ng mga 'to at parang napaka-urgent?" ang usisa ko.

"Ah 'yan daw ang mga files na pwede mong magamit para sa project na gagawin mo, nandiyan daw 'yung mga previous advertisement na ginawa ng company and kung mga results daw ng naging kita ng kompanya matapos ang bawat advertisement." ang sabi niya. "At siya nga pala, kanina may tumawag sa opisina, sabi niya taga advertisement company siya na siyang makakatuwang mo sa project ng company natin, kung hindi ako nagkakamali ang sabi niya ay ang pangalan niya ay..." at bago pa masabi ni Ronnie ang pangalan ni Pokok ay agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil bigla noong lumabas sila Mikee at Peter sa katabing unit. Napatingin sila sa amin at nagtama naman ang mga mata namin ni Mikee.

"I knew it, sabi na pamilyar ka sa akin." ang sobrang eksaheradang pagkaksabi ni Peter. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, Miki, tama? 'Yung ex ni Pokok?" ang walang preno niyang sabi.

"Sorry? Kayo ba ang bago? Ang bagong alaga ng may-ari ng katabing unit ko? OMG! I never thought na mahilig sila sa mga walang breed." ang sabi ko.

"Excuse me? For your information, kami lang naman ang bagong nakatira dito sa unit na 'to, and ang mahal kaya ng renta namin dito." ang pagmamalaki ni Peter.

"Oh really! Nakakainggit naman kasi ako binili ko 'yung unit na tinitirhan ko. By the way masiyado akong busy para abalahin pa ang sarili ko na ma-involve sa mga petty issues ng mga petty people." ang sabi ko.

"Kami ba ang sinasabi mong petty people?" ang tila nagtitimpi sa inis na sabi ni Peter.

"Wala akong sinabi, you claimed it." ang sabi ko at ngumiti ako sa kanila.

"Ronnie, much better sa loob na tayo mag-usap." ang sabi ko kay Ronnie na naguguluhan nang sandaling iyon sa nangyayari.

Agad kong pinapasok sa loob ng unit ko si Ronnie at isasara ko na noon ang pinto nang magsalita si Mikee. "Ano naman kung petty people kami? Alam mo ba na nagpunta ako dito para kay Pokok? Wala naman talaga akong kailangan sa'yo pero isa lang ang pakiusap ko, if ever na magkrus ang landas niyo ni Pokok 'wag ka nang bumalik sa kanya dahil hindi mo naman alam paano siya mahalin." ang sabi ni Mikee na nakapagpantig ng tainga ko, humakbang ako palapit sa kanila ngunit nagtira ako ng ilang pulgadang distansya, at pagkatapos ay tinignan ko si Mikee at Peter mula ulo hanggang paa.

"Una, wala akong pake kung bakit nandito kayo sa New York, ikalawa, mamatay na ang nagtatanong, ikatlo hindi kita boss para utusan ako kung ano ang dapat na gawin ko, ikaapat huwag kang magsalita na para bang alam na alam mong mahalin si Pokok dahil hindi mo naman mararanasan 'yon." ang sabi ko at tila umurong ang dila ni Mikee nang sandaling 'yon. "At siya nga pala babalik ako kay Pokok kung gusto ko at wala kayong magagawa, mga ambisyosa." ang sabi ko at agad ko silang tinalukudan at pumasok ako sa unit ko.

Panget Ko!Where stories live. Discover now