Kero-Kero 26

119 15 7
                                    

Pokok's Point of View:

Dala ang mga gamit ko bumalik ako sa aprtment building na tinutuluyan ko, pero sa pagbaba ko pa lang ng taxi ay isang tao na ang sumalubong sa akin, si Mikee, na hindi ko inaasahan na malalaman niya kung saan ako nakatira.

"Hi..." ang matipid niyang bati sa akin.

"He-hello..." ang alanganin at matipid kong tugon sa kanya nang makababa na ako sa taxi.

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" ang usisa ko.

"Well ano pa aasahan mo sa akin, sinundan kita sa pag-uwi mo noong huling beses tayo na magkita." ang agad niyang tugon, bagama't ayoko ang ideya na sinundan niya ako ng palihim ay hindi ko din nagawang magalit kay Mikee dahil kahit paano ay nakikita ko noon ang sarili ko sa kanya na ginagawa ang lahat para sa taong mahal niya.

"I see, paano papasok na ako, marami pa din kasi akong kaialngan na gawin." ang sabi ko pero bago pa ako makahakabang ay hinarangan na niya ang dadaanan ko. "Mikee, ano na naman 'to? Please wala ako sa mood para makipagtalo." ang sabi ko.

"Hindi ako pumunta dito para makipagtalo, please Pokok, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang, please..." ang pakiusap niya sa akin at doon ko nabakas sa mga mata ni Mikee na para bang may bumagabag sa kanya nang mga sandaling iyon. At isang buntong hininga ang pinakawalan ko noon.

"Okay, let's talk. Besides I realize din na kailangan din talaga nating mag-usap. Hayaan mo lang ako na iwan ko muna sa lobby itong mga dala ko then let's talk somewhere na malapit dito." ang tugon at isang matipid na ngiti ang gumuhit sa labi ni Mikee at tumango siya.

Matapos kong maiwan sa lobby at maibilin kay Mr Jimmy ang mga gamit ko galing sa opisina ay agad kong binalikan si Mikee sa labas ng apartment building na matiyagang naghihintay sa labas. Sa isang burger restaurant na malapit kami nagpasyang mag-usap. Sandali kaming binalot ng katahimikan habang sini-serve sa amin ang aming mga inorder.

"Uhm Pokok..." ang tila nahihiya pa niyang sabi.

"Sige na sabihin mo na ang pag-uusapan natin." ang malumanay kong sabi at hindi pa man din ay napansin ko ang pangingilid ng mga luha ni Mikee. "Sabihin mo may problema ba?" ang usisa ko at mabilis naman siyang umiling.

"Wala, wala 'to, ayos lang ako." ang agad niyang tugod habang hawak ng dalawang kamay niya ang malamig na baso ng juice. 'Ang totoo, gusto ko sanang humingi ng sorry sa'yo, I mean sa lahat ng nagawa ko sa'yo pati na din sa inyo ni Miki." ang sabi ni Mikee na hindi ko inaasahan noon.

"Teka bakit ka nagso-sorry? Ano bang nangyari?" ang tanong ko at napansin ko na may kumawala na luha sa kanyang mga mata na agad naman niyang pinunasan.

"Napag-isip-isip ko lang na tama ka, tama si Miki, na dapat mas pinili kong pakinggan si Gio. Na dapat nag-isip ako para sa sarili ko at hindi ako nagpadala sa pangungunsinti sa akin ni Peter. Kung alam ko lang, kung alam ko lang na sa bandang huli maiiwan akong mag-isa sa laban na 'to hindi ko na siguro 'to itinuloy, kaso ang tanga ko, naniwala ako sa taong akala ko kaibigan ko at nauunawaan ako." ang sabi ni Mikee na bahagya pa din akong naguguluhan.

"Nagkaroon ba kayo ng problema ni Peter?" ang tanong ko sa kanya at isang tango ang itinugon niya.

"Kahapon lang iniwan ako ni Peter sa tinutuluyan naming unit na katabi lang ng unit ni Miki. Dala niya ang mga gamit niya at nang tanungin ko siya ano ang ibig sabihin ng ginagawa niya, sinabi niya sa akin na mag-move out na siya at titira na sa bahay ng lalaking nakilala niya lang sa isang dating app. Nang tanungin ko siya kung paano ako, halos ikadurog ko nang sabihin niyang bahala na ako sa sarili ko, na ginamit niya lang talaga ako para makapunta dito sa New York dahil na din sa aming dalawa ako ang may kakayahan noon. Ang tanga ko lang kasi nagtiwala ako sa kanya, sa lahat ng mga kaibigan namin, kasi sinuportahan niya ako sa nararamdaman ko sa'yo pero lumalabas na ginawa lang niya 'yon para magawa niya at makuha niya 'yung gusto niya." ang paglalahad ni Mikee at ang nagawa ko na lamang noon ay hawakan ang isang kamay niya.

Panget Ko!Where stories live. Discover now