Kero-Kero 23

147 16 1
                                    

Miki's Point of View:

"Oh bakit natatawa diyan? May nakakatawa ba?" ang tanong ko kay Pokok habang nakatayo siya sa pinto ng kwarto habang hawak ang unan na binato ko sa kanya.

"Wala, para ka na kasing kamatis sa pamumula. Don't worry it is not what you are thinking, nothing happen between us. Ang ibig kong sabihin na ginawa mo kagabi ay ikaw ang tumawag sa akin para sunduin ka." Ang sabi nito sa akin at kahit paano ay nakahing ako ng maluwag nang madinig ko ang mga sinabing 'yon ni Pokok.

"Oh sige na maghilamos ka na at magmumog, naghanda ako ng almusal para sa'yo para makatulong din na mawala 'yang hangover mo." ang sabi ni Pokok at inilapag niya ang hawak na unan sa kama. "Kung hinahanap mo mga gamit mo nandyan lang sa side table." ang dagdag nito at iniwan na niya ako pagkatapos.

Dahil kahit paano ay nakakaramdam pa din ako ng hiya ay sandali pa akong nanatili sa kwarto na 'yon ni Pokok, at pilit kong ikinakalma ang sarili ko. Nang kumalma na ako ay sandali kong iginala ang mata ko sa kwarto na 'yon at nakita ko sa study area niya ang bulletin boards na may mga naka-pin na ilang larawan, iyon ang ilang larawan noong kabataan namin. Habang tinitignan 'yon ay hindi ko napigilang hindi mapangiti dahil nanariwa sa akin ang mga masasayang alaala naming magkakaibigan. Patapos ang sandaling pagmumuni-muni ay kinuha ko ang wallet at phone ko sa side table at lumabas ng kwarto. Agad kong tinanong kay Pokok kung saan ang banyo para makapagmorning rituals ako na agad naman niyang itinuro.

Nang matapos ako sa paghihilamos at pagmumumog, ay agad na akong lumabas ng banyo na sakto namang katatapos lang ni Pokok na maghain. "Oh maupo ka na, mas mainam kumain ka na habang freshly made pa ang breakfast." ang masiglang sabi ni Pokok.

"Sa-sa-salamat. I mean salamat not only for the breakfast but for picking me up at pag-aasikaso sa akin kagabi,pasensiya na sa abala." ang sabi ko hanggang mapaisip ako kung paano ako nakapagpalit ng suot ko. Pero sa halip na mag-hysterical na naman ako ay napayakap na lang ako sa sarili ko at napatingin ako kay Pokok.

"Huwag kang mag-alala, I swear wala akong ginawa sayo, nilinisan lang kita kagabi dahil alam mo na..." ang sabi niya sabay senyas para ipaalam sa akin na nagsuka ako kagabi. "Alam mo naman kung gaano kita nirerespeto." ang dagdag pa niya.

"Salamat." ang sabi ko at lumapit ako sa mesa at naupo.

"Pero bakit ka nga ba nagpakalasing kagabi?" ang tanong niya sa akin at nagsimula na siya kumain.

"Ah hindi ko naman akalain na malalasing ako kagabi, I attended a birthday party ng isa sa kaopisina ko."

"Ah gano'n ba akala ko naman may problema ka at nagpakalasing ka masiyado. Sila siguro 'yung naabutan kong umaalalay sa'yo nang dumating ako." ang sabi niya at sumubo ako ng pagkain.

"Siguro." ang tugon ko habang may laman pa ang aking bibig.

Sa kalagitnaan ng pag-aalmusal namin ay biglang tumunog ang cellphone ni Pokok na agad naman niyang kinuha. "Tumatawag sila, sinabi ko kasi sa kanila na nagkita na tayo." ang sabi niya at sumenyas ako sa kanya na huwag niya na akong ipakita pero ang mokong sinagot ang tawag at iniharap pa sa akin ang phone niya.

"OMG! Bakkklllaaaaaaa!" ang malakas at masaya na sigaw ni Mariza. "Mabuti at gising ka na, akala namin kinidnap ka na ni Pokok." ang dagdag pa nito na para bang wala akong nagawang kasalanan sa kanila.

"Oo nga, so magkasama pa din pala kayo ni Pokok?" ang sabi ni Minyong at isang tango ang agad kong itinugon sa kanya.

"Ay talagang tango-tango lang friend? Ano ka, 'yung display na aso sa mga sasakyan? Salita, salita din." ang sabi ni Mariza.

"Hin-hin-hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa inyo. Alam ko kasi malaki ang kasalanan ko sa inyo, naglihim ako sa inyo sa kabila ng pagtitiwala niyo, mas pinili ko na lumayo at magtago sa inyo." ang sabi ko na pakiramdam ko ay nangingilid ang luha ko. "I know I made a very selfish decision nang umalis ako ng biglaan, walang paalam, at nang makaalis walang paramdam. And to be honest sobra akong natatakot sa sasabihin niyo sa mga nagawa ko and I am sorry for being so selfish." ang sabi ko bilang paghingi ng patawad.

Panget Ko!Where stories live. Discover now