Kero-Kero 24

141 17 2
                                    

Pokok's Point of View:

Nasa coffee shop ako noon sa labas ng company building na pinapasukan ko, naroon ako para hintayin si Miki na kikitain ko sa araw na 'yon para magsimula nang maghanap ng lugar na pwedeng gawing setting at mag-conceptualize kung paano ma-i-execute ang advertisement ng company nila. Habang naghihintay ay naisip kong magbukas ng Instagram, naisipan ko kasi na i-stalk ng kaunti ang instagram ni Miki dahil sa wakas nagkaroon na ulit kami ng connection maging sa social media after ng napakahabang panahon. Todo ngiti pa ako ng sandaling 'yon hanggang sa mapakunot ang noo ko nang biglang magkaroon ng bagong IG post si Miki.

"Sana all may parosas sa umaga." ang pagbasa ko sa caption ng post ni Miki na iyon na larawan ng isang bouquet ng mga puting rosas. "Sino naman kaya ang nagbigay sa kanya nito?" ang tanong ko sa isip ko, iniisip ko noon kung galing ba ito sa manliligaw o isang appreciation gift, nang sandaling 'yon nagsisimula na akong makaramdam ng selos ngunit natuto na ako noon sa mga naging aksyon ko kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at hindi ko hinayaan na tumalon agad ako sa isang konklusyon. At para hindi ako lamunin ng selos ay naisipan ko muna na tigilan ang pag-browse sa Instagram ni Miki.

Ilang minuto pa ang tinagal ko doon nang mapatingin ako sa labas at matanaw ko ang isang lalaki na papalapit at hindi ko naiwasan na hindi mapangiti dahil sa pag-aakalang si Miki ang dumating. Hanggang sa pumasok na ito sa coffee shop at ang ngiti ko ay napalitan ng walang emosyon na reaksiyon at doon ko lang naalala ang sinabi sa akin noon ng mga kaibigan ko patungkol kila Mikee at Peter na narito na din sa New York.

"Pokok?!" ang tila sabik at masayang sabi ni Mikee nang makita at makilala niya ako. Dalidali siyang lumapit sa akin na para bang nakalimutan na ang hindi namin pagkakaunawaan noon.

"Sabi na nga ba at ikaw 'yan." ang sabi pa niya na para bang nakahinga ng maluwag pero wala pa din akong binibigay na ano mang reaksiyon.

"Mikee, si Mikee 'to, remember?" ang masaya pa niyang pagpapakilala sa akin sa pag-aakalang hindi ko siya nakilala.

"Ah, Mikee, oo, natatandaan ko na." ang pagsakay ko na lang sa kanyang pag-aakala.

"Masaya ako na nakita kita." ang masaya niyang sabi habang sa isip ko ay gusto ko nang umalis para makaiwas sa kanya.

"Nice to see you din. Ano nga pala ang dahilan at nandito ka sa New York?" ang usisa ko.

"Ah may interview ako ngayon diyan lang sa company na nasa labas." ang sabi niya at halos masamid ako sa sarili kong laway nang madinig ko iyon. "Ayos ka lang?" ang tanong nito sa akin.

"Ah oo ayos lang ako. Pero sa tingin ko kailangan ko nang umalis, may kailangan din kasi akong asikasuhin." ang pagdadahilan ko.

Agad akong tumayo at kinuha ko ang mga gamit ko at pero bago pa ako makahakbang ay mabilis na hinawakan ni Mikee ang kaliwang kamay ko, naramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak na tila ba ayaw na niya itong pakawalan. Nakita ko sa kanyang mata ang tila nakikiusap na magtagal pa ako doon.

"Mikee..." ang malumanay kong sabi.

"Pokok, pwede bang mag-stay ka muna ng ilang minuto, please? Kailangan lang kitang makausap." ang sabi sa akin ni Mikee.

"Siguro sa ibang araw na lang? May kailangan din talaga akong gawin na mahalaga." ang pagtanggi ko at pagdadahilan.

"Please Pokok, nakikiusap ako, pakinggan mo lang ako." ang muling pakiusap sa akin ni Mikee.

"Hindi naman ako na-inform na reunion pala 'to at hindi business meeting." ang nadinig kong sabi at napatingin ako sa pintuan ng coffee shop, naroon si Miki hawak ang bouquet ng rosas na kanyang natanggap habang nakatingin sa amin. At naibaling ko ang tingin ko sa kamay ko na hawak pa din noon ni Mikee na pilit kong inalis sa kabila ng pagpupumilit nitong manatili itong hawak.

Panget Ko!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें