TEASER

2.5K 55 8
                                    

[BoyXBoy|Yaoi]

~ Panget Ko! ~

"Hindi ko alam kung bakit humantong kami sa gan'to... all I know is we love each other... and I still do love him... pero..."

~ Miki (Panget Ko!)

"Alam ko maisasalba natin ang tayo pero bakit kailangang piliin natin ang bumitaw tayo?"

~Pokok (Panget Ko!)

*****

Sa isang batis nagsimulang magkrus ang mga landas nila Miki at Pokok. Sa isang halik na hindi ginusto nagsimula ang mala aso't pusa nilang tagpo. Sa inosenteng upo na binalak gawing sandata nagsimulang magtagni-tagni ang landas ng lahat. Mula sa isang pagpapanggap nagsimulang maging totoo ang lahat. At pinatunayang hindi sa mukha nagsisimula ang pagmamahal.

Napatunayan nila na wala nga sa mukha ang pagmamahal, pero ano, sino, bakit o paano nga ba mayayanig ang mundo ng dalawang nagmamahalang puso ang pinairal? Minsan ang gulo din ni tadhana, kapag alam mong ayos nang lahat, tsaka siya magiging kontrabida, kung ano-ano o sino-sino ang papapasukin sa mundo niyo.

"Sana lahat ng mahilig pumapel naging totoong papel na lang para lusaw agad kapag binasa!" ang sabi ni Miki na puno ng pagkainis.

*****

Author's Note:

Panget Ko! is the second book of Panget Mo!, ating muling subaybayan ang panibagong kwento nila Miki at Pokok. Ang kwentong ito ay likha lamang ng aking malikot na imahinasyon at kung mayroon mang itong pagkakapareho sa riyalidad o likhang kwento mapalibro man, telibisyon, o pelikula at iba pa ay nagkataon lamang at hindi ito sinasadya.

Sana ay magustuhan ninyo ang kwentong ito.

Sincerely yours,

Adamant

Panget Ko!Where stories live. Discover now