Kero-Kero Note

217 16 4
                                    


Para sa mga Pinakamamahal kong Mambabasa,

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa akin bilang manunulat, sa aking mga nagawang kwento, at ang walang sawa ninyong pag-aabang sa bawat bagong kwento na aking ginagawa. Maraming salamat sa pagsubaybay hanggang sa huling bahagi ng kwentong ito nila Pokok, Miki, at nang buong barkada, hindi magiging matagumpay ang kwentong ito kundi dahil sa inyo.

Gusto ko ding pasalamatan ang mga indibidwal na patuloy na nakasuporta sa akin, sa kabila ng mga pagkakataong nawawalan ako ng inspirasyon at pakiramdam ko ay hindi ko nagagawa ang best ko na hindi ako worth it sa larangan na ito, salamat dahil pinaparamdam niyo na I am doing great.

Alay ko sa inyong lahat ang kwentong ito, sa mga kaibigan kong manunulat na hindi na din nagawa pang maituloy ang kanilang mga kwento dahil sa wala na kayo sa mundong ito para sa inyo din ito at sana ay nagawa ko kayong proud sa pagreprisenta ko sa uri ng kwento na isinusulat natin.

Sa panahon ng pandemiya, hiling ko ang paggaling ng lahat, ang pagkakaisa, at higit sa lahat ang inyong kaligtasan. Maraming salamat sa inyong lahat.

Muli maraming salamat sa inyong lahat! Huwag nawa kayong magsawa sa aking mga kwento at huwag din kayong mapagod na maghalungkat ng mga manunulat na nagtatago lamang din sa isang sulok ng platform na ito.

I love you guys! Thank you so much!

Sincerely yours,

Adamant

Panget Ko!Where stories live. Discover now