Kero-Kero 10

169 19 58
                                    

Mikee's Point of View:

"Hoy Miki! Baka naman pwedeng magpanggap ka na excited ka naman sa pagpunta natin dito sa peryaan." ang sabi ni Peter sa akin na siyang nagyaya sa amin na pumunta sa peryaan noon, siya din ang pumilit sa akin na sumama kahit na ayoko talaga lumabas noon dahil na din sa mas gusto kong magmukmok sa loob ng bahay.

"Ano ka ba Peter, hindi naman natin masisisi 'tong si Miki. Galing lang sa hiwalayan 'yung tao, tsaka buti nga napilit mo pa 'tong sumama." ang sabi ni Gio na siyang mas nakakaintindi sa pinagdadaanan ko no'n, si Gio kasi 'yung pinaka bukas ang isip sa grupo, habang si Peter naman ang pinaka buhay na buhay na lagi kang itutulak na subukan ang mga bagay-bagay, kaya madalas ay laging magkaiba ang pananaw nilang dalawa sa buhay. Habang kami naman ni Paulo ang sunod sa agos at taga awat ng dalawa sa tuwing nagkakaroon na sila ng di pagkakasunduan.

"Alam ko naman 'yon Gio, ang akin lang naman wala namang masama kung magsaya siya kahit na galing siya sa hiwalayan. Kahit naman kasi magmukmok siya sa bahay nila wala din namang mangyayari, hindi na babalik iyong si Jojo." ang tugon ni Peter. "Hindi ba Paulo tama naman ako?" ang paghahanap pa ni Gio ng kakampi, habang tango lang ang itinugon ni Paulo. "Bakit kailangan mong iyakan 'yung taong iniwan ka? Malay mo dito mo makita sa peryaan 'yung mas higit sa Jojo na 'yon." ang dagdag pa nito.

"Okay lang ako, salamat sa inyo kasi nandiyan kayo para sa akin. Hindi naman sa hindi ako masaya na nandito ako. Ang totoo nga ay masaya ako kasi nandiyan nga kayo at ramdam ko naman na gusto niyo akong tulungan na maka-move on. Kaya wala naman kayong dapat na pagtalunan pa." ang tugon ko sa kanila bilang pag-awat. "Mabuti pa ay pumasok na tayo sa peryaan." ang pag-aya ko.

Nagpatiuna noon si Peter at Paulo at kasabay ko na naglakad si Gio. "Hindi mo kailangang piliting maging ayos ang sarili mo, pero hindi ko naman sinasabi na hindi ayos na gustuhin mong maging ayos. Ang akin lang kaibigan mo ako, kaibigan mo din naman si Peter, pareho kami ng gusto na maging ayos ka pero mas pabor ako kung magiging ayos ka dahil ayos ka talaga hindi dahil sa gusto lang namin." ang sabi ni Gio habang patuloy kaming naglalakad at napangiti naman ako at napatango nang madinig ko ang sinasabi niya.

"Salamat Gio, nauunawaan ko, masuwerte talaga ako na nandiyan ka..." ang hindi ko na natuloy na sabihin dahil nang sandaling iyon hindi kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaki na pumukaw sa pansin ko, kasama niya noon ang mga kaibigan niya at napansin ko kung gaano siya kasaya habang kausap niya ang isa sa mga kausap niya. Napahinto ako noon sa paglalakad at napatitig na lang sa kanila, hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko doon sa kausap ng lalaking pumukaw sa akin. Kung paano siya titigan ng lalaking 'yon ay hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng inggit at hilingin na sana ay maranasan ko din na tignan ng ganoon.

"Uy, Miki, natulala ka na diyan? Ano ba ang tinititigan mo diyan?" ang nadinig kong sabi ni Gio pero hindi ko siya nagawang tugunin dahil sa talagang napako ang atensiyon ko sa lalaking iyon at sa kausap niya.

"Hmm, medyo hawig kayo ng maliit na kausap nung gwapong moreno." ang nadinig ko na sabi ni Gio.

"Sa tingin mo magiging ako din kayo 'yung kahawig ko na 'yon?" ang wala sa sarili kong tugon.

"Ha?" ang tanging naging tugon ni Gio at napatingin ako kay Gio noon.

"Ang ibig kong sabihin kung mararanasan ko din kaya 'yung pakiramdam na tignan ng ganoon, 'yung tignan ako na puno ng pagmamahal at saya, na para bang ako lang ang gusto niyang makita." ang sabi ko pero bago pa makatugon si Gio ay dumating sila Peter dahil sa nainip na ito na maghintay sa amin.

Panget Ko!Where stories live. Discover now