Chapter One

12.4K 196 1
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

"Hoyy gising punyeta napaka tamad mo talaga!" Agad akong nagmulat ng mata kahit na nanakit pa ang buong katawan ko dahil sa pambubugbog sakin ni kuya kahapon dahil sa pagkakabasag ko ng plato

"S-saglit lang p-po k-kuya!" Nanghihinang sabi ko dahil hindi ako makatayo pero agad akong napasigaw ng hilahin nito ang buhok ko para makatayo ako

"Ahh k-kuya parang a-awa mo na!" Pagmamakaawa ko dito kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko

"Napakatamad mo talaga kahit kailan wala kang kwenta!" Sabi nito pagkatapos at sinampal ako dahilan para mapaupo ako sa lakas ng sampal nito sakin at iniwan ako

Kahit na nahihirapan ay tumayo ako ngunit agad akong napangiwi ng dumugo ang sugat sa binti ko na gawa ng pagkakabato sakin ni kuya nung parte ng basag na plato

"Ihaaaa!" Napatingin ako sa hamba ng pintuan at nakita ko si inang, kapitbahay namin na matagal ng natulong sakin gamutin ang mga sugat ko kapag ako'y sinasaktan ni kuya

"Halika iha sa bahay ka namin upang magamot ang sugat mo!" Mahinahon na sabi sakin ni inang kaya tumayo nalang ako dahil hindi ko kayang magsalita sa panlalambot

Agad akong tinulungan ni inang na makalakad kahit na ngumingiwi at napapadaing dahil sa mga sakit sa katawan ko

"Ihaa maawa ka sa sarili mo kung ako sayo ay nilalayasan ko nayang kuya kuyahan mo,tignan mo nga oh buong katawan mo may latay tapos may panibago ka na namang sugat dahil sa hindi mo pagkakasadyang pagkabasag ng plato!" Sabi ni inang sakin agad ko naman syang niyakap at umiyak ng umiyak

"P-pagod na p-pagod na po ako i-inang p-pero w-wala po kasi a-akong pera p-para umalis sa impyernong yun i-isa pa po ayokong i-iwan si kuya m-mag iisa nalang sya!" Hikbing pagsusumbong ko kay inang

"Pero kung hindi ka aalis ay sya ang magiging dulot ng kamatayan mo!" Sabi nito sakin pagkatapos ay humiwalay ng yakap at tinulungan akong tuyuin ang luha sa pisnge ko

"O-ok lang n-naman po ako!" Mahinang sabi ko

"Anong ok? Tignan mo nga ang sarili mo kahit sino ang makakita sayo ay maaawa sa kalagayan mo!" Inis na sabi ni inang bago tumayo, akala ko ay iiwan na nya ako ngunit nakita ko na may kinuha itong pera sa wallet nya at ibinigay sa akin

"I-inang ano po ito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya

"Iyan ay tulong ko sa iyo iha umalis kana ngayon din sa bahay nyo nakita ko ang kuya mo na pumunta sa kabilang baryo malamang ay mag iinom na naman yun at kung nagkataon na malasing yun patay ka na naman baka kung ano pa ang gawin sa iyo!" Sabi ni inang agad ko naman syang niyakap at hinalikan sa pisnge bago tumango ng paulit ulit

"O-opo inang s-salamat po ng marami dito b-babalik po ako k-kapag ok na ako!" Sabi ko sa kanya bago tumayo kaya naman tumango lang sya bago ako tulungan sa pag uwi sa aming bahay

Naalala ko nga pala hindi pa ako nagpapakilala sa inyo, ako nga pala si Prescilla Avery Azarcon 20 yrs old at hindi na ako nakapag aral pa ng kolehiyo sapagkat namatay ang magulang ng umampon sakin, oo ampon lang ako at yung tinatawag ko na kuya ay syang totoong anak nung mga itinuring kong magulang pero magmula ng sabay na mamatay ang magulang ni kuya ay naging malala na ang turing nito sa akin, kunting pagkakamali lang ay abot abot na ang bugbog ng katawan ko at kung minsan ay kapag nalalasing ito ay muntik na ako nitong gahasain kaya naman takot din ako dito kaya lahat ng inuutos nito ay sinusunod ko nalang para hindi narin ako bugbugin at ako rin ang kumakayod samin para magkapera at may makain kami araw araw

Pero ngayong araw na ito sa tulong ni inang ay makakaalis na ako sa impyernong ito, sa loob ng halos apat na taon ay naging alila ako ng kamay nya at ang buong katawan ko ang nagdurusa kahit wala naman akong kasalanan

Agad kong pinahid ang luha na tumulo sa mata ko ng matapos ako sa pag iimpake at nakita ko si inang na malungkot na nakangiti sakin

"Mamimiss kita iha napakabait mong bata naway maging maayos ka sa patutunguhan mo!" Sabi ni inang bago ako yakapin ng makalabas kami sa maliit na tirahan namin

"Maraming m-maraming salamat po i-inang malaking utang na loob ko po ito sa i-iyo babalikan po kita p-pangako!" Nangangakong sabi ko kaya naman tumango sya bago ako ihatid sa sakayan ng bus dito sa aming probinsya

Pagdating doon ay tuluyan ng nagpaalam si inang sa akin inihabilin ko nalang na susulat ako sa kanya ngunit hindi ko na sasabihin kung saan ako napadpad basta babalik ako dito para sa kanya kapag ok na ako at inihabilin ko din na mag iingat sya kay kuya dahil baka sya ang mapagbuntunan nito ng galit

Pag-alis ni inang ay agad akong pumila sa bilihan ng ticket ng bus para makapunta sa maynila

Oo sa mynila ako mamalagi pansamantala at mamasukan nalang siguro akong kasambahay para naman kahit papaano ay matustusan ko ang pangangailangan ko at syempre para din kapag ok na ako ay mabalikan ko si inang dito at tulungan naman sya pabalik sa pagtulong sakin

Agad akong nagsabi sa babae ng lugar na pupuntahan ko at agad naman ako nitong binigyan ng ticket na may number ng upuan na nakareserba sa akin

Pagkakuha ng ticket ay agad akong naupo at nag intay ng bus ngunit wala pang ilang minuto ay nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura

"Hayst kahapon pa nga pala ako hindi nakain!" Mahinang sabi ko sa sarili ko pero ayoko ng bumili ng pagkain dahil magkano lang naman ang naibigay sa akin ni inang siguro ay titiisin ko nalang tutal sanay naman ako noon nga ay isang linggo akong hindi pinakain ni kuya ito pa kayang dalawang araw pa lamang

Wala pang ilang oras ay nakarating narin ang bus na may nakalagay na papuntang maynila sa unahan nito kaya naman ngumiti ako ng mapait bago sumakay dito

Pag upo ko sa bintana ay agad kong sinilip ang labas at agad akong napangiti dahil alam ko na sa wakas ay makakaalis narin ako dito

"Patawad kuya at paalam!" Mahinang sambit ko ng umandar ang sinasakyan kung bus kaya naman sumandal na muna ako sa sandalan ng aking upuan hanggang sa unti unti akong nakatulog ng hindi ko namamalayan



















***********

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now