Epilogue

5.9K 97 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Nagising nalang ako sa katok na nanggagaling sa labas ng kwarto kaya naman dahan dahan kung iminulat ang mata ko

"Ate gising na gabi na!" Sabi ni maria kaya naman tinignan ko ang cellphone na nasa tabi ko at nanlaki ang mata ko ng makitang alas nuebe na pala

Grabe himbing ng tulog

"Lalabas na ako!" Sabi ko sa nakatok

"Ate sabi ni sir magsuot ka daw po ng formal dress tapos dahil lalabas daw po kayo nasa may garden lang po sya nag aantay!" Sabi ni maria kaya naman napangiti ako dahil doon

"Sige pakisabi pupunta ako!" Sabi ko at narinig ko naman ang yabag nito papalayo sa kwarto namin

Tumayo narin agad ako at pumunta sa banyo upang maligo at gawin ang iba ko pang routine kapag naliligo ako

Pagkatapos ko maligo ay lumabas ako ng nakatapis lang ng twalya bago kumuha ng white dress na above the knee

Pagkasuot ko ng white dress at nagsuot din ako ng white sandals bago humarap sa salamin na nasa malapit lang sa closet namin

Pagkatapos ay umupo ako sa maliit na silya para maging kapantay ng mukha ko yung salamin bago ko inumpisahan na ayusan ang sarili ko

Sinuklay ko yung buhok ko bago nagpolbo konting blush on at liptint at tadaaa ang ganda ko na HAHAHA

Pagkatapos ng mga pag aayos na ginawa ko ay pinasadahan ko uli yung sarili ko sa salamin bago lumabas ng kwarto dala ang maliit na bag na naglalaman ng wallet,panyo at cellphone ko

Paglabas ko ay naabutan ko si Dave at kita ko ang biglang pagnganga nito sa itsura ko

"Lagi talagang ang ganda ng paningin ko sayo!" Sabi nito sakin kaya naman natawa ako bago sya hampasin sa balikat

"Kung hindi kalang kursunada ng kaibigan ko inagaw na kita eh!" Sabi nya kaya naman napabuntong hininga ako

"Dave!" Mahinang tawag ko sa kanya

"Joke lang seryoso eh!" Sabi nya kaya naman mahina akong natawa pero agad ko rin syang niyakap na ikinabigla nya

Alam ko naman na may gusto sakin si Dave dahil sa pag amin nya noon pa pero hindi ko kasi masusuklian yun dahil alam ko sa sarili ko na mas mahal ko si jefferson at wala ng iba pa

"Im sorry but thank you for liking me!" Sabi ko sa kanya sa pagitan ng yakap kaya naman mukhang nakabawi na ito ay agad akong niyakap ng mahigpit

"Thank you for being my inspiration prescilla always remember that im always here for you kapag inaway ka ni boss aagawin kita!" Sabi nito kaya naman natawa ako bago tumango at kumalas sa yakap namim

Bumaba na ako sa hagdanan namin at agad dumeretso sa garden pero habang papalapit ako ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi malamang dahilan

Pagdating ko sa garden ay napahanga ako sa nadatnan ko dahil may mga ilaw na parang christmas light pero iisa lang ang kulay nito na mala dirty white at nakasteady lang ito

Nakita ko rin ang isang lamesa sa may tabi ng pool at meron itong bulaklak na paborito ko sa ibabaw ng lamesa

Habang papalapit ako ay inilibot ko ang paningin ko at doon nakita ko si jefferson na nakatingin sakin habang nakangiti kaya naman hindi ko maiwasan na hindi ngumiti

Napakagwapo naman kasi

Pagkalapit ko sa kanya ng ilang metro ang layo ay bigla akong nakaramdam ng pagkailang at parang nahiya ako bigla

"H-hi!" Mahinang sambit ko dito at nakita ko naman ang pangngiti nito

"Hi!" Mahina ring sabi nito kaya naman napanguso ako

"Ano bang meron?" Tanong ko sa kanya para mawala yung tensyon sa pagitan namin. Narinig ko naman ang pagtikhim nito bago lumingon sa likod ko kaya naman tumingin din ako at nakita ko na halos lahat ng tauhan ay nandito kaya naman namula ako bigla dahil sa hiyang nararamdaman ko

"A-ano bang meron?" Medyo inis ng sabi ko kaya naman natawa ito ng mahina

"Kain muna tayo dahil alam kung gutom ka na!" Sabi nya kaya naman napanguso ako pero pumayag narin naman ako

Habang nakain kami ay hindi maiwasan na mailang ako dahil alam ko na naandito ang lahat ng tao sa bahay na ito

Ano ba kasing meron??

Nakarinig ako ng biglang pagtunog ng instrumento kaya naman napatingin ako doon at nakita ko ang ilang tauhan namin na nagpapatugtog at bigla naman akong lumingon kay jefferson ng magsalita ito

"Can we dance?" Tanong nito kaya naman tumango ako bago tumayo at lumapit ng tuluyan sa kanya

Nilagay ko ang kamay ko sa balikat nya at sya naman ay nasa may bewang ko

"Anong meron?" Tanong ko uli dito pero sa halip ay tinitigan lang ako nito bago ko narinig ang tunog ng gitara kaya naman unti unti kaming nag sway na sumusunod sa ritmo ng musika

Pero hindi ito sumagot sa halip ay tinitigan lang ako nito at namayani ang katahimikan samin at tanging musika lang ang nagsisilbing ingay namin

"I dont know where to start, Im nervous!" Pagputol nito ng katahimikan na biglang namayani samin kanina

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko sa kanya at kita ko naman na napabuntong hininga sya bago ako hilahin kaya naman napayakap ako sa kanya pero patuloy parin kaming nasayaw

"You know how much I love you prescilla since when we were young I already told to myself that when we are at the right age I will marry you!" Sabi nya kaya naman napabitaw ako ng yakap sa kanya at tinignan sya ng nanlalaki ang mata

"A-anong-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong lumuhod sa harap ko kaya naman napatakip ako sa bibig ko

Wait lang ahh totoo ba ito? Magpopropose ba sya sakin? Myghad

"Prescilla Avery Azarcon I know were been together for 3 yrs but I cant wait to change your surname into langston  and I want you to be there by myside till our last breath" sabi nito kaya naman hindi ko maiwasang lumuha dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko sa araw na ito

"You know how much I love you right?" tanong nito sakin kaya naman tumango ako "Will you......marry me?" Dugtong nito kaya naman tuluyan ng bumuhos ang luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko

"Y-yes jefferon, YES I WILL MARRY YOU!" sagot ko dito kaya naman agad itong tumayo at sinuot ang singsing sa kamay ko

"I love you so damn much baby!" Sabi nya at agad akong siniil ng halik sa labi na buong puso kong tinugunan

Nakarinig naman ako ng palakpakan pero wala sa kanila ang atensyon ko kundi sa taong nagparanas sakin kung paano masaktan at gaano rin kasarap ang magmahal

Hindi ako mananawa na samahan sya hanggangg huling pahina ng libro namin na ang nakasulat ay ang sariling kwento namin

Dahil para sakin si Jefferson ang taong hindi mahirap mahalin at samahan habang buhay dahil sya ang nagbigay kulay sa buhay ko

"Mahal na mahal na mahal kita sobra!" Titig na titig na sabi ko sa kanya bago dumukwang at halikan syang muli sa labi na agad naman nyang tinugon ng buong puso
















*******

Im His Personal MaidDär berättelser lever. Upptäck nu