Chapter Thirteen

4.9K 137 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Pagkaligo ko ay agad akong nag ayos at lumabas ng kwarto kasi gusto kong bumalik sa loob at humingi ng paumanhin kay mam Hellianor at kay Boss Jefferson

Mahirap na tanggalin pa ako sa trabaho

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni sir ay kakatok na sana ako ng hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila

I told you not to hurt her helli

Tss, why shoud I not hurt her? Because she's your first love?? The hell I care Jefferson

Damn it helli do that again and I swear you'll face the consequences

Hindi na sya yung dating minahal mo ni hindi ka nga maalala

I dont care I still love her so stop hurting her your not even my fiance

You jerk

Agad akong kumatok kasi baka saktan pa ni mam si sir mahirap na aba, aaminin ko sa kunting panahon crush ko na si boss kasi kung tutuusin hindi naman sya mahirap magustuhan

Dont worry hindi ko sya mahal, type lang so hindi ko parin nilalabag yung rules

Pero hindi ko rin alam at hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit sa halip na makaramdam ako ng takot o pangamba kay boss ay iba ang nararamdaman ko

Yung tipong kahit napaka cold ng tingin nya sakin andun parin yung masaya ako na atleast pinansin ako, yung hindi naman sya mapanakit eh ano lang siguro sadyang pinaglihi lang sya sa sama ng loob pero hindi sya ganun kasama

"Pasok!" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni boss sa loob kaya naman agad kong binuksan ang pinto at nakita ko na yung inis sa mukha ni boss ay napalitan ng malamig na ekspresyon samantalang si mam naman ay galit

"A-ah m-mam b-boss pasensya na po kanina ahh lalo po sayo m-mam hindi ko naman po sinasadya ayoko lang po na tinatawag ako ng ganun, p-patawad po talaga!" Hinging paumanhin ko bago lumuhod sa harap ni mam at rinig ko ang pagsinghap ni boss

"Tayo Prescilla!" Agad akong tumayo dahil sa utos ni boss

"No need to kneel your knee on that woman she hurt you so she's the one who say's sorry for what she did!" Sabi ni boss kaya naman napatingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mata

Tanga kaba boss? Kita mo ng ginagawa ko ito para sa ikakahaba ng buhay ko tas papaikliin mo

"Nakoo boss hindi na jusko ok lang yun!" Agad na sabi ko kasabay ng sunod sunod na pag-iling

"Whatever tss!" Rinig kong sabi ni mam kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya pero umiwas din ako agad

Baka mamatay ako sa titig eh

"Boss labas na po muna ako pakitawag nalang po ako kung may iuutos kayo!" Sabi ko sa kanya pero akmang lalabas na ako ay tinawag ako nito

"Prescilla!" Agad akong tumingin kay boss

"Po?" Tanong ko dito

"Pamunta ka sa office ko hanapin mo yung isang file ko dun sa table na may nakalagay na 'Property'!" Sabi nito sakin kaya naman tumango ako

"Right away boss!" Ngiting sabi ko bago sumaludo at dere-deretsong lumabas, di ko na tinignan si mam baka mamaalam na ako ng tuluyan sa mundo

Paglabas ko ng kwarto ni sir ay nakahinga ako ng maluwag kaya naman nagpasya na akong tumungo sa pangalawang palapag ng bahay na ito para din kunin na yung sinasabi ni boss

Pagdating ko sa second floor ay naabutan ko si kuya xander na nasa labas ng office kaya naman kumunot ang noo ko

"Kuya xander?" Tawag ko dito ng naguguluhan

Agad naman ako nitong tinignan at ngumiti ng makilala siguro ako

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya

"Dito naman ako lagi nakapwesto kasi ayaw ni sir ng may basta basta napasok sa office nya masyadong private yung office eh kaya pinababantayan sakin!" Sabi nya kaya naman tumango tango ako

"Sige kuya papasok ako inuutusan ako ni boss eh!" Sabi ko sa kanya

"Sure ka?" Tanong nito na parang gulong gulo pa

"Oo naman noh samahan mo pa ako kay boss tapos itanong natin kung nagsasabi ako ng totoo!" Sabi ko sa kanya kaya naman umiling lang sya

"Hindi na sige na pasok na may tiwala naman ako sayo!" Sabi nya kaya naman ngumiti ako

"Yan tayo kuya xander eh lakas makabanat!" Sabi ko dahilan para sabay kaming matawa

"Sige na pasok na at masama na ang lagay ko!" Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko

Agad akong lumapit sa kanya at hinila ko ang damit nya dahilan para mabigla sya kaya naman napabend sya ng katawan nya at nagkalapit yung mukha namin

"P-prescilla!" Utal na sabi nito sakin bago namumutlang nakatitig sakin

"Hamla kuya dapat magpahinga ka muna namumutla ka oh!" Sabi ko sa kanya bago punasan yung pawis na namumuo sa noo nya, hindi naman sya mainit pero bakit masama pakiramdam nya

"Ayy!" Agad akong napalayo kay kuya xander ng may biglang humila sakin

"Oh boss!" Sabi ko ng makitang si boss pala ang humila sakin sa may likod ng damit ko

Tinignan ko naman si kuya xander at kita ko ang sunod sunod na paglunok nito habang nakatingin kay boss na parang nagmamakaawa kaya naman tinignan ko si boss at kita ko naman ang masamang tingin nya kay kuya xander na parang ora mismo ay papatayin nya ito

"Move!" Agad namang umusod si kuya xander kaya naman hinila ako ni boss papasok sa loob ng office nya bago isara ang pinto at pabalya akong isinandal sa  may pinto

"Aray naman boss inaano kita?" Medyo inis na sabi ko

Medyo lang baka sapakin tayo eh

Pero hindi yun nagbago ng ekspresyon nya tinignan nya lang ako ng may galit sa mata

"What are you two doing?" Tanong nya sa seryosong pananalita

"Kuya xander?" Tanong ko dito at tumango naman sya

"Wala chinecheck ko lang kung ok sya sabi nya ok lang naman kaso namumutla sya kaya sinalat ko noo nya kaso hinila mo naman ako!" Sabi ko dito habang matamang nakatitig sa kanya

Agad naman syang lumayo at tumalikod pagkatapos ay humarap sya sakin at nilapitan uli ako

"Damn what did you do to me?" Tanong nya at this time nagugulat ako sa nakikita kong ekspresyon sa mukha nya

Hindi ito basta galit o malamig na ekspresyon kundi puno ng lungkot at pighati

"A-ano bang sinasabi mo boss?" Utal na tanong ko dito pero hinawakan lang ako nito sa pisnge

"Can't you remember me?" Tanong nya at nagulat ako ng may luhang mabilis na tumulo sa kaliwang mata nya

"B-boss!" Mahinang sabi ko dito bago sya yakapin kasi naman hindi ko alam bakit nasasaktan akong makita syang ganto

"Im jealous!" Sabi nya dahilan para matameme ako at agad mapahiwalay sa kanya

"A-ano?" Tanong ko dito but he just hold my chin to lift my face up then the next thing I knew our lips met

















*******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now