Chapter Eleven

5.1K 129 1
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Maaga akong nagising mga bandang five, buti nalang ay sanay ang katawan ko sa gantong paggising palibahasa ay sa probinsya gantong oras talaga gising na ako

Agad akong naligo at nagbihis ng damit na pangkatulong pagkatapos ay bumaba na ako at dumeretso sa kusina

Pagdating ko sa kusina ay nagtimpla ako ng kape para sakin tapos ay kumuha ako ng egg, bacon, hotdog at bread tapos ay niluto ko na ito

Nagfried din ako ng kanin na natira kagabi para kung sakaling gusto ni boss

Pagkatapos ko magluto ay tinakpan ko muna lahat sa lamesa ng mga niluto ko bago balikan sa lababo yung mga hugasin na ginamit ko pero syempre inubos ko muna yung kape ko para naman hindi na ako mahassle

Pagkatapos ko maghugas ay kumuha ako ng dalawang plato pagkatapos ay pareho kong nilagyan ng fried-rice  pagkatapos ay nilagyan ko rin ng tig-isang itlog, tatlong bacon at dalawang hotdog tapos ay kumuha ako ng isa pang platito at nilagyan naman ng apat na piraso ng tinapay

Pagkatapos ko maglagay nang pagkain sa plato ay inayos ko na ito sa tray pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang baso at nagtimpla uli ako ng dalawang kape

Kung nagtataka kayo kung bakit dalawa samantalang isa lang naman si boss well kasi gusto ko syang sabayan kumain, hindi sa pagiging sipsip pero kasi pangit talaga kumain ng mag isa pero wag kayong mag alala magpapaalam parin naman ako kung pwedeng sabay kaming kumain kasi baka sabihin nun epal ako alam nyo naman yun masungit pa sa dilang masungit

Pagkatapos ko ayusin ang mga pinagkainan ay agad akong umakyat sa third floor pagkatapos ay kumatok ako ng ilang beses bago buksan yung pinto ng kwarto ni boss

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang amo ko na mahimbing na natutulog

Hanep naman boss ang gwapo kahit tulog unfair ng earth

Nilapag ko muna yung pagkain sa ibabaw ng lamesa ni boss dito sa kwarto bago sya lapitan para gisingin

Gigisingin ko na sana sya ng gumalaw sya kaya naman yung kumot na nakatabing sa mukha nya ay bumaba dahilan para mas makita ang mukha nya

Nacurious naman ako sa itsura ni boss kaya naman umupo ako sa gilid ng bahagi ng kama ni boss at agad syang tinitigan

Mantakin mo yun napaka amo kapag tulog pero kapag gising daig pa pinaglihi sa sama ng loob

"Staring is rude!" Agad akong napaatras dahilan para mapaupo ako dahil sa biglang pagsasalita ni boss

"Grabe naman boss nanggugulat ka!" Hindi makapaniwalang sabi ko dito dahilan para tignan ako nito ng masama

"Cook me a breakfast!" He said kaya naman napangiti ako bago ituro yung pagkain na nasa lamesa nya

"Hayan na boss nakapagluto na kakain nalang!" Sabi ko sa kanya ng nakangiti

"Kuha mo kong juice!" Sabi nya kaya napatanga ako

"Hanla third floor toh boss?" Sabi ko sa kanya ng patanong, baka kasi nakakalimutan nya

"So?" Tanong nya ng nakataas ng isang kilay

Taray boss ahitin ko kilay mo, charot baka sapakin ako

"Sabi ko nga kukuha!" Sabi ko bago ngumiti ng peke sa kanya at tumayo na

Paglabas ko ng kwarto ay bumuntong hininga ako bago nakangusong bumaba ng third floor

Pagbaba ko sa second floor ay naabutan ko si kuya xander

"Kuya xander good morning!" Bati ko dito at ngumiti ng malapad kaya naman natawa sya bago guluhin ang buhok ko

"Good morning!" Bati nya pero nakasimangot na ako

"Naman ehh ilang minuto ako nag ayos ng buhok tapos guguluhin mo kokotongan kita kuya!" Bugnot na sabi ko pero sya tumawa lang kaya naman napailing nalang ako

Yung galit kana tapos tatawanan kapa aba hanep kuya xander shabu pa

"Baba na ako kuya kukuha akong juice ng amo mo!" Sabi ko kaya naman tumango lang sya at ako'y bumaba na sa hagdan

Pagbaba ko sa hagdan ay may naabutan akong magandang dilag doon dahilan para matulala ako

Hanla ang ganda nya same kami

Oh sige angal kakatayin ko kayo

Nakita ko naman na parang may hinahanap sya kaya naman ng dumako ang paningin nya sakin ay agad akong ngumiti at tumungo

Pag-angat ko ng mukha ko ay napaatras ako ng makitang nasa harap ko na sya pero mukhang may galit sa itsura nito

"Where's jefferson?" Tanong nito at mukhang masungit

"Bakit po mam? Sino po sila?" Tanong ko sa kanya

"Nagtanong ako tapos tinanong mo rin ako? Tanga kaba?" Tanong nito sakin kaya naman napanguso ako, grabe naman makatanga toh syempre inaalam ko muna kung bakit nya hanap si sir

Mam ambobo mo literal

"N-nasa kwarto nya po mam third floor!" Sagot ko dito at akmang aalis na ng hawakan nya bigla ang braso ko

"A-aray mam!" Sabi ko ng biglang diinan nya ang pagkakahawak sakin

"Ikaw yung bagong katulong nya diba?" Tanong nya kaya naman tumango ako

"Katulong kalang pala kaya wag kang umarte na akala mo magkakagusto si jefferson sayo you're nothing but a trash so back off!" Sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko

"Mam ano po bang problema mo sakin? Hindi naman po kita kilala kaya imposible na may nagawa akong mali sayo!" Inis na turan ko

"Aba't antapang mo ah well for your information ms.maid I am Hellianor, jefferson fiance!" Sabi nito kaya naman agad na nagpantig ang tenga ko sa narinig ko

Ah so may fiance na pala si boss?? Bakit parang nasasaktan ako?? Saglit palang naman kami nagkakakilala ahh?? Hayst baka siguro dahil toh sa alam ko na sya ang tumulong sakin at binigyan ako ng trabaho, pinagamot pa ako kaya ganun

"A-ah ganun po ba mam? Sige po nasa third floor lang naman po si sir pero mam paalala lang oo nga po at katulong ako at mas mataas kayo sakin pero hindi po yun sapat para tawagin nyo kong basura kasi kung ako basura, anong tawag nyo sa ugali nyo??!" Tanong ko sa kanya pero tinalikuran ko narin sya dahil nabubwisit ako sa kanya

Ang kapal magsabi ng basura ako eh anong tawag nya sa ugali nya?? Mukha bang hindi pang basura yun?? Tsk purkit kasi mayaman ang hilig mang alipusta

Pumunta nalang ako sa kusina ng makita ko si maria na kausap yung ibang katulong

"Ate halika dito meeting!" Agad akong lumapit doon ng tawagin ako ni maria at kita ko naman na natigilan sila at tinignan ako bago magsalita yung isa

"Ako ang mayordoma dito!" Sabi nito kaya naman nakinig muna ako sa sunod nitong sasabihin























*******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now