Chapter Nine

5.2K 145 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Nanlaki ang mata ko at halos lumuwa ang eyeballs ko, yes eyeballs para sosyal HAHAHA

Andami ko namang gagawin wengya

"G-gagawin ko lahat toh boss??" Tanong ko sa kanya

"Yes!" Maikling sabi nito kaya naman napabagsak ako ng balikat, putek nayan napakadami nito tapos may oras pa

"Boss paano kung di ko masunod tong mga oras na nakalagay dito?" Tanong ko sa kanya kaya naman tinignan nya ako saglit bago ibalik sa laptop na nasa unahan nya

"Then you're fired!" Sabi nya in a cold tone kaya naman napalunok ako bago ngumiti ng pilit

"Sabi ko nga gagawin ko na!" Sabi ko at walang sabing umalis at pumasok sa unang kwarto pero dun muna ako sa kwarto na nasa kusina

Pagdating ko dun ay buti nalang walang masyadong kalat pero nag imis parin ako ng ilang gamit at tinapon ang ilang basura pagkatapos ay pinunasan ko ang sahig at inayos ko ang kama dahil medyo gusot na ito

Pagkatapos ko sa unang kwarto ay pumunta naman ako dun sa mini library na kwarto at pagdating ko dun ay nagningning na naman ang mga mata ko, syempre sobrang paborito ko ng mga libro kaya nga parang dati pangarap ko palang makapunta sa ganto pero ngayon nasa harap ko na sila

Kumuha muna ako ng basang basahan pero hindi naman ganun kabasa kasi baka naman masira ko yung libro

Pagkakuha ko ng basahan ay agad akong kumuha ng libro at yun ang ginawa ko

Paulit ulit ko yung ginawa sa mga libro ni sir hanggang sa napunta ako sa dulo at may nakita akong isang libro

A girl who loves to see tulips is the one who makes my heart beats fast

Napangiti ako ng mabasa ko yun at sa hindi malamang dahilan ay trinace ng daliri ko yung sulat sa isang libro

Hindi ko alam pero parang sakin nakadedicate yung isang sinasabi dun sa libro kaya naman hinalikan ko ito bago maingat na ilagay dun sa lalagyanan

"Babalikan kita dyan ahh babasahin pa kita!" Mahinang sabi ko bago ngumiti at tapusin na ang pagpupunas at pag aayos ng mga libro

Pagkatapos ko sa mini library nayun ay agad akong lumabas at pumunta sa second floor para naman syempre malinis ko narin yung mga kwarto doon

Tinignan ko yung nasa list at tinignan ko yun oras kaya naman napangiti ako ng malaman na andami ko pang time kesa dun sa time na nakalagay sa papel

Pag-akyat ko sa second floor ay agad kong tinungo yung isang kwarto at pagbungad sakin ay napangiti ako dahil hindi naman ito marumi medyo maalikabok lang kasi mukhang hindi nagamit

Kaya naman kumuha nalang ako ng basahan at pinunasan ko ang sahig pagkatapos ay pinasok ko ang banyo at tinignan ko kung marumi at natuwa naman ako ng makita kong hindi ito marumi

Paglabas ko ng banyo ay tulad ng ginawa ko sa mga naunang kwarto ay pinasadahan ko muna ng tingin ang buong kwarto at nakita ko na malinis naman ito kaya naman lumabas na ako ng kwarto

Pero lintek talaga hindi ko alam na ganto kahirap ang dadanasin ko kay sir akala ko talaga mabait tong si sir sakin eh feeling special na ako, special child joke hahahaha

Pero ayun pala ganto kahirap ipapagawa although hindi naman ganun kahirap kaso andami kasi huhuhuhu

Pagpasok ko sa opisina ay agad kong naamoy ang amoy ni sir, grabe lalaking lalaki ang amoy napaka bango shems

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now