Chapter Twenty-Three

3.7K 92 3
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ay bubuksan ko na sana ito ng hindi sinasadyang marinig ko ang tuluyang nakapagpahinto sa pag asa na akala ko pwede pa kaming bumalik sa dati

Will you marry me?- sabi ni boss

Yes yes I will marry you Jefferson- sagot naman ni mam hellianor

Agad kong nabitawan yung tray na bitbit ko dahilan para matapon at mabasag yung mga plato

Agad akong umupo at pinulot isa isa yung mga platong nabasag

"Sino yan? Prescilla?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si boss na nakatingin sakin, yung tingin na hindi na tulad ng dati, yung tingin na dati ay puno ng pagmamahal pero ngayon hindi ko na mabasa, napakalamig nya na

"S-sorry po b-boss natapilok p-po kasi ako!" Hinging paumanhin ko bago yumuko dahil hindi ko na kayang matagalan na tignan sya

"Tatanga tanga kasi!" Napa angat ako ng tingin ng may magsalita at nakita ko si mam na nakatingin sakin habang nakataas ang kilay

Napatingin naman ako sa kamay nito na nasa braso ni boss at mukhang nakita nya na napatingin ako dun kaya naman nakita ko na mas nilapit pa nito ang katawan nya kay boss

Napayuko namab ako dahil sa nakita kong eksena nila sa mismong harap ko pa talaga

Tama na pls ang sakit na kasi

"U-una na po ako boss pasensya na po talaga!" Sabi ko at mabilis na pinulot yung mga plato dahilan para mahiwa ako nang malaki

"A-aray!" Mahinang daing ko

"What happen?" Agad naman akong nilapitan ni boss at umupo sya sa harap ko bago kunin ang kamay ko at tignan

"Hindi kasi nag iingat!" Saway nito sakin bago ako tignan kaya naman napatitig ako sa kanya

Bakit kailangan mo pang ipakita na nag aalala ka kung iba naman pala ang mahal mo

Agad kung binawi ang kamay ko at sa hindi malamang dahilan ay nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni boss pero tinabunan nya agad ito ng malamig na titig kaya naman pinagsawalang bahala ko nalang iyon

Pinapaasa mo lang ang sarili mo prescilla, tumigil kana

Tumayo ako bago yumuko sa kanilang dalawa

"Pasensya na po talaga uli boss!" Sabi ko bago tumalikod sa kanila kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng luha ko

Hindi na pala ako aasa eh, hindi ko na pala kailangan magtanong kung bakit at kung saan nag umpisa na naging malamig ang pakikitungon nya sakin

Pagkababa ko ay agad kong tinapon ang mga plato na nabasag pagkatapos ay hinugasan ko na ang kamay ko at nilagyan lang ito ng band aid

"Hoy!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si kuya xander

"Makahoy ah close tayo?" Tanong ko dito bago natawa kaya naman natawa din sya

"Trip ko lang, tara garden!" Aya nito sakin kaya naman tumango ako bago sumunod sa kanya

Paglabas namin ay doon kami uli pumwesto sa lugar na lagi naming tinatambayan dito sa bahay dahil sa maganda view ng mga tanim na bulaklak

Pag upo namin ay agad akong pumikit at suminghot ng hangin, infairness para din syang fresh dahil sa mga bulaklak

"Kamusta na?" Tanong nito sakin kaya naman nagmulat ako ng mata at nakita ko na nakatingin ito sakin

"Ito ok naman!" Sabi ko kasabay ng pagtawa

"Alam kung hindi anong nangyari?" Tanong nito sakin kaya naman nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi ko at napakagat nalang ako bago pigilan ang luhang tumulo sa mata ko

"Wala eh talo ako!" Sabi ko sa kanya bago yumuko at paglaruan ang daliri ko

"Kwento ka makikinig ako!" Sabi nito sakin kaya naman tumingin ako sa kanya bago ngumiti ng peke

"I-ikakasal na eh!" Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko na agad ko namang pinanunasan

"Ano?! P-paano?" Gulat na tanong nito sakin kaya naman natawa ako kahit na natulo ng sunod sunod ang luha ko

Nabaliw nako

"K-kanina umakyat a-ako para s-sa pagkain n-nila k-kaso ayon bubuksan ko na sana yung p-pinto k-kaso narinig ko n-nagp-propose si b-boss!" Utal utal na sabi ko dahil sa pag iyak at pasisinok ko gawa ng iyak ko

"W-wow akala ko ayaw nya sa babaeng yun!" Sabi nya kaya naman tumango ako

"A-akala ko rin eh!" Sabi ko bago natawa kasabay ng pag hikbi ko

"A-ang sakit a-akala ko ok lang, a-akala ko pwede p-pa pero a-akala ko lang pala!" Sabi ko habang umiiyak

Pilit kong tinatatagan ang sarili ko pero putek sobrang sakit na talaga

Agad kong naramdaman ang yakap ni kuya xander sakin kaya naman napasubsob ako sa dibdib nya dahilan ng mas lalong pag iyak ko

"Kaya mo yan magiging maayos din ang lahat magpakatatag kalang!" Sabi nito sakin pero wala akong naging sagot dahil para sakin hindi ko alam, hindi ko alam kung kaya ko pa

Tama na sobrang sakit na kasi

Hindi ko alam kung paano tatanggapin yung narinig ko lalo at alam ko na hindi magiging madali ang buhay ko ngayon na mas napatunayang ikakasal na sila na any minute any seconds pwede akong palayasin sa bahay na ito

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag lumayas ako dito at umuwi ng probinsya

Kaya ko naman ng umuwi sapagkat may sweldo na ako na naipon, sapat para mabuhay ako ng isang buwan pero hindi ko alam kung kakayanin ko pang umuwi dun

Sobrang dami ng masasakit na ala-ala ang naiwan sa probinsya

Pero mas masakit diba kung sila mismo ang magpapalayas sakin kesa ang lumayas ako

"Kuya xander!" Tawag ko sa kanya pagkatapos ay humiwalay ako ng yakap at pinunasan ang luhang hindi napunasan gawa ng damit ni kuya

"Oh bakit?" Tanong nito sakin

"Sa tingin mo? Pwede kayang umalis nalang ako dito kesa palayasin ako?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw nasa sayo ang desisyon!" Sabi nito sakin kaya naman napabuntong hininga nalang ako

"Naguguluhan ako gusto ko ng umalis para matigil na tong kahibangan ko pero hindi ko alam kung saan ako pupulutin matapos akong lumayas dito!" Sabi ko sa kanya

"Ikaw nasa sayo ang desisyon hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang kahihinatnan mo kung sakaling aalis ka pero siguro mag aalala ako!" Sabi ni kuya kaya naman napangiti ako

"Hayaan mo nalang kuya pag iisipan ko nalang!" Sabi ko sa kanya kaya ngumiti naman ito sakin bago guluhin ang buhok ko

"Kaya mo yan ikaw pa strong ka eh, sige pasok na ako ah baka hanapin ako ni boss eh!" Sabi nito sakin kaya naman tumango ako

"Sige kuya salamat uli ng marami!" Sabi ko kaya naman ngumiti sya bago nagpaalam

Nang makapasok si kuya sa bahay ay napabuntong hininga nalang ako

Iiwas nalanh siguro ako para wala ng gulo

Hinawakan ko ang dibdib ko na kung saan tapat ng puso ko

"Kaya mo yan self, kakayanin mo dapat!" Bilin ko sa sarili ko bago tapikin ng mahina yung dibdib ko at tumayo na para pumasok sa bahay










******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now