Chapter Four

6.8K 156 1
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

"Papatayin kita, papatayin kita ng dahil sayo kaya namatay ang magulang ko kung hindi dahil sa katigasan ng ulo mo sana ay buhay pa sya" sabi sakin ni kuya pero agad akong umiling habang umiiyak

"H-hindi ko kasalanan yun kuya p-para mo ng a-awa!" Nagmamakaawang sabi ko pero para itong bingi sa pakiusap ko dahil patuloy ito sa paghampas sakin ng maliit na kahoy na nakuha nya

"Hindi dahil sayo kaya namatay si ina at ama kung hindi dahil sa punyetang kagustuhan mo makapag aral ay hindi sila mapapahamak!" Sabi nito kaya naman patuloy lang ako sa paghiyaw habang naiyak

Alam kong kasalanan ko kung bakit napahamak si ina at ama pero hindi ko kagustuhan iyon gusto ko lang naman mag-aral ano bang masama doon??

"K-kuya!" Mahinang sabi ko dahil isang malakas na hampas sa ulo ang natamo ko bago mawalan ng malay

"Kuya!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa panaginip na yun

Agad kong inilibot ang paningin ko at kahit papaano ay nakita ko na nasa parehong kwarto parin ako ng pinagtulugan ko kanina

Yung panaginip ko, alam kong hindi sya panaginip dahil ako ang nakaramdam at nakasaksi nun nung araw na mahampas ako ni kuya ng kahoy sa ulo ay nawalan ako ng malay paggising ko ay nasa hospital na ako ngunit ng umuwi ako sa bahay ay dun na naging delubyo ang buhay ko

"Inay, itay patawad po kung iniwan ko si kuya pangako babalikan ko po sya!" Mahinang sabi ko bago punasan ang luhang tumulo sa mata ko

Dahil sa hindi naman na ako makatulog uli ay naisipan kong bumangon at magpunta sa banyo at nakita ko naman ang mga mamahaling gamit

May nakita akong toothbrush na mukhang nakalaan sakin kaya naman napahagikhik ako bago ko yun kunin at mag umpisang magtoothbrush

Pagtapos ko magtoothbrush ay naisipan ko munang lumabas kasi kahit gusto kong maligo ay wala akong damit

Ngunit paglabas ko ng banyo ay may kumatok sa pinto ng kwarto na tinutuluyan ko kaya naman inayos ko muna ang sarili ko kasi baka si boss sungit toh

"Pasok po!" Sigaw ko dito at nakita ko naman na may gwapong pumasok, well gwapo sya pero mas gwapo kasi talaga si boss sungit eh

"H-hi po!" Mahinang bati ko dito at kita ko naman na natigilan ito bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa kaya naman yumuko kasi medyo nahihiya ako sa itsura ko

"This is the clothes you should wear says Mr. Langston and after that you should follow me because that's what Mr.Langston said!" Sabi nito sakin kaya naman tumango ako bago kunin yung damit na binigay nya sakin at pumasok sa banyo pero bago yun lumabas muna uli ako

"A-ahm kuya maliligo lang po muna ako ah!" Sabi ko dito bago ngumiti kaya naman natigilan ito pero agad ding nakabawi at tumango kaya naman nilock ko nayung pinto at nag umpisa ng maligo

Pagkatapos ko maligo ay nagpatuyo muna ako gamit ang bathrobe na nakita ko dito. Infairness kay boss sungit napaka yaman nya tsk tsk gusto ko tuloy malaman kung anong business nya tapos anong skin care nya bat ang gwapo at ang kinis ng balat

Kinuha ko yung damit na binigay sakin at sinuot ko ito, pagtapos ko suotin ay agad kong tinignan ang repleksyon ko sa salamin at napangiwi ako ng makitang ang ikli nito

"Grabe naman si boss magbigay ng damit napakayaman nya pero kulang kulang sa tela binibiling damit" sabi ko nalang habang sinisipat yung damit ko

Well maganda naman at bagay naman sa kulay ko yung design at kulay nung damit. Yung damit kasi ay kulay black and white na dress na may cute na collar HAHA tapos may apron na cute din ang design pero pang ibaba lang tapos may necktie na pula, oh diba ang sosyal ng amo ko pero medyo maikli sya kasi above the knee ehh pero ok lang naman bagay naman sakin

Paglabas ko ay agad kong tinawag si kuyang tahimik, tahimik kasi ewan basta yun na yown wag nyo na akong tanungin kasi kahit ako nalilito sa kanya

"Kuya tara na po!" Napatingin ito sakin at kita ko na natulala ito sa itsura ko kaya naman kumunot ang noo ko

Minsan talaga iisipin ko nakashabu si boss sungit pati tong si kuyang tahimik kasi kada may gagawin ako natutulala sila, parang tanga lang po sila diba??

"Kuya!" Tawag pansin ko sa kanya at mukha namang natauhan sya bago tumayo

"Xander!" Sabi nito kaya naman nalito ako, hala putek may multo ba dito sa kwarto na nag ngangalang xander? Kasi diba prescilla ako tapos sya di ko alam name pero imposibleng xander name nya kasi ano galing mental? Kinakausap sarili? Halaaa kaaa kawawa naman si kuya nakakakita ng multo

"Kuya pagpahingahin mo na po ang kaluluwa ni kuya xander!" Sabi ko sa kanya sa mahinhing tono

"What?" Sabi nito bago tumingin sakin at parang nagpipigil ng tawa

"Eh diba po tinatawag mo si xander? May kaluluwa po ba dito na nagngangalang xander? Hayst condolence po ah pagpahingahin mo na po sya alam ko po na mahirap pero nasa mabuting kalagayan na po sya ngayon!" Sabi ko bago ngumiti sa kanya at kita ko naman ang mangha sa mukha nya

"You, you really amazed me, my name is xander!" Sabi nito kaya naman napatanga ako at natulala sa kanya

Hala sya pala si xander? Eh ang tanga naman nya bakit kasi bigla bigla syang nagx-xander ng walang dahilan diba? Nanahimik kami pareho tas babanat sya ng xander akala ko naman kaluluwa yun

"Ayy ganun? Kasi naman bigla bigla kang nagsasalita eh anong malay ko ikaw pala si xander heheh sorry na ang cute ko!" Sabi ko sa kanya, ewan ko ba agad akong na at ease sa ugali nya

"What? Anong connect nung pagsosorry mo sa cute ka?" Namamanghang tanong nito

"Wala lang gusto ko lang sabihin syempre bakit ba pero ako po pala si prescilla nice to mee you po kuya xander!" Sabi ko sa kanya kaya naman ngumiti sya

"Kaya pala kahit si boss mukhang may tama agad sayo eh!" Agad kumunot ang noo ko sa sinabi nito

"Ano po yun kuya?" Tanong ko dito pero umiling lang ito at inaya na lang akong lumabas ng kwarto papunta daw sa opisina ni boss sungit kasi kakausapin daw ako kaya naman sumama nalang ako at tahimik naming binagtas ang daan patungong opisina ni boss sungit

















******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now