Chapter Eight

5.4K 126 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Pagkatapos ko magsampay ay inayos ko na muna ang mga planggana sa pinaglalagyan nito sa washing room bago lumabas uli dun sa pinaglabasan ko kaninang pinto at puntahan si maria dun sa bench

Hanep talaga toh si boss sungit sa bahay nya biruin mo yun kapag kasi nasa labas ka mukha lang syang ewan, as in ang pangit talaga at kung itatanong nyo paano ko nalaman well kanina kasi lumabas ako para tignan ang kalsada

I mean kasi diba? Tinitignan ko kung marami bang sasakyang nadaan dito o ano pero sabi ni kuya xander wala daw nadaan na sasakyan dito tulad ng nakikita ko sa labas ng village kasi private village daw ito parang mga may kaya at maimpluwensya ang nakatira dito kaya naman hindi ko maiwasang mamangha kasi yung ilang bahay na nahagip ng mata ko ay talaga namang magaganda at halatang labas palang mamahalin na pero nung bahay na ni boss ang tinignan ko mukha syang makaluma sa labas at parang walang dating pero sabi nga nila 'dont judge the book by its cover' kaya naman kapag pumasok ka sa loob sobrang ganda

"Ate!" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni maria

"Ano yun?" Tanong ko dito at kita ko naman na nakatitig ito sakin bago ngumiti

"Ang ganda ganda mo talaga ate tapos yung boses mo napaka lambing!" Sabi nya kaya naman ngumiti ako

"Yung mga mata mo laging nagniningning sa tuwa parang wala kang problema!" Sabi nya kaya naman natawa ako

"Ikaw talaga kung ano anong sinasabi mo pero ilang taon kana ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti sya bago tignan yung mga bulaklak sa harap namin

"19 po ate!" Sabi nito kaya naman napa 'O' nalang ako,well mas bata nga talaga sya sakin

"Alam mo ate kanina nung nakita kitang walang malay tapos buhat buhat ni sir kahit na may mga sugat ka ang ganda mo parin tignan tapos kung titignan mo si sir sobra ang pag aalala sa mata nya, sobrang lamig ng pakikitungo nya sa lahat ng tao dito kaya nung nakita namin na buhat ka nya tapos kita pa ang pag aalala sa mukha nakaramdam kami ng kasiyahan sapagkat ngayon lang namin nakita si sir ng ganun!" Mahabang sabi nito kaya naman napayuko ako at napangiti ng lihim

Well ako lang toh HAHAHA

"Talaga? Ano bang ugali ni boss kwento ka naman!" Sabi ko dito kaya naman tumango sya bago magsalita

"Si sir Jefferson yung taong walang pake sa paligid nya, yung tipong sobrang sungit nya sobrang lamig nang pakikitungo kahit kanino at higit sa lahat hindi sya nakakaramdam ng kahit ano!" Sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko

"Paanong hindi nakakaramdam ng kahit ano?" Tanong ko dito ng nakakunot ang noo

"Well ano wala syang pake if nasasaktan ka, wala syang pake kung umiiyak sya sa harap mo basta para sa kanya kung wala kang kwenta, wala talaga!" Sabi nito sakin. Ay ang harsh boss

"Eh ano namang mga ayaw nya?" Tanong ko dito

"Ayaw nya ng may lumalapit sa kanya o lumilingkis yung kumbaga nalandi? Ayaw nya ng ganun naiirita sya, ayaw nya rin ng kung ano ano ang tinatawag sa kanya dapat sir lang o kaya boss kasi kapag narinig nya na kung ano ano ang tinatawag mo sa kanya automatic tanggal ka sa trabaho at gagawin nya ang lahat para wala ng trabahong tumanggap sayo tapos ayaw nya rin ng nginingitian sya o kaya naman ay hahampasin sya tapos ayaw nya rin ng inuutos utusan sya, ayaw nya rin ng niloloko loko sya at higit sa lahat ayaw nya ng may nagkakagusto sa kanya!" Sabi nito kaya naman napakagat labi ako kasi naman lahat ng ayaw nya nagawa ko na well maliban dun sa magkagusto sa kanya

Sa sungit non? Magkakagusto ako? Putek nayan para ko naring hinukay ang sarili kong libingan kapag nagustuhan ko yun

"Pero ate nung nakita ka namin na buhat nya nagulat talaga kami kasi nga diba ayaw nya ng ganun pero nung sayo hayyy mukhang may gusto sayo si sir!" Sabi nya at nasamid naman ako sa sarili kong laway, umubo ubo pa tuloy ako para maibsan yung pagkakasamid ko

Laway nalang yan selp nasasamid kapa napaka t*nga

"Imposible yun sa sungit at lamig ng pakikitungo nun tiyaka malabo talaga, malabo pa sa mata ng owl sa umaga!" Sabi ko kaya naman natawa sya

"Anong malay natin!" Sabi nya kaya naman napailing nalang ako

Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng sigaw

"Prescilla!!" Agad akong napatayo ng marinig ko yun. Shit si boss namimiss na naman ako

"Saglit lang ahh tawag ako ni boss eh!" Sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad na pumasok sa loob

Muntik pa akong madapa sa dinaraanan ko sa pagtakbo ko

"Boss?" Sabi ko dito ng hinihingal ng makarating ako sa harap nito

"Kuha mo kong tubig!" Sabi nito at parang gusto ko nalang maging unggoy bigla at sabunutan sya hanggang sa mawala ang anit

"Right away boss sungit!" Sabi ko at sumaludo pa, napa tsk nalang sya dahil sa tinuran ko

Kasi naman parang timang anlakas makasigaw papakuha lang pala ng tubig hindi ko alam kung makakasurvive ako dito sa ginagawa kong toh akala ko naman kapag mayaman na walang masyadong gagawin pero mukhang magkakamali talaga ako ng paniniwala

"Boss ito na oh!" Sabi ko kay boss ng makarating ako sa sala at ilagay yung isang basong tubig na malamig

"Abot mo sakin!" Sabi nito kaya naman napanguso ako

Hindi naman sya lampa o kaya baldado, uhaw lang talaga sya masyadong pabebe

"May iuutos kapa boss?" Tanong ko dito at umiling naman ito

"Sa labas po muna ako boss!" Paalam ko dito at hahakbang na sana ng tawagin uli nito pangalan ko

"Prescilla!" Tawag nito sakin

"Boss?" Tanong na tawag ko dito

"Dyan kalang baka may iutos ako sayo ayokong sumigaw!" Sabi nya kaya naman tumango nalang ako at akmang uupo na ng pigilan ako

"Sinabi kong umupo ka?" Tanong nito kaya naman napairap ako

"Edi wag!" Pabulong na sabi ko

"May sinasabi ka?" Tanong nito kaya naman ngumiti ako bago umiling

"Wala po boss ahh ito naman kung ano ano na naman naririnig mo eh nakoo nakoo!" Sabi ko kaya naman sinamaan ako nito ng tingin kaya agad kong sinara ang bibig ko at pinakitang nag-zip mouth ako

"Gawin mo nga ito!" Sabi nya at binigay sakin ang isang papel

"Gagawin ko dito boss?" Tanong ko sa kanya

"Kakasabi ko lang diba? Kainin mo!" Cold na sabi nito kaya naman tinarayan ko

Tinignan ko yung maliit na papel bago ito buksan at nanlamig ako sa nakita ko















******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now