Chapter Twenty-Nine

3.9K 96 2
                                    

A/N; So hello dear readers bali maikli lang itong chapters na ito sapagkat ipapakita ko ito ng buo sa susunod na kabanata at nawa'y maenjoy nyo

Keep Reading Readers Lovelots❤️



Prescilla Pov,

Pag-alis ko sa kusina ay agad akong dumeretso sa kwarto ko upang mag-impake ng mga damit ko

Ano pa bang rason para manatili ako dito tama? Pinamukha na saking napakalandi ko at walang karapatan mahalin

Ang kapal naman ng mukha ko kung mananatili pa ako dito

Pagkaimpake ko ay agad akong naligo at nagbihis ng maayos na damit, kinuha ko narin ang kunting ipon ko para makauwi ng probinsya dahil wala naman na akong kilala dito sa maynila kung hindi sila pero kung ganto lang din naman pala na makakarinig ako ng masasakit na salita ay mas magandang lumayas nalang ako

Pagkatapos ko sa mga gawain ko ay agad akong lumabas ng kwarto at bumaba dala dala ang dalawa kung maleta

Pagbaba ko ay si kuya xander ang naabutan ko at nangunot ang noo nya ng makitang andami king dalang bag

"Saan ka pupunta?" Tanong nito habang nakakunot ang noo

"Lalayas na ako dito kuya pasabi kay boss na nag resign na ako ok lang kahit walang sweldo!" Sabi ko ng nakangiti pero dahil sa naging sagot ko ay dumilim ang awra nito

"Anong ginawa ni boss sayo?" Tanong nito sa seryosong boses pero binaliwala ko iyon sa halip ay ngumiti ako at umiling

"Wala kuya sadyang tinatamad na ako dito sa maynila at namimiss ko na ang buhay probinsya!" Sabi ko sa kanya bago yumuko at kagatin ang ibabang labi ko

"You can't fool me prescilla tell me what hapen!" Sabi nito sa nag aalalang boses kaya naman napabuntong hininga ako

"He called me flirt, malandi daw ako kasi nilalandi ko daw si Dave yung kuya ni maria tapos sabi pa nya hindi daw ba ako kuntento sa halik nya o mas magaling daw ba sa k-kama si Dave!" Mahabang sabi ko at nakita ko naman ang pag tiim ng panga nito

Napaka-gwapo naman

"Sige na kuya alis na ako salamat sa lahat pasabi din kay maria nagpapasalamat ako na nakilala ko sya!" Huling sabi ko bago sya talikuran

Paulit ulit nya pang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sya tinignan pa dahil baka kapag ginawa ko yun mahirapan akong umalis sa bahay na ito

Hindi madali sakin ang iwan tong bahay na ito sapagkat dito nakatira ang mahal ko pero hindi ko kakayanin na masira ako dahil lang sa kanya

Paglabas ko ay tinignan ko muna sa huling pagkakataon yung bahay na syang nagbigay ng pangalawang pagkakataon para mabuhay uli ako at para maranasan kung paano maging masaya, malungkot at umiyak

"Ito na yung huling makikita kita mahal ko" mahinang sabi ko bago dahan-dahang tumalikod

Paalam mahal ko!

Paglabas ko ng gate ng bahay ni boss ay naglakad ako patungo dun sa pinaka main gate ng village kung saan kami noon lumabas ni maria papunta sa labas ng village

Paglabas ko ng village ay panandalian akong pumikit upang damhin ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko

Sana sa huling pagkakataon masilayan ko yung ngiti mo kaso mukhang malabo dahil alam kung malaki ang galit mo sakin at hindi na ako ang mahal mo

"Hindi kita makakalimutan mahal ko salamat sa lahat, mahal na mahal kita jefferson!" Huling sabi ko bago ako maglakad papalayo sa village na nagsilbing pangalawang bahay ko

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng bigla nalang may humintong van sa harap ko at nagulat ako ng pagbukas nito ay bumungad sakin si Mam Hellianor

"Kunin nayan!" Sabi ni mam Hellianor at nagulat ako ng biglang may lumabas na dalawang lalake sa van kaya naman tatakbo na sana ako ng nahawakan ako ng isa sa buhok

"Argh!" Daing ko kaya naman nagpumiglas ako pero bigla nalang akong sinikmuraan nung isa dahilan para tumigil ako sa kakapamiglas at bigla nalang nanlambot ang tuhod ko

Feeling ko bumaliktad sikmura ko kingina pangalawang suntok na sa tyan ko toh maawa kayo

"Good job boys isakay nayan!" Sabi ni mam kaya naman mabilis nila akong naisakay dahil sa hindi ko magawang magpumiglas pa dahil ang mas pinagtutuunan ko ng pansin ay ang tyan ko na feeling ko malapit ng lumabas ang mga laman loob ko

"M-mam" mahinang tawag ko sa kanya kaya naman tinignan nya ako ng masama

"Dahil sayo nasira ang mga plano ko ngayon ikaw naman ang magdudusa!" Sabi nya kaya naman naguluhan ako pero sasagot na sana ako ng bigla nalang may tumakip ng panyo sa mukha ko

Kaya naman agad pumatak ang luha sa mata ko dahil sa sobrang takot

Pilit akong nagpupumiglas sa may hawak ng panyo na nasa mukha ko pero naging sapat lang yun para maayos ko yung panyo na naging dahilan nang panghihina ko

Nakaramdam ako ng hilo at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nilagay nila dito kaya naman bago pumikit ay humiling ako sa Diyos na sana tulungan nya ako

Gusto ko pang mabuhay God, kahit ikaw nalang ang maging susi

Jefferson mahal ko

"Sleepwell sweetie!" Huling dinig kong sabi ni mam bago ako lamunin ng kadiliman















*****

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now