Chapter Thirty-One

4.2K 90 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla pov,

"G-gusto ko lang naman b-bumalik t-tayo sa dati j-jefferson, g-gusto ko lang naman masama bayun? Masama ba na m-mahalin ka? M-masama ba na magsakripisyo ako? M-masama ba na angkinin k-kita? MASAMA BA?!!" sigaw nito na tanong habang patuloy na naiyak

"Hindi masama yun hellianor pero ang masama ay yung handa kang pumatay para sa pagmamahal mo!" Seryosong sabi ni Jefferson kaya naman tinignan ko sya

"P-pakibaba ako!" Mahinang sabi ko dahilan para mapatingin ito sakin

"No!" Matigas na sabi nito kaya naman sinamaan ko sya ng tingin at bumuntong hininga naman sya bago ako ibaba pero hindi parin nya ako binibitawan sa may bewang ko

"W-walang masama pagdating sa pagmamahal mam hellianor pero yang ginagawa mo hindi na pagmamahal yan para kay boss kundi pagiging makasarili na!" Mahabang sabi ko sa kanya at mukhang napamali pa ata ako dahil bigla itong nagalit at itinutok ang baril sakin

"Wala kang alam!" Galit na sabi nito

"Wala nga akong alam pero hindi tama ang ginagawa mo" mahinahong sabi ko sa kanya

"Bakit? Ikaw ba yung naiwan? Ikaw ba yung akala mo na ito na, na magiging masaya na kayo kasi ikakasal na kayo pero tangina natulog lang ako paggising ko ayaw na daw nya dahil may mahal na daw syang iba sige nga sabihin mo nga sakin kung nasan ang mali sa ginawa ko!" Galit na galit na sabi nito

"Hindi ko ginusto na iwan ka pero mas mahal ko si prescilla sana naman intindihin mo yun hellianor!" Sabi ni jefferson kaya naman lalo itong nagalit

"Hindi! Hindi ka pwedeng maging kanya kung hindi kalang din naman magiging sakin pwes hindi karin pwedeng maging kanya!" Sabi nya at nagulat ako ng biglang itutok ni hellianor yung baril kay jefferson kaya naman agad akong yumakap kay jefferon bago nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril

Agad naman akong napakapit ng mahigpit sa balikat nya ng maramdaman ko ang pagtama ng bala sa likod ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas dahil unti unti na akong nanghihina

Hindi ko na rin alam ang sunod na nangyari dahil ang mas inintindi ko ay ang pamamanhid bigla ng likod ko na tinamaan ng bala

"Prescilla, Prescilla damn it!" Rinig kong Sabi ni jefferson sakin bago ako buhatin muli dahil unti unti ng nanghihina ang tuhod ko at baka ora mismo ay matumba ako

"H-hindi ako n-nagsisi na n-nakilala k-kita!" Utal utal na sabi ko dahil sa panghihina ng katawan ko

Hindi ko alam na ganto kasakit mabaril

"H-hold on pls!" Nagmamakaawang sabi nito sakin bago ko nakita ang unti unting pagtulo ng luha sa mata nito kaya naman kahit nanghihina ay inabot ko ang mukha nito bago dahan-dahang punasan ang luha nya

"H-huwag k-kang umiyak t-tandaan mo na k-kahit anong mangyari m-mahal na m-mahal kita j-jefferson" nanghihinang sabi ko bago napapikit dahil parang gusto ko bigla matulog, feeling ko pagod na pagod ako

"Prescilla open your eyes pls dont sleep dadalhin kita sa h-hospital just dont f*cking sleep!" Malakas na sabi nito kaya naman napamulat ako ng mata at nakita ko na nasa labas na pala kami

"Boss dito!" Dinig kong sabi ng isa sa tauhan ata nito

"Don't close your eyes baby!" Sabi nito sakin habang tinatapik tapik ang pisnge ko ng makasakay kami sa kotse at nasa kandungan nya yung kalahati ng katawan ko

Tinitigan ko naman ito bago ngumiti kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko

Aaminin ko natatakot ako ng sobra, hindi ko alam na matapos naming mag away at magkasagutan ay ganto ang hahantungin ko

Hindi ko pa alam ang nangyari kung bakit nagkaganun ang takbo ng buhay namin na mula sa pagiging masaya namin na napalitan ng lungkot at takot

"Baby can you hear me? Pls baby dont sleep!" Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko syang nagsalita at nakita ko na paulit ulit ako nitong hinahalikan sa noo bago tatawaging baby kaya naman napangiti ako

"I-ikaw y-yung pinaka-m-magandang n-nangyari sa b-buhay ko j-jefferson!" Mahinang sabi ko dito bago ngumiti kaya naman ngumiti din sya bago ako patakan ng halik sa labi

"You are the best thing that happen to my life prescilla, I didn't regret choosing you over that woman. Im sorry if I hurt you I promisenafter this mess I'll tell you what's the reason behind those shits i've done so pls  I love you pls stay with me!" Sabi nya kaya naman agad na tumulo ang luha sa mata ko, napakasarap pakinggan ang salitang Iloveyou galing sa mismong taong alam mo sa sarili mong mahal na mahal mo din

Agad akong tumitig sa kanya bago ngumiti inangat ko yung kamay ko bago abutin ang pisnge nya at mukhang alam naman nya na medyo nahihirapan ako ay sya na ang nagkusang yumuko para maabot ang mukha nya

Pagkahawak ko sa pisnge nya ay napangiti ako bago himashimasin iyon gamit ang hinalalaki ko

Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa pisnge nya bago matamang nakatitig sakin

Ang mata nyang puno ng pagsisisi, lungkot, takot at pagmamahal. Halo halo ito ngayon hindi tulad noong una na napakalamig at lahat ng emosyon ay natatabunan

"M-matutulog m-muna a-ako b-boss!" Mahinang sabi ko sa kanya bago dahan dahang pumikit

"No! No pls baby wake up, prescilla wake up baby pls" rinig kong sabi nito pero inaantok na talaga ako kaya hindi na ako nagmulat pa ng mata hanggang sa unti unti na akong lamunin ng kadiliman








Jefferson pov,

Agad kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni prescilla na nakahawak sa pisnge ko ng bigla itong gumaan

"Baby!" Mahinang tawag ko dito pero agad din akong kinabahan ng biglang bumigat ang katawan nito na nakakandong sakin at bigla nalang tumagilid ang ulo nito na parang walang malay

Agad kong binitawan yung kamay nito na dahilan para malaglag ito ng dahan dahan na agad kong ikinakaba lalo

"Damn it make it fast rolando!" Sigaw ko sa driver dahil sa kabang nararamdaman ko

"Malapit na po boss!" Sabi nito pero hindi ko na sya pinansin imbes ay tinignan ko nalang si prescilla na walang malay

"Baby lalaban ka hah lalaban ka pls lumaban ka h-hindi ko k-kayang m-mawala kapa!" Paulit ulit kong sabi sa kanya habang sunod sunod ding natulo ang luha sa mata ko

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala sya sakin, hindi ko kakayanin

"Boss andito na tayo!" Rinig kong sabi ng driver kaya naman agad itong bumaba at binuksan ang pinto na pinaguupuan namin sa loob ng sasakyan

Agad akong bumaba at agad na pumasok ng hospital bago nagsisigaw ng doctor

Agad namang may lumapit samin na mga nurse at doctor na may dalang stretcher kaya agad ko syang inihiga doon at agad naman syang itinulak papunta sa emergency room

Pagdating namin doon ay agad syang ipinasok sa loob at susunod pa sana ako ng pigilan ako ng dalawang nurse

"Sir hanggang dito nalang po kayo mga assisstant lang po ng hospital ang pwede doon!" Sabi nila sakin kaya naman agad kumunot ang noo ko

"Hindi kailangan ako ng asawa ko kaya papasok ako!" Nagmamatigas na sabi ko at lalakad na sana ako ng pinigilan parin nila ako

"Sir pasensya na po bawal po talaga!" Sabi nila kaya naman napabuntong hininga ako bago sila talikuran at umupo dun sa upuan na nasa malapit dito sa emergency room

Pagkaupo ko ay agad kong nilagay ang palad ko sa mukha ko, masyado ng nakakapagod itong araw na ito pero hindi ako titigil hanggat hindi nahuhuli si Hellianor magbabayad sya sa ginawa nyang pagbaril kay Prescilla












******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now