Chapter Seventeen

4.5K 123 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Napabuntong hininga nalang ako dahil kahit anong pilit ko hindi ako makapaniwala sa sinabi ni kuya xander

"Kung gusto nya ako sasabihin nya!" Sabi ko nalang sa hangin bago tumango tango at tumayo na para pumasok sa loob ng bahay

Pagbukas ko ng pinto ay isang sampal ang bumungad sakin galing kay mam hellianor at dahil nagulat ako ay hindi agad ako nakapag react kaya naman natumba ako

"Walanghiya ka ang landi mo!" Galit na galit na sabi nito kaya naman tinignan ko lang sya ng walang ekspresyon sa mukha

Kapag ito nasampal ko tanggal make up nitong mala clown

"M-mam!" Utal na tawag ko sa kanya bago dahan-dahang tumayo pero itinulak ako nito dahilan para mapaatras ako

"Nang dahil sayo kaya mas lalong ayaw pirmahan ni jefferson ang papel na magpapatunay na kasal na kami!" Galit na sabi nito at sa hindi ko malamang ay napangiti ako bago sya tignan

"Anong nginingiti mo?" Tanong nito sakin

"Mawalang galang na hoh mam ahh hindi ko naman po kasalanan kung bakit hindi pumirma si boss dahil una sa lahat wala akong ginagawa para agawin sya sa inyo, sabi nyo katulong nya lang ako diba? Wala po akong panahon para lumandi mam dahil para sakin kung oras ko ng magkalovelife magkakaroon ako!" Mahabang sabi ko sa kanya at mas lalo syang namula sa galit bago hilahin ang buhok ko dahilan para mapadaing ako

"A-aray mam!" Paiyak ng sabi ko, putek naman ehh masakit kaya

Pasalamat ka mayaman ka kung hindi nakoo tanggal buhok mo

"Nasagot kana ahh pwes ito humanda ka sakin!" Sabi nya at nagulat ako ng kaladkarin ako nito

"M-mam aray masakit!" Daing ko bago tuluyang tumulo yung luha sa mata ko

Aba matapang ako pero kapag gantong usapan nasasaktan din ako

Baka kasi tao ako

"Mam!" Napatigil si mam hellianor sa pagkaladkad sakin ng may humarang sa kanya kaya kahit nakayuko ako ay pilit kong inangat ang mukha ko at nakita ko si maria na naaawang nakatingin sakin pero ng tumingin ito kay mam ay kita ko ang takot sa mata ko

"Ano?!" Galit na tanong nito kaya naman napaatras si maria

"M-maawa po kayo k-kay a-ate P-prescilla!" Utal utal na sabi nito pero napadaing ako ng higitin ako nito pataas

"Argh!" Daing ko bago napapikit

Putek ang sakit na

"Ito? Kakaawaan ko? Para saan eh ang landi landi nito!" Sabi nya sa galit na galit na tono

"P-pero mam-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng magsalita uli si mam

"Isa pang pangingielam mo ikaw ang malilintikan sakin!" Sabi ni mam kaya naman natahimik sya at naiiyak na tumingin sakin kaya kahit nasasaktan ako ay ngumiti ako at umiling

"Tabi!" Inis na sabi nya at tinulak si maria kaya naman napatabi ito kaya naman tuluyan na akong nahigit ni mam

"M-mam parang a-awa mo na!" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya putek mauubusan ako ng anit nito eh

"Tumigil? Ang kapal ng mukha mong magmakaawa matapos mong landiin si jefferson!" Sabi nya kaya naman naiiyak na tumingin ako sa kanya bago pilit kumawala dahil nakita ko na sa pool area kami papunta

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now