Chapter Six

6.2K 140 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

So ayun paglabas ko ng office ay hinanap ko si kuya xander para din matour ako sa bahay na ito

"Kuya xander!" Tawag ko sa kanya ng makita ko sya pagbaba ko ng hagdan, agad naman ako nitong tinignan bago ngumiti

"Anong kailangan mo pres?" Tanong nito sakin kaya naman sumimangot ako, wengya naman nung huling dinig ko ng tawag sakin na pres highschool pa eh

"Sabi ni boss sungit ilibot mo daw ako sa mansion nya baka kasi maligaw ako alam mo na mapagalitan pa ako nun tapos sapakin sayang kacute-an ko!" Sabi ko dito bago kindatan kaya naman mahina itong natawa bago tumango

"Sige tara dito sa labas tayo mag umpisa!" Sabi nito at iginaya ako sa isang pintuan kaya naman sumunod ako at paglabas ko ay halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga ko nakita ko

"Wow!" Mahinang paghanga ko ng makita ko ang isang malaking swimming pool tapos ay isang malawak na hardin

"Ohemgee meron nito dito!" Sabi ko at agad tumakbo ng makakita ako ng isang tulips

Agad akong umupo sa harap ng tulips at hinawakan ang petals nito, isa ito sa pinaka paborito kong bulaklak dahil ang simple lang nito pero sobrang ganda

"You like that kind of flower?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si kuya xander na nakatayo sa likod ko kaya naman tumango ako bago tumayo sa tabi nya pero ang mata ko ay nasa tulips

"I remember once nung bata ako I saw it when we go somewhere and dun ko nakita ang bulaklak na ganyan sabi nila tulips daw tawag dun kaya nanghinayang din naman ako ng hindi ako makakita tapos ayun lumaki nalang ako hindi ko na uli sya nakita hanggang sa ito nga meron dito sobrang ganda nya!" Manghang kwento ko kay kuya xander

"Oo nga halata nga na nagandahan ka pero kailangan muna nating ituloy ang paglibot ko sayo dahil gusto ko pang mabuhay ng matagal!" Sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko. Bakit anong connect ng buhay nya kung magtatagal kami dito??

"Anong connect ng pagtatagal natin dito kuya sa buhay mo?" Kunot noong tanong ko dito

"Let say may nagbabantay sa kilos natin at kapag may nagawa akong hindi nya nagustuhan sayo eh paktay tayo!" Sabi nya bago ngumiti sakin kaya naman kinamot ko nalang ang ulo ko dahil nalilito talaga ako sa kanya

"Sige na nga kuya tara na kung ano ano ng sinasabi mo!" Sabi ko dito at nauna ng maglakad pero agad din akong nahinto dahil hindi ko alam saan ako pupunta pagpasok namin sa pinto na pinaglabasan din namin kanina

"So saan ang next kuya?" Tanong ko dito, tumingin naman ito sakin bago naglakad kaya naman sumunod ako

Pinakita lang naman sakin ni kuya xander yung anim na kwarto dito, bali dalawang kwarto sa baba which is yung nasa may sala sa may gilid nun may kwarto dun kaso kapag pumasok ka parang mini library kasi panay libro tas bookshelves tapos dun naman sa malapit sa kusina may kwarto din, syempre pinakita din sakin ni kuya yung kusina at sala at sinabi ko sa inyo sobrang ganda promise lalo sa kusina nila lahat ng gamit kumpleto kaya naman nakakainspired magluto, buti nalang ako gagawa ng pagkain ni boss sungit kaya naman ok lang sakin tutal bata palamang ay naturuan na ako ni inang at itay na magluto ng pagkain sabi kasi nila sakin kapag daw tumanda ako maganda na may alam ako sa gawaing bahay

At pinakita din sakin ni kuya yung dalawang kwarto sa taas,kaso yung isa lang ang pinakita syempre kasi nga gawa ng yung isang kwarto ay office ni boss pero yung isa kapareho lang naman sya ng mga naunang kwarto sa baba napaka simple lang isang kama na kaya ang pang dalawang tao tapos banyo syempre then ilang gamit tas isang maliit na sofa tapos yung sa third floor naman dalawa din yung kwarto yung isa lang ang pinakita nya kasi yung isa kay boss daw yun at ayaw na ayaw nya ng nagpapasok ng kahit sinong tao dun kaya naman napanguso nalang ako kasi magpapaalam pa pala ako kay boss kapag lilinisin ko kwarto nya

"Kuya yung basement po nasan?" Tanong ko dito

"Ah yun ba sige tara puntahan natin tutal yun nalang ang di natin napupuntahan!" Sabi naman nya kaya naman tumango ako kaya binaba na namin mula third floor pa seconf floor then second floor pa first floor

Pagdating namin sa baba ay agad lumiko si kuya xander kaya naman sumunod ako pagkatapos ay may nakita akong maliit na pinto sa may baba ng hagdan, teka meron pala nito dito?? Cool hindi ko napansin yun ahh

Pagbukas ni kuya ng pinto ay isang hagdan ang bumungad samin kaya naman mukhang ito na yung basement na sinasabi nila ahh

"Wow ang cool naman ng basement!" Puri ko ng pagpasok namin ay bumaba muna kami at hindi pa man nakakalapag ang paa ko sa pinaka basement ay nakita ko na yung loob nun at humanga talaga ako pagkat malaki ito

May isang boxing ring tapos ay may ilang gamit na pang exercise then may mga mat na iba iba ang kulay tapos ay may isa ding billiard games, ang cool talaga HAHAH

"Dito tara!" Sabi bigla ni kuya at nakita ko na pumasok sya dun sa isang kwarto kaya naman sumunod agad ako sa kanya at pagpasok ko ay bumungad sakin ang apat na washing machine at ilang gamit sa paglalabada at syempre mga sabon na ginagamit pang laba

"Cool kumpleto, pero saan ako magsasampay?" Tanong ko dito kaya naman meron sa may dulo sa tabi ng washing machine na pinto at binuksan ito at bumungad sakin yung part ng garden na pinaggalingan namin kanina

"Wow ang cool!" Sabi ko bago sumunod sa kanya at napapalakpak sa tuwa kaya naman natawa lang si kuya xander

"Tara may isa pa akong ipapakita sayo!" Sabi ni kuya xander kaya naman sumunod ako sa kanya at lumabas na kami dun pagkatapos ay pumunta naman kami dun sa may billiard place then may pinto dun sa may sulok na medyo malaki at pagdating namin dun ay binuksan iyon ni kuya xander

Pagbukas ni kuya xander ay literal na  napanganga ako sa pag hanga sapagkat bumungad sakin ang anim na ibat ibang sasakyan ni boss

"Grabe ang yaman talaga ni boss!" Sabi ko at narinig ko naman na mahinang natawa yung kasama ko

Alam nyo malapit na talaga akong matakot kay kuya xander kasi wala naman akong ginagawang nakakatawa kung bakit tawa sya ng tawa feeling ko talaga nagshashabu toh tsk tsk konti nalang ipapamental ko na toh sayang kasi sya gwapo sana kaso may tama sa ulo hayst

"So paano bayan nalibot na kita sa buong bahay siguro naman natandaan mo lahat ng pinuntahan natin?" Sabi ni kuya xander kaya naman tumango ako bago humarap sa kanya, buti nalang ganun akong tao yung mabilis makaalala

"Opo kuya salamat po pala sa effort pero pwede nyo na po akong iwan dito lilinisin ko pa daw po itong basement sabi ni boss sungit!" Sabi ko sa kanya at tumango lang sya

"Sige call me if you need my help!" Sabi nya kaya naman tumango lang ako

"Bye kuya take care!" Habol kong sabi kaya naman tumango ako at nag wave goodbye kahit hindi naman sakin nakatingin

Nang mawala sa paningin ko si kuya ay nag inhale exhale muna ako

"This is it self linis time na!" Sabi ko sa sarili ko at nag umpisa ng maglinis ng basement

















******

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now