Chapter Twenty-Six

3.8K 104 0
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Pagka-akyat ko sa taas ay dumeretso agad ako sa kwarto ko para maligo at nang matapos ako maligo ay agad akong nag ayos

Ang sinuot ko lang ay simpleng Red Dress na hanggang tuhod tapos ay naglagay ako ng polbo at liptint

Pagtapos ko mag ayos ay bumaba agad ako dahil baka kanina pa nag aantay sakin si maria eh baka iwan pa ako

Minsan ka nalang aalis maiiwanan pa

Pagkababa ko ay naabutan ko si maria na nakaupo sa sofa na nasa sala, agad ko naman syang tinawag kaya naman napatingin agad sya sakin

"Wow!" Sabi nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago ako lapitan

"Ohemgee ang ganda mo lalo ate!" Sabi nya kaya naman namula ako bago magpasalamat

"Salamat pero ano tara na?" Sabi ko dito kaya naman ngumiti sya bago tumango

"Opo ate tara na sigurado ako magugustuhan ka ni kuya ang ganda mo kasi!" Sabi nya kaya naman natawa ako

"Siraulo ka binugaw mo pa nararamdaman ng kuya mo!" Natatawang sabi ko

"Totoo nga ate ang ganda mo kaya ngayon mula sa pulang dress mo pagkatapos ay dyan sa mukha mo na may kunting kolorete ayy nako pati si sir magsisisi na pinakawalan ka!" Sabi nya kaya naman mahina akong natawa dahil sa mga pinagsasabi nya

Maglalaway si boss? Hah posible nga ba??

"Tara na nga puro ka kalokohan!" Sabi ko sa kanya bago sya hilahin palabas

"Sige ate tara na!" Sabi nya bago nagpaunang maglakad ng makabawi sa panghihila ko

"Maglalakad ba tayo?" Tanong ko sa kanya ng makalabas kami ng bahay

"Oo ate malapit lang naman dito yun!" Sabi nya kaya naman tumango ako at nag umpisa ng maglakad pero nauuna si maria syempre susundan ko lang sya dahil wala pa naman akong masyadong alam sa lugar na ito mahirap ng maligaw at maulit yung nangyari sakin nung unang beses ko dito

"Alam mo ate mabait yung kuya ko tapos maalaga tapos gwapo!" Sabi nya kaya naman natawa ako

"Binubugaw mo ba kuya mo sakin?" Natatawang tanong ko dito dahilan para matawa din sya

"Hindi naman ate pero parang ganun na nga!" Sabi nya dahilan para matawa kami pareho

"Pero ate kaya ko lang naman po kasi sinasabi yun baka kasi sakaling magustuhan mo sya makalimutan mo si sir!" Sabi nya sa seryosong boses kaya naman nawala ang ngiti na nakapaskil sa labi ko bago tumingala

"Hindi ko alam maria, hindi pa kasi ako handa!" Sabi ko sa kanya

"Pero ate" mahinang sabi nito kaya naman niyuko ko na ang ulo ko para tignan sya na nag aalalang nakatingin sakin

"Ok lang naman ako, alam mo maria kung mahal mo talaga ang isang tao kahit gaano pa kasakit ang ginagawa nya sayo hindi agad mawawala yung pagmamahal na ibinigay mo kasi nandyan nayun eh naibigay mo na, naramdaman mo na kaya mahirap alisin!" Mahabang paliwanag ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad

"Napapansin ko kasi ate oo nga at ngumingiti ka at tumatawa pero hindi na tulad noon!" Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko

"Paanong hindi na tulad ng dati?" Tanong ko sa kanya

"Kasi ate mula nung nakilala kita noong una kapag nangiti at natawa ka kumikislap yung mga mata mo na parang wala ka talagang problema pero ngayon ate yung mga mata mo kahit na sabihing natawa at nangiti ka hindi na tulad noon dahil puro lungkot at sakit nalang ang nakikita ko kaya nga inaya kita lumabas eh!" Sabi nya kaya naman napabuntong hininga ako at the same time na touch sa sinabi nya dahil ibig sabihin nag aalala sya sakin

"Salamat ah sa concern pero wala eh minahal ko eh siguro susubukan ko tutal yun din ang kailangan ko na kalimutan ang nararamdaman ko kasi nga diba ikakasal na sya!" Sabi ko kaya naman tumango sya bago tumakbo

"Hoy!" Tawag ko sa kanya kasi naman bigla bigla akong iniiwan

"Ano kaba bakit iniwan mo ko!" Inis na sabi ko sa kanya pero sya natawa lang

Tignan mo toh siraulo

"Sorry ate nakita ko na kasi si kuya kaya ayun naexcite ako!" Sabi nya kaya naman ngumiti nalang ako

"Ok lang hayaan muna!" Sabi ko kaya naman ngumiti sya

"Ate ito nga po pala si Kuya Dave kapatid ko!" Sabi nya kaya naman tinignan ko yung lalake sa harap ko kaya naman ayun tinignan ko sya at napanganga ako

Putek ang gwapo nya

"H-hi!" Sabi ko at talagang nautal pa ako

"Hello!" Namula naman ako ng makitang ngumiti ito sakin

Grabe bes may dimple ack

"Prescilla avery nga pala!" Sabi ko bago iabot ang kamay ko

"Dave!" Sabi nya bago abutin ang kamay ko kaya naman napangiti ako

Ang lambot ng kamay bes nahiya kamay ko

"So ikaw pala yung kinukwento ng kapatid kong toh na maganda?" Tanong nito kaya naman tinignan ko si maria at natawa naman sya sa nakikita nya

Putik ka maria kukulamin kita

"A-ahh heheh!" Pilit na tawa nalang ang ginawa ko kaya naman natawa sya

"Wag kang mahiya sakin at totoo naman maganda ka nga!" Sabi nya kaya naman napakagat labi ako

"Tara na nga tambay muna tayo dito nambobola kana!" Sabi ko dito kaya naman natawa lang sya ng mahina

"Sige tara lets enjoy this day cause finally I've met a new girl who's prettier than my sister!" Sabi nya kaya naman natawa ako at agad naman syang nakatanggap ng hampas sa kapatid nya sa braso

"Aray nanakit ka?" Inis na sabi nito

"Walanghiya ka kasi pinagpalit agad ako kay ate!" Sabi nya habang nakabusangot kaya naman natawa ako

"Hindi kaya I just want to make this pretty lady smile because I know her story behind those smile!" Sabi nya kaya naman nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkakakunot ng noo

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya

"I know that you're boss is jefferson and he is my friend!" Sabi nya kaya naman napanganga ako

"H-hindi nga?" Tanong ko sa kanya

"Yup so I know your story and I just want to say that it's ok everything would be fine and let destined play with your lovelife!" Sabi nya kaya naman natawa ako

"Oo nga sabi ko nga sige na tara na gumala na tayo!" Sabi ko sa kanya kaya naman natawa sila at sumang ayon sa sinabi ko

I hope this time even this day maging masaya naman ako

















*****

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now