Nayi's Note

489K 5K 336
                                    

First of all, gusto kong pasalamatan lahat ng sumoporta sa TNBIMH. This story runs from August 12, 2012 - January 2, 2013. Nung naipost ko ito dati one chapter lang. Tapos di ko masyadong pinapansin. May iba kasi akong story na sinusulat nun na unfortunately eh na-delete. Di naman 'to masyadong napapansin dati e. Mabibilang nga lang sa mga kamay ko kung ilan ang nagbabasa nito. Pero masaya na ako nun basta may nagbabasa, kaya tinuloy-tuloy ko lang. Speaking of readers nito dati, parang di ko na sila napansin sa mga huling chapters ah?

Dati may isa nga lang na mag-comment natutuwa na ako eh. Naaalala ko pa nga yung unang comment na nareceive ko dito ang sabi "whahahahahahahha!!! kelan ang kasunod? tawang tawa ako!!" (something like that) ang unang pumasok sa isip ko nun eh "Eh? Di naman ako nagpapatawa ah?" pero masaya ako kasi kahit di ako nagpapatawa natawa siya di ba? That was chapter 6 I think.

I really loved writing this story pero lahat talaga ng istorya eh nagtatapos. Although dahil sa story na ito eh marami akong nakilala at naging kaibigan, kelangan ko na talagang tapusin. Ayoko namang paikut-ikutin na lang yung kwento eh.

Sa mga nagrerequest ng book two or sequel, wala talaga. Although gagawa ako ng special para dito. Pero hindi yun book two.

Nakakapagod ding sumagot sa paulit-ulit niyong tanong kung may book two ba ito o wala. Paulit-ulit na lang kasi eh. Di naman ako sirang plaka para magpaulit-ulit di ba? Alam ko pagkatapos kong maipost ito may maglalagay pa rin sa comment box ng. "Wala po bang book 2?", "Book 2 please!", "author gawan niyo naman ito ng book 2" or kung anu ano pang kapareha niyan.

Ayoko namang tawagin na Book Two yung My Nerdy Rebound Girl kasi di naman sila yung bida. Although dun niyo masusubaybayan yung pagbubuntis ni Lana, di pa rin yun dapat tawagin na Book Two. Ibang book na yun since si Jacky at Maico na ang bida. At napansin ko lang, paulit-ulit na ako =_=

Ang dami kong sinasabi samantalang alam ko namang konti lang ang magaabalang basahin ito eh. Tama naman ako di ba? Marami sa readers ng watty eh tamad magbasa ng notes.

Sige na. Salamat ulit sa inyong suporta!

Lovelots,

purplenayi

SPECIAL UPDATES ON THE NEXT PAGE.



*****


The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now