Chapter Twelve

621K 9.5K 613
                                    

Natuwa naman sina Mama at Papa sa sinabi ni Jace. Paniwalang paniwala talaga sila na maayos kami. Tss. Ito naman si Jace, parang nag-eenjoy pa sa mga kalokohang pinaggagagawa niya.

Hindi na nawala sa usapang anak ang topic kanina. Pati pangalan 'pag babae o lalaki e hindi na nila pinalagpas. Like, hello? Wala pa nga e. Ni hindi pa nga gumagawa at wala akong balak tapos pangalan agad? Ayy, bahala sila!

Alas-singko na nang magpasyang umuwi ang mga magulang ko. Inanyayahan pa nila kami na pumunta naman sa bahay nila paminsan-minsan. Kunsabagay, namimiss ko na rin naman ang dating bahay na tinitirhan ko. Dun na ako lumaki e. Saka... dun rin kami madalas maglaro ni Jace dati noong mga bata pa kami.

Alas-otso ng gabi nang may magdoor-bell. Nasa kwarto na ako nun at naghahanda nang matulog. Sobrang napagod kasi ako sa maghapon na pag-aasikaso kina Mama at Papa e, pati na rin sa pakikipag-kwentuhan sa kanila. Bumangon agad ako at patakbong bumaba ng hagdan. Nakita ko ring lumabas ng kwarto si Jace pero hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at lumapit na sa pinto.

"'Wag ka munang lumabas!" sigaw ni Jace nang hawak ko na ang door knob.

Kunot noong tinignan ko siya. Bakit naman hindi muna ako lalabas?

"Baka masamang loob yan. Tignan mo muna kung sino saka ka magbukas. Tsk! Di talaga nag-iisip!" inis na sabi ni Jace habang papalapit. Sumilip muna siya sa bintana saka napangiti at lumapit sa pinto.

"May security naman dito 'di ba?" nagtataka pa ring tanong ko. E hindi naman siguro magpapapasok basta-basta yung guard? Saka nakikita ko yung nagro-ronda 'pag gabi.

"Kahit na! Mabuti na yung sigurado!" Binuksan niya ang pinto. "Si Mama yung nasa labas," nakangiti nang sabi niya saka lumabas.

Sumunod na rin agad ako sa kanya at naroon nga si Mama Jessy sa may gate. Niyakap agad ako ni Mama pagkalapit ko, malapad yung ngiti sa mga labi niya.

"Baby Lana! Oh my God you're really back! Alam mo bang—" Hindi ko na pinakinggan yung mga sumunod na sinabi ni Mama dahil bukod sa mabilis siyang magsalita at tuloy-tuloy ang sinasabi niya, halos hindi na ako makahinga sa pagkakayakap niya.

"Ahh... M-Ma, n-nasasakal po ako..."

Bumitaw naman agad siya at humarap sa akin. Nakita ko naman si Jace na iiling-iling sa isang tabi at buhat ang maletang dala ni Mama Jessy.

"Naku, sorry baby," aniya at ikinulong pa sa dalawang kamay niya ang mukha ko. "Hindi lang talaga ako makapaniwala na magkakabalikan pa kayo ni Jace. Ang akala ko tuluyan nang nasira ang mga pangarap ko para sa inyo..."

"Iaakyat ko na 'tong mga gamit niyo sa guest room, 'Ma. Pumasok na rin kayong dalawa," singit ni Jace sa usapan.

Tumango lang si Mama Jessy saka nagpatuloy sa pagsasalita. Ganyan talaga siya, hindi nauubusan ng sasabihin. Kahit sa paglalakd namin papasok ng bahay ang dami niyang kwento. Mula yata nung umalis ako sa poder ni Jace e ikinwento niya.

"Alam mo bang halos mamatay-matay yang si Jace nang umalis ka?" umiiling-iling pang sabi ni Mama Jessy. "Ilang araw din yang nagkulong sa kwarto."

"Ano bang pinagsasasabi niyo d'yan 'Ma?!" biglang sigaw ni Jace mula sa taas. Narinig niya yata yung huling sinabi ng ina niya. Nag-smirk pa siya saka bumaling sa akin. "'Wag kang magpapaniwala d'yan kay Mama. Alam mo namang frustrated writer yan e. Kaya ayan ang hilig mag-kwento ng fiction." Tumalikod na si Jace pagkasabi nun.

Tumingin ako kay Mama Jessy. Nakangiti lang siya sa akin at hndi naman pinabulaanan ang sinabi ng anak. Nangyari nga kaya talaga yun? Nagkulong talaga si Jace sa kwarto? Sumama ako hanggang sa loob ng guest room kung saan inaayos ni Jace ang mga gamit ng Mama niya. Napangiti ako sa gesture niyang yun, pwede niya naman kasing iwan na lang yung mga gamit pero inayos niya pa.

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now