Chapter Three

700K 10.5K 1K
                                    

"Try mo kayang pumirmi ano?" si Aya, iritableng iritable ang mukha.

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa sala. Hindi kasi ako mapakali sa kakaisip sa natanggap kong message galing kay Jace. Bakit ba kasi makikipagkita siya? Ano namang pag-uusapan namin? Naitext ko siya at tinanong pero wala man lang siyang reply na matino. Basta raw magpunta ako.

"Kinakabahan ako friend e!" Hindi ako tumigil sa pagpapabalik-balik.

"Ano ba namang nakakakaba e makikipag-usap lang naman?"

"'Yun na nga e. Ano kayang pag-uusapan namin? Tingin mo?" tanong ko kay Aya.

"Baka makikipag-ayos 'te?" singit ni Jacky.

Napabaling ako kay Jacky. Mas may sense kausap 'to kesa kay Aya e. Tumigil ako sa paglalakad at tumabi kay Jacky sa sofa. "Tingin mo?" Tumango siya. Pero kahit na madali akong makumbinsi ng mga sinasabi ni Jacky, sa pagkakataong ito e naroon pa rin yung doubt sa utak ko.

"E paano kung hindi pala makikipag-ayos? Paano kung annulment pala 'yung pag-uusapan namin?"

Narinig kong tumawa si Aya mula sa kabilang sofa. Tinuturo niya pa ako na parang nababaliw na. Napapa-isip tuloy ako kung paano ko naging kaibigan ang isang yan. May saltik yan sa utak e. Tinignan ko siya ng masama at medyo humupa naman ang pagtawa niya.

"Patawa ka talaga, Lana! Akala ko ba ayaw mo roon sa tao? E di dapat matuwa ka pang pag-uusapan niyo ang annulment di ba? Ba't kabado ka?" aniya habang tumatawa pa rin pero di na gaya nang kanina.

Napanguso na lang ako. Oo nga naman, ba't ba kasi ako kinakabahan? Wala naman akong pake sa Jace na 'yun ah! Ayys, sige na nga haharapin ko na siya. Siguro nga tamang oras na rin 'to para pormal na tapusin ang lahat sa amin. Tumayo na agad ako at naglakad papunta sa kwarto nang marinig kong bumulong si Jacky.

"Mahal niya kasi, ayaw lang niyang aminin."

Napatingin ako bigla sa kanya. Para sa pandinig lang dapat ni Aya yung sinabi niya pero rinig na rinig ko yun. "Anong mahal mahal ang pinagsasasabi mo d'yan?" angil ko kay Jacky.

Ngumisi siya sa akin. "Ang lakas ng pandinig mo ah, bulong na nga lang ginawa ko narinig mo pa rin," ani Jacky.

"Gaga! Hindi malakas ang pandinig ko! Malakas lang talaga 'yang boses mo!"

"Ang reaction ng ale o! Oy, Lana! Napaghahalata kang may hidden desire kay Jace!" si Aya naman at ibinato pa sa akin ang throw pillow. Ibinato ko naman 'yun pabalik sa kanya.

"Ay, ewan ko sa inyo!"

Dumiretso ako sa closet pagkapasok ng kwarto. Ano kayang magandang isuot? Inilabas ko ang mga paborito kong damit na panlakad para mamili. Sa dami ng pagpipiliian, nawiwindang na ako. Aissh! Ano bang pipiliin ko? E lahat ng damit ko rito maganda?

Naisip ko kung anong paboritong kulay ni Jace at napangiti. Kulay blue. Iisa lang ang blue sa mga damit na nakalatag sa kama at sa huli, 'yun ang pinili ko.

~*~

Sumasakit na ang hita ko sa bilis ng lakad nina Aya at Jacky. Hila-hila pa ako sa braso ng huli at halos kaladkarin na ako papunta sa isa pang condo unit ni Joy. Bago kasi ako umalis at pumunta sana sa tagpuan namin ni Jace e tumawag si Joy at sinabing nagwawala ang isa pa namang kaibigan na si Genna dahil iniwanan ng jowa.

"Dahan-dahan naman!" reklamo ko kay Jacky.

"Ano ka ba! Kung magbabagal tayo, baka kung ano nang magawa ni Genna sa sarili niya! Kukuha na raw ng kutsilyo eh! Baka maglaslas yun!"

I rolled my eyes. "Sus! Alam niyo namang takot sa dugo yung babaitang yun! Paano yun maglalaslas?" Totoo naman kasi. Kahit nga tusok lang ng karayom e natatakot na yung si Genna, magalaslas pa kaya?

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now