Chapter Twenty-Three

553K 8.4K 957
                                    

May sinat na ako pagkagising ko kinabukasan. Medyo masakit pa ang ulo ko pero pumasok pa rin ako sa opisina. Kaya ko naman eh. Sigurado mayamaya lang mawawala rin 'to. Iinuman ko na lang ng gamot.

Nasa CR ako nang nag-ring ang cellphone ko. Si Mama 'yung tumatawag.

"Hello, Ma?" sagot ko sa tawag.

"O, Lana anak, bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?" tanong niya agad.

"Ayos lang ako 'Ma. Konting sinat lang 'to."

"Pumasok ka ba ng opisina?" nag-aalala nang tanong ni Mama.

"Opo," sagot ko.

"Umuwi ka na't baka mapasama ka pa."

"Ayos lang ako 'Ma, 'wag na po kayong mag-alala r'yan."

"Ay hindi! Kung ayaw mong umuwi, padadalhan na lang kita ng sabaw at gamot sa Papa mo. Tamang-tama at hindi pa siya nakakaalis."

Hindi na ako nakapalag. Kahit naman kasi anong sabihin ko, sa bandang huli si Mama pa rin ang masusunod. Umoo na lang ako saka ibinaba ang tawag.

Lunch break nang dumating si Papa. Hindi ko na lang pinansin 'yung mga tingin nilang lahat nang lumapit ako sa kanya sa may lobby. Kukunin ko lang sana 'yung bitbit niyang paper bag pero sinipat niya pa ako.

"Baby, ang taas na ng lagnat mo! Halika na't umuwi. Kailangan mong magpahinga."

"Pero Pa—"

"Walang pero pero. Kunin mo na ang mga gamit mo at iuuwi na kita. Baka kung mapaano ka pa rito," pagpupumilit ni Papa.

Sa totoo lang eh hirap na rin ako at gusto ko na lang mahiga. Kaya naman tumango na lang ako at bumalik sa station ko. Nagpaalam ako kay Ms. Demetrio na mukhang nakita namang masama na talaga ang pakiramdam ko kaya hinayaan akong umuwi.

Bago ako makalabas eh narinig ko pang bumulong si Diane. "Wala na talagang hiya sa katawan."

~*~

Madilim na ang paligid nang magising ako. Dito ako dinala ni Papa sa bahay nila dahil wala raw mag-aalaga sa akin sa bahay namin ni Jace. Speak of Jace, bakit parang hindi pa siya nagpaparamdam ngayong araw?

Kinuha ko agad ang cellphone ko dahil baka hindi ko lang namalayan na tumawag na pala siya. Pero disappointment lang ang inabot ko nang kahit isang missed call eh wala. Ganun ba talaga siya ka-busy na kahit text na lang sana eh hindi niya magawa?

Dahil hindi ko rin naman matiis na hindi maka-usap si Jace eh ako na lang ang tumawag. Siguro naman hindi masyadong makaka-istorbo ang isang minuto na pangangamusta ko lang di ba?

Naghintay ako ng ilang ring hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?"

Natigilan ako. Nai-check ko pa ulit 'yung number na idinial ko. Tama naman, Tommy ang nakalagay. Pero bakit... babae 'yung sumagot? Ibinalik ko ulit sa tenga ko ang cellphone at nakinig lang.

"This is Jean, Jace's girlfriend. I'm sorry but he's in the shower right now. You can leave a message to me."

Literal na tumigil ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Parang may kung anong mabigat na dumagan na lang bigla sa dibdib ko at hindi ako makakilos.

"Babe! May tumatawag sayo kaso ayaw magsalita eh!" narinig kong sabi ni Jean na mukhang may kinaka-usap na nasa malayo dahil pasigaw ang pagsasalita niya.

Hindi ko na kaya pang makinig kaya ibinaba ko agad ang cellphone at tumitig sa kawalan. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Naramdaman ko na lang na nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko eh namamanhid ang buong katawan ko. Kaya ba hindi niya masabing mahal niya ako? Ito ba ang dahilan? Kasi all this time si Jean pa rin talaga ang mahal niya at may relasyon pa sila?

The New Boss is My Husband?!Där berättelser lever. Upptäck nu