Chapter One

848K 11.3K 1.3K
                                    

"Para po d'yan sa tabi," sabi ko sa driver ng sinasakyang FX.

Nakangiti pang naglakad ako paunta sa building ng pinapasukan ko. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangang magmadali sa pagpasok. Isa sa benefits na malapit lang ang bahay sa pinapasukan. Fifteen minutes lang kasi 'yung tinitirhan ko hanggang dito.

Nasa entrance na ako ng building nang may tumabi sa akin at sumabay sa paglalakad.

"Hi, Lana!" bati niya.

Hindi ko na kailangang tignan kung sino siya dahil isa lang naman ang mahilig sabayan ako sa pagpasok sa loob. Si Carl. Nasa iisang department lang kami pero nasa kabilang team siya.

Nanliligaw siya sa akin kahit na sinabi ko na noon na ayoko. Isang linggo pa lang ata ako rito nang magsimula siyang magpalipad hangin. At sa tatlong buwan kong pananatili rito eh hindi niya tinitigilan ang pangungulit sa akin.

"Labas naman tayo mamaya Lana," yaya niya sa akin.

"Hindi ako pwede, may pupuntahan ako," pagsisinungaling ko.

Maraming beses na akong niyaya ni Carl na lumabas pero ni minsan eh hindi ko siya pinaunlakan. Well, may hitsura naman siya pero hindi ko siya tipo. Kahit na ba kita naman na mabait talaga siya eh hindi pa rin pwede.

Sumakay agad ako ng elevator at sumunod naman siya. May ikinukwento siya sa akin pero hindi ko 'yun pinapakinggan. Tumatango lang ako sa tuwing tatanungin niya ako. Hindi niya naman napapansin at nagpapatuloy lang siya sa pagsasalita.

Nauna na akong humarap sa may bundy clock at itinapat ang thumb finger ko sa kung ano mang tawag nila sa bumabasa ng finger prints para sa attendance. Hinintay ko lang na lumabas ang pangalan ko bago ko inalis ang daliri ko.


Jilliana Ramos Garcia

08:39:27 am


Hindi ko na hinintay si Carl nang siya naman ang nag-attendance at nagpatiuna na ako sa work station. Dahil nasa magkaibang team kami, sa kabilang kwarto siya.

Inaayos ko ang mga gamit ko nang dumating si Karen at Diane. Silang dalawa lang ang ka-team ko at syempre 'yung masungit naming supervisor.

"Good morning!" masigla pang bati niya.

"Morning," nakangiti namang ganting bati ko.

Buti na lang at wala pa si Ms. Sungit (supervisor namin). Nakakasira kasi 'yun ng araw. Kahit sina Karen at Diane eh napapa-roll eyes na lang pag nagsusungit 'yun. Ang biruan pa nga namin eh, hindi kasi nadidiligan. Matandang dalaga kasi siya.

"Girls!"

Nagulat pa ako kaya biglaan 'yung pagtingin ko sa may pinto. Naroon ang supervisor namin at nakatingin sa aming tatlo.

"Galing ako sa taas," pagsisimula niya nang makita niyang nakuha niya na ang atensyon naming tatlo. "Nalaman kong mag-iikot at bago nating boss. Ayusin niyo ang lahat ng gamit natin para hindi naman nakakahiya. Hala sige, kailangan ko nang bumalik sa taas."

"Yes, Ms. Demetrio," sabay-sabay na sabi naming tatlo.

Pagkawalang-pagkawala ni Ms. Carmen sa paningin ni Diane e nagsalita agad siya.

"Alam niyo ba? Balita ko ang hot ng bago nating Boss. Amp! Makalaglag panty daw mga 'te!"

"Ay, nabalitaan ko rin yan!" susog naman ni Karen.

Napapa-iling na lang ako sa kanila. So what kung "hot" yung bagong boss namin? Hindi naman yun makakadagdag sa sasahurin namin. Ano yan, busog mata na lang? Saka hindi naman namin yun palaging makikita. Ewan ko ba sa dalawang 'yan at masyadong big deal yung hitsura ng boss namin. Palibhasa kasi yung dati, si Mr. Acosta, matanda na at halos paubos na ang buhok. Pero kahit naman ganun e mabait yun sa mga empleyado. Baka nga 'yang bagong boss na 'yan e hindi pa makatao. I mean, yung mas uunahin ang kapakanan ng mga empleyado? Yung ganung amo? Bibihira na lang 'yun e.

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now