Chapter Nine

631K 10.3K 792
                                    

Sabado na. Maaga akong gumising kahit na wala namang pasok ngayon. Kailangan ko kasing gawin na lahat ng mga dapat gawin dito sa bahay para payagan ako ni Jace na umalis at manood ng concert.

Spaghetti ang niluluto ko. Ito kasi ang pinakapaborito ni Jace sa lahat. Hindi pa ako pumapalyang mapangiti siya pag ito ang niluto ko. Kahit noong mga bata pa kami e ito ang pang-uto ng Mama niya sa kanya para lang mapasunod siya. Ewan ko ba kung anong meron sa pagkain na 'to at gustung-gusto niya.

Alas-syete pa lang tapos na akong magluto. Hinanda ko na yun sa mesa para tawagin si Jace. Sigurado naman kasi akong gising na ang isang yun. Sa dalawang linggo ko rito, napansin kong automatic na nagigising siya ng alas-seis. Hindi tulad dati na kailangan niya pa ng alarm clock o di kaya naman e kailangan ko pang gisingin para lang hindi siya ma-late. I guess he really did changed a lot.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang lumabas ng kwarto si Jace. Nakakunot yung noo niya, mukhang hindi maganda ang gising.

"Ahm, nakaluto na ako ng almusal," sabi ko. Tumango lang siya at bumaba na ng hagdan saka dumeretso sa kusina.

Nakaupo na siya sa pwesto niya nang pumasok ako roon. Mukhang excited na kumuha na siya ng spaghetti. Umupo naman ako sa katapat niyang upuan at pinanood lang siya. Kailangan kong tsumempo. Pag magandang-maganda na yung mood niya, magpapa-alam na akong manonood ng concert.

Ganadong-ganado siyang kumain at mukhang hindi pa napapansin yung presensiya ko sa tapat niya. Nakakatatlong round na nga siya ng pagkuha ng spaghetti pero parang ayaw niya pang tumigil. Pagkatapos niya sa pang-apat na pinggan e tumigil na rin siya saka humigop ng kape. Seriously? Naubos niya yung apat na pinggan? Tinignan ko pa yung lalagyan at konti na lang ang natira. Parang tinirahan niya lang ako. Hindi naman kasi ganun karami yung niluto ko kasi dalawa lang naman kami. Tss. Nahiya pa, hindi pa inubos.

Maaliwaas na yung mukha niya habang humihigop ng kape. Sakto. Ito na siguro ang chance kong mag-paalam.

"Jace..." tawag ko sa kanya.

"Hmmn?"

"Ano kasi... ahhmm..." Ugh! Hindi ko alam kung paano sisimulan! Yun bang sure ball na papayag siya?

"Ano ba yun, Lana?" naiinip na tanong niya.

"Ahh... pwede ba akong lumabas mamaya? Manonood lang kami ng concert nina Aya," nag-aalangan pa ring tanong ko.

Tumingin siya sa akin saka ibinaba yung tasa niya.

"Hindi pwede."

What? Pagatapos kong mag-effort na iluto yang paborito niya para lang matuwa siya hindi niya ako papayagan? Ugh! To think na napangiti siya sa niluto ko hindi pa rin ako pinayagan?

"Jace... please?"

"Linisin mo muna ang buong bahay. 'Pag natapos mo, papayagan kita."

Buong bahay?! As in, buong bahay?! May idea ba siya kung gaano kalaki 'tong bahay niya para ipalinis niya sa akin? Arrgh! Akala niya yata kubo lang 'tong tinitirhan niya e!

Tinignan ko yung oras. Magaalas-otso. Alas-tres dapat nasa MRT Shaw na ako so kailangan kong umalis ng bahay ng ala-una dahil malayo(sana walang traffic). Magluluto pa ako ng tanghalian so minus one hour, minus one hour pa ulit sa pag-aayos ko ng sarili... so meron akong tatlong oras.

Tatlong oras para sa general cleaning? I don't think so! Kung marami akong kasamang maglilinis pwede pa 'no!

"Pwede bang bukas na lang? Promise kukudkurin ko kahit kasulok-sulukan ng bahay basta 'wag lang ngayon...please..." Mahabag ka naman Jace. Please... Please...

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon