Chapter Two

708K 10K 334
                                    

Napasandal ako sa pader katabi ng pinto ni Ma'am Remy pagkalabas ko. Jeez! Anong gagawin ko ngayon? Anong mangayayari 'pag kaharap ko na siya? Anong sasabihin ko sa kanya? Ugh! Bakit naman kasi sa dinami-rami ng empleyado rito sa kompanyang 'to e ako pa ang nautusan?

Ilang beses akong bumuga ng hangin saka naglakad papuntang elevator. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko 'yan habang hinihintay na bumukas ang elevator na sana hindi na bumukas kahit kailan. Pero dahil hindi naman pwede yun, ayan na, bumukas na nga. Nakatunganga pa rin ako roon habang bukas na yung elevator at hindi pa rin pumapasok. Nakatitig lang ako sa loob na parang tanga. Natauhan lang ako nang nagsimula na 'yong sumara kaya pinigilan ko yun bigla.

Mabilis lang na nakarating agad 'yun sa fifth floor kung saan naroon ang office ng Boss, which is Jace. Sa mabagal na kilos e lumapit ako kay Mae, ang sekretarya niya. Malapad na ngiti ang isinalubong niya sa akin kaya naman ganun din ang binigay ko sa kanya.

"May kailangan ka kay Boss?" tanong niya.

"Yep." Itinaas ko ang dala kong folder. "Ipinabibigay ni Ma'am Remy."

Inilahad niya ang kamay niya. "O sige, ako nang bahalang magbigay," aniya.

Iaabot ko na sana yun sa kanya nang may maalala. 'Ikaw mismo ang mag-abot ha? Confidential kasi ang laman niyan.' Nawala ang ngiti ko. Pero magandang idea yun di ba? Secretary niya naman si Mae so mapapagkatiwalaan siya. Nakahanda na akong iabot yung folder nang... 'Ikaw mismo ang mag-abot ha? Confidential kasi ang laman niyan.' Ugh! Linsyak na konsensya ka! Kung tumatahimik ka na lang sana!

"Ahm, ang sabi kasi ni Ma'am Remy ako mismo ang mag-abot kay Sir," alanganing sabi ko.

Tumango-tango naman siya at inangat ang intercom.

"Sir Jace, may Accounting po dito, may ibibigay raw po sa inyong papeles." Narinig kong pakikipag-usap ni Mae sa kabilang linya. "Yes po... okay po." Ibinaba niya na ang intercom at bumaling sa akin. "Pwede ka na raw pumasok," aniya.

Lumapit ako sa pinto pero bago kumatok, mariin pa akong pumikit. Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! nagbigay ako ng warning knock at narinig kong may nagsalita mula sa loob ng 'pasok' kaya naman binuksan ko na 'yon.

Maaliwalas na opisina ang bumungad sa akin. Halos walang gamit doon at puro importante lang. Kung sabagay, ngayon pa lang naman siya nagsimulang gamitin ang kwartong 'to, malamang hindi niya pa nalalagyan ng iba niya pang gamit. Napatingin ako sa desk niya. Haay, siya na nga talaga ang bagong boss. Binasa ko pa yung nakasulat dun ng dalawang beses.


Jason Thomas T. Garcia

President


"Ahm, Sir, pinabibigay po ni Ma'am Remy," sabi ko pagkapasok. Nakayuko siya sa papeles na binabasa at kunot pa ang noo. Biglaan yung pag-angat niya ng tingin. Malamang hindi niya inaasahan na ako ang magdadala ng papeles na'to sa kanya.

Ilang sandali rin siyang parang natulala hanggang sa ituro niya yung isang bahagi ng mesa niya. "Pakilagay na lang d'yan. Salamat," aniya saka yumuko ulit sa hawak niyang papeles.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at nilagay ko 'yung folder sa mesa niya. Hindi pa ako umalis pagkalagay ko nun. Pakiramdam ko kasi may kulang. Ano nga ba? Ah, basta! Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lang siya.

Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Parang lalo siyag gumwapo nang magkalaman siya. Bagay na bagay rin sa kanya yung suot niyang salamin. Tapos ang gandang tignan ng damit niya sa kanya. Mahihiya yung mga model nun pag nakita siya. Yung dating sobrang payat na katawan niya puro muscles na ngayon. Parang ang sarap papakin. Pffft! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now