Chapter Thirteen

604K 9.1K 455
                                    


One week na rin ang nakalipas simula nang magtigil sa bahay si Mama Jessy. One week na rin kaming magkasama sa kwarto ngayon ni Jace. So far, okay naman kami. Medyo naging sweet siya sa akin—oh well, 'pag kaharap si Mama Jessy. Pero at least hindi na kami masyadong nagbabangayan (konti na lang kasi ang encounters namin). Oo na, lagi na lang kasi siyang umuuwi ng gabing-gabi na. Madalas e nakahiga na ako. Though hindi pa naman ako natutulog. Ang totoo kasi, hinihintay ko talaga siyang dumating.

Ongoing na ang renovation ng dati kong kwarto. Hindi ko pa yun masyadong napagtutuunan ng pansin pero mukhang masaya naman si Mama Jessy sa developments nun. Sa opisina naman, ganun pa rin kami ni Jace. Hindi ko ipinapaalam sa lahat kung anong meron sa amin. Hindi rin naman siya nagsasalita.

"Girls! May tsismis ako, dali!" bungad agad ni Diane sa pinto.

"O, ano naman yan?" tanong ni Karen. Ako naman tumingin lang at naghihintay ng sasabihin niya. Tss. Keaga-aga tsismisan agad ang inaatupag ng dalawang 'to. Palibhasa wala pa si Ms. Sungit.

Medyo sumimangot siya saka nagsimula. "Ayun, nawala na ang pag-asa ko kay Sir Jace. Taken na pala. Haays. Ano ba kasing naisip natin at nasabi nating single yun e total package na? Kahit sinong magustuhan nun makukuha niya e. Kahit ako, luluhod talaga ako sa harap niya mapansin niya lang!"

Napatigil ako sa ginagawa at napatitig kay Diane. Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Pero... paano nila nalaman ang tungkol dun? Sinabi na kaya ni Jace?

"Loka-lokang 'to! Luluhod talaga? Sige nga!" si Karen.

"Loko lang! 'To naman mapagpatol!"

"E paano ka naman nakasiguro? Tsk! Sayang naman! Pero kunsabagay, may point ka. Sino ba namang tatanggi sa kanya kung may magustuhan siya 'di ba? Wait, who's the lucky girl?"

Ngumuso pa si Diane. "Dunno. Basta ang sabi ni Lea, ayon daw kay Mae e may jowaers na si Sir. Anyways, bayaan na nga! Marami pa namang bachelors d'yan." Naupo na siya sa pwesto niya saka nangalumbaba. "Pero sayang talaga 'no? I wonder talaga kung sino yung girl na yun."

Hindi na lang ako umimik. Baka narinig lang ni Mae kay Jace. Feeling ko naman hindi lang basta-basta ipagsasabi ni Jace ang tungkol sa bagay na yun. O hindi nga ba? Ay ewan!

~*~

Bumaba kami ni Karen ng lunchtime. Nakasanayan na rin kasi namin from time to time na bumili ng cornetto sa 7Eleven. May ikinukwento siya sa akin (na hindi ko masyadong pinapakinggan) tungkol sa boyfriend niya nang matigilan siya.

Bigla niya na lang hinila 'yung braso ko saka may itinuro sa kabilang building. Doon, sa restaurant na nasa ground floor ay nakita ko si Jace na may kasamang babae. Noong una hindi ko makita kung sino 'yun pero nang lumingon ang babae sa labas, nanlamig bigla ang pakiramdam ko. naginit 'yung pisngi ko nang hindi ko mawari at ramdam kong parang namanhid bigla ang kamay ko. It's her, Jean Laurel. Ang babaeng nasa puso ni Jace.

"Okay ka lang?" tanong ni Karen kapagkuwan. Napansin yata ang naging reaksyon ko.

Pinilit kong i-compose ang sarili ko saka tumango. Pero sa loob-loob ko, may kung anong pumipiga sa puso ko. Bakit ba ganito na naman ang nararamdaman ko? Wala dapat akong pakialam dahil wala naman akong gusto sa Jace na 'yan!

Naalala ko ang sinabi ni Diane kanina. Ito ba 'yun? Si Jean ba ang tinutukoy niya?

Mabilis ang ginawa kong paglalakad kaya naman patakbo nang humabol sa akin si Karen.

"Huy, dahan-dahan naman! Affected masyado kay Si Jace? Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kanya e!" ngiting-ngiti pa siya at sinusundot-sundot ang tagiliran ko. Pero hindi ako makaramdam ng kahit na ano. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

The New Boss is My Husband?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora