Chapter Twenty-One

603K 9.4K 1K
                                    

Malamig ang hangin dito sa may bubong. Nagyaya kasi 'tong si Jace na manood daw kami ng mga stars sa langit. Tinopak ata dahil sa pinuntahan naming party kanina sa kabilang kanto. Ang dami kasing tanong dahil ngayon lang daw nila ako nakita samantalang matagal na pala kaming kasal. Puro ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila pero si Jace, nainis na yata kaya medyo hindi maganda 'yung nasabi niya sa isang babae dun.

"Tignan mo 'yun Jill. Korteng baby oh," ani Jace na nagpapukaw sa isip ko.

"Asan?" Kunot noo ko pang sinundan ng tingin 'yung tinuturo ng daliri niya.

"Ayun, titigan mong mabuti."

Naupo ako at tinitigan naman 'yung sinasabi niya pero wala naman akong makita na korteng baby dun.

"Naku, pagod lang 'yan Tommy."

Lately eh lagi na lang subsob sa trabaho si Jace. Tulad na lang kanina bago kami magpunta sa party, pumasok pa siya sa opisina to think na Sabado ngayon at dapat eh nagpapahinga na lang siya rito sa bahay. Madalas nga nag-aalala na ako sa kanya dahil hindi na rin siya nakakakain ng maayos. Hindi lang kasi 'yung company na pinagta-trabahuhan ko ang hinahawakan niya eh. Pati na rin 'yung minana niya pa sa Papa niya.

"Hindi ako pagod, lalo na kapag ganitong katabi kita," aniya saka tumawa.

Napailing na lang ako saka muling humiga. Tinitigan ko ulit 'yung mga bituin sa langit. Ang ganda nung pagmasdan, lalo na't ang dami nun sa kalangitan.

"Gusto ko na ng baby. Hindi pa rin sa tayo nakakabuo?" Nagulat ako nang bigla niya na lang ilapat 'yung pisngi niya sa tiyan ko. "Teka... may naririnig ako. Baby? Ikaw na ba 'yan? Ay hindi ata, may anaconda nga pala rito."

Natatawang hinampas ko siya sa braso. Tumawa rin siya saka lumayo ng kaunti para ilagan 'yun paghampas ko ulit.

"Nga pala Jill, kailangan kong magpunta ng Davao sa Martes," ani Jace na nagpatigil sa akin. Hahampasin ko pa sana siya pero napatigil sa ere 'yung kamay ko. "Hanggang Friday na ako roon, medyo kritikal kasi ang lagay ng branch dun."

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa malayo. Wala naman akong magagawa kahit na ayaw kong umalis siya eh. Huminga na lang ako ng malalim saka tumango.

"Hindi mo man lang ba ako mami-miss?" nakanguso pang sabi niya.

"Spell A-S-A," sabi ko.

Humalukipkip siya at patagilid na nahiga at patalikod sa akin. Kinalabit ko siya pero nagkibit lang siya at umakto pa ring nagtatampo. Napatawa na lang ako saka yumakap sa kanya.

"Oo na po, mami-miss naman kita eh," sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.

Mabilis naman siya humarap at ngumiti. "Samahan mo na lang ako para hindi mo ako ma-miss."

Tinignan ko siya ng masama saka umiling. "Hindi pwede, may trabaho ako remember?"

"Pero... pwede namang hindi ka na pumasok. Asawa naman kita eh. Saka—"

"One month," sabi ko. Pagpapaalala sa napagkasunduan naming palugid bago sabihin sa lahat ang tungkol sa aming dalawa.

"Yeah, yeah." Tumango na lang siya pero nakasimangot na.

"Hindi ba pwedeng mapabilis na lang ang pag-uwi mo?"

"I'll try, but I can't promise anything."

"Okay. Basta tawagan mo na lang ako from time to time."

"I have an idea." Bigla na lang niyang hinawakan ang mga kamay ko pagkasabi nun. "Mag movie marathon tayo, lubusin natin 'yung weekend since ilang araw rin tayong hindi magkakasama."

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon