Behind The Scenes #1

450K 5.9K 133
                                    

AWAKEN

Lana's POV

"Ok lang ako 'Ma. 'Wag niyo po akong masyadong alalahanin," sabi ko kay Mama.

Kahapon niya pa ako pilit na pinapauwi pero ayoko. Kaya ko naman dito sa ospital e. Maayos naman 'tong kwarto ni Jace at may natutulugan ako.

Mula noong dalhin siya rito mula sa ICU e hindi na ako umalis sa tabi niya. Ang gusto ko kasi, pag nagising siya ako ang nasa tabi niya at ako ang unang makita niya. Hayy, sana lang magising na siya.

Ang sabi ng doktor niya e hindi pa alam kung kailan siya magigising. May'ron na rin siyang naging pasyente na kapareho ng case at hindi na gumising. Sana naman hindi 'yun mangyari kay Jace. May tiwala ako sa sa Diyos na ibabalik niya sa akin-sa amin ng anak ko si Jace. At mas lalong may tiwala akong babalikan ako niya ako.

"Sigurado ka ha?" tanong pa ni Mama bago umalis.

Nginitian ko na lang siya at tumango. Kahit kailan talaga si Mama masyadong nag-aalala sa akin.

"'Wag na po kayong mag-alala sa akin 'Ma. Mas magiging okay ako rito. 'Pag umuwi ako aalalahanin ko pa kung anong lagay ni Jace e. At least dito, namo-monitor ko ang development niya."

"O siya, sige. Ikaw na ang bahala."

Balik ako sa panonood ng movie pagka-alis ni Mama. Ito na lang kasi ang naging libangan ko e. Ilang araw na akong nakatunganga rito kaya naman naisipan ni Mama at Papa na dalhan ako ng IPad na may lamang puro movies. Ngayon e pinagt'ya-t'yagaan ko 'tong action movie na malamang, si Papa ang naglagay. Hay naku, sana puro chick lit na lang para mas natutuwa ako.

"L-lana..."

Wait. Nagha-halucinate na ba ako? Bakit naririnig ko 'yung boses ni Jace? Tinanggal ko agad 'yung headset ko saka tinignan si Jace. Nakadiretso pa rin siya ng higa katulad kanina. Hayy, mukhang nananaginip lang ako. Akala ko lang na tinawag ni Jace ang pangalan ko.

Babalik na sana ako sa pagkaka-upo nang marinig ko ulit siya.

"L-lana..."

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko agad siya. Kumunot bigla 'yung noo niya na para bang nananaginip ng masama. Nilapitan ko agad siya saka ko hinawakan ang kamay niya.

"Tommy?"

Hindi siya sumagot. Dumeretso ulit siya. Pati 'yung noo niya, nawala 'yung kunot.

Tommy naman, 'wag kang paasa please? Gumising ka na o.

Nagulat ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pagtingin ko sa mukha niya, unti-unti siyang dumidilat.

Hindi ko na napigilang mapa-iyak sa tuwa. Sabi ko na nga ba babalikan niya ako e. Hinding-hindi niya ako iiwan. Lalo na ngayon, magiging tatlo na kami.

~*~

Nakalabas na 'yung doctor ni Jace pagkatapos siyang i-examine. Maayos naman na raw ang lagay ni Jace kailangan niya na lang namagpahinga. Though hindi pa siya makakatayo kasi malaki ang naging injury niya sa mga hita.

"How do you feel?" tanong ko.

Ngumiti siya saka nagsalita. "Happy, I guess? Kasama na ulit kita e," aniya saka inilahad 'yung kamay niya sa harap ko. Inilagay ko naman ang kamay ko roon at lumapit sa kanya.

"Akala ko iiwan mo na ako," naiiyak pang sabi ko.

"Pwede ba naman 'yun?" aniya.

Hinampas ko siya ng bahagya sa balikat kaya napadaing siya bigla.

"O! Sorry, nadala lang ako!" sabi ko habang marahang hinihimas 'yung balikat niya.

"Ang sakit-" nakanguso pa siya habang sinasabi 'yun.

Kahit na ang payat-payat niya na saka nangingitim na 'yung mukha sa tumutubong balbas e ang cute niya pa rin tignan habang naka-pout. Matamlay 'yung katawan niya pero buhay na buhay naman 'yung mga mata niya.

"Sige, iki-kiss ko na lang 'yan." Hinalikan ko naman 'yung bahaging 'yun kung saan ko siya hinampas.

Pag-angat ko ng mukha, nakanguso na naman siya. Para bang sinasabing halikan ko rin 'yun. Natawa na lang ako saka hinalikan nga siya sa mga labi. Ngiting-ngiti pa siya pagkatapos. Hay naku, wala pa rin talagang pinagbago.

Pero mas gusto ko naman 'yan. Minahal ko siya ng ganyan, kaya gusto kong manatili siya sa ugali niyang 'yan.

Napatingin ako sa tiyan ko kapagkuwan. Siguro dapat niya na ring malaman ang magandang balita. Ilang linggo na rin ang lumipas noong sasabihin ko sana 'yun sa kanya e.

Makakabuti siguro sa kanyang makarinig naman ng magandang balita.

"Uhm, Tommy?"

Tumingin siya sa mga mata ko. "Hmmn?"

"May sasabihin sana ako sa'yo e," sabi ko.

Kumunot ang noo niya saka hinawakan ang kamay ko. Halatang bigla siyang nag-alala sa kung ano mang sasabihin ko. Baka kasi natatakot siyang kung anong masamang balita na naman ang malaman niya ngayong araw.

"Tommy... may laman na."

Lalong kumunot ang noo niya. Nagtatanong ang mga mata niya. Natawa tuloy ako sa sarili ko, pinag-isipan ko pa 'yun kung paano ko sasabihin tapos hindi niya pala mage-gets? Aww.

"Sabi ko may laman na." Sa pagkakataong ito, hinawakan ko ang tiyan ko para makuha niya na ang ibig kong sabihin.

Natulala na lang siya dahil dun. Nakatitig lang siya sa mukha ko at hindi umiimik.

"Sasabihin ko sana 'yun sa'yo noong araw na pumunta ako sa opisina mo kaso-" Hindi ko na itunuloy sabihin na 'yun ang araw na na-aksidente sila.

Nagulat ako nang bigla na lang pumatak ang luha ni Jace. Nag-panic naman ako at hinawakan agad siya sa mukha. Bigla naman siyang ngumiti at hinawakan na rin ang kamay ko na nasa mukha niya.

"Tommy-"

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Jill," aniya, tumutulo pa rin 'yung mga luha.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko naman kung naapa'no na 'to.

"Thank you so much! Pangako, aalagaan ko kayo ng magiging anak ko." Hinawakan niya 'yung tiyan ko saka ngumiti ulit ng malapad. "Magiging Daddy na ako..."

Tumango ako kahit hindi naman siya nagtatanong.

"I love you," aniya.

Hindi ako nagsalita. Halik na lang sa mga labi niya ang binigay kong sagot.

~*~

follow me on twitter: @purplenayi

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now