Behind The Scenes #3

450K 5.6K 328
                                    

Maico's POV

 

It really is a bad day. Una, na-low batt ang cellphone ko kung kailan may mahalaga akong tatawagan. Pangalawa, natapunan ako ng coffee sa polo shirt kung kailan may defense ako para sa thesis. Ngayon naman, wala akong maipambayad dito sa polo na binibili ko sa mall dahil pinaputol ni Mommy ang credit card ko.

"What the hell!" Kinuha ko ang pitaka ko. Two thousand lang ang laman nun. Kakasya na 'to pero hindi sa ganitong klase ng store.

Ibinalik ko na lang muna ang napili kong polo saka lumabas. Wala akong choice, sa department store ako bibili.

Mabilis lang na nakapili ako. Though hindi naman ganun kaganda, pwede na rin tutal ngayon ko lang naman isusuot. Hindi naman pati na papansinin ng mga Prof kung anong suot ko.

Naglalakad ako palabas ng mall nang may bigla na lang natumba sa harap ko. Hinawakan ko agad siya para hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig.

"Aww!" daing niya.

"Miss okay ka lang?" tanong ko.

Inalalayan ko na rin siya patayo at dahil mukhang hilo siya, hindi ko agad siya binitawan. Napansin ko yung titig niya pero hindi ko na lang pinagtuunan. Nasanay na ako, maraming ganito sa school namin. Yun bang kung makatitig akala mo kakainin na ako ano mang oras?

"Jacky! Okay ka lang ba?" Napalingon agad ako sa nagsalita. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Siya kasi yung tipo na unang kita mo pa lang, iba na ang dating. Para bang hinihila niya yung paningin ko papunta sa kanya.

Mabilis na ngumiti ako sa kanya. Inilahad ko agad ang kamay ko para magpakilala. "Hi!" sabi ko. "I'm Maico." Parang gumaang ang loob ko nang ngumiti siya sa akin. She's like an angel who fell down from heaven.

Inabot niya ang kamay ko, "Lana. Thank you sa pagtulong mo sa friend ko ha?" aniya saka tumingin sa kaibigan niya. Doon ko lang ulit napansin ang babaeng natumba sa harap ko.

"It's nothing." Bumaling ako sa babaeng tinulungan ko. "And you are?" tanong ko saka iniabot ang kamay ko.

"Jacky," simpleng sagot niya.

"Uhm, I'm actually on the run. But can I get your number? We should hang out some time," sabi ko. Normal na sa akin ang ganito. May makikilala tapos hihingan ko ng number. Hindi pa ako pumapalya at lagi akong nakakakuha. I mean wala pang tumangging magbigay ng number nila.

Si Lana ang hinihintay kong magbigay ng number pero bigo ako. Ni wala siyang balak na magbigay. Si Jacky ang kumuha ng isang pirasog papel saka nagsulat. Nakangiting iniabot niya yun sa akin.

Hindi na siguro masama. At least pag kinontak ko si Jacky pwede niyang isama si Lana.

"I have to go. See you girls! I'll call you," sabi ko saka tuluyang umalis.

~*~

Hindi ako makapaniwala na napalapit ako sa kanya. Kapag siya ang kasama ko, wala na akong ibang hinahanap pa. Masaya na ako kahit na nagku-kwentuhan lang kami magdamag. At kahit na... may sabit. Si Jacky. Syempre kailangan lagi siyang kasama. Siya kasi ang contact ko nung una eh. Lately lang ibinigay ni Lana ang number niya.

Habang tumatagal, nararamdaman ko nang may something sa amin. May chemistry eh. Nandun sa bawat pagkikita namin. Tinigilan ko ang paglapit sa ibang babae. Pinangarap kong makasama si Lana habambuhay.

I thought we have a 'thing' kaya naman naisipan kong sorpresahin siya sa bahay nila. Pero dun nasira lahat ng mga pangarap ko.

Excited pa akong nag-doorbell at pinagbuksan naman ako ng isang lalaki. Sa tantya ko, Kuya siya ni Lana. Mukha kasing mas matanda siya sa amin ng limang taon o higit pa.

The New Boss is My Husband?!Where stories live. Discover now