Chapter Twenty-Two

557K 8.6K 815
                                    

"Mag-iingat ko roon ha," sabi ko kay Jace habang nasa labas kami ng airport. Tulad ng paulit-ulit niyang hiling, heto ako at inihatid pa siya.

Ngumiti siya bigla at tumingin sa malayo. Para bang may iniisip siyang kung anong nakakatawa na ayaw niyang sabihin sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala. 'Wag mo na lang akong pansinin." Yumakap siya at humalik sa noo ko. "Mag-iingat ka rin. 'Wag mo akong masyadong isipin ha? Baka maya't-maya akong madapa roon."

Mahinang tinampal ko agad siya sa noo. "Ewan ko sayo! Pumasok ka na nga."

Hinawakan niya pa muna ang kamay ko saka naglakad ng kaunti kaya na-strech 'yung mga braso namin na akala mo eh napipilitan lang na maghiwalay.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"'Yung sa pelikula. 'Pag hinahatid ng isa 'yung mahal niya? 'Di ba dapat may drama pang ganito? Tapos 'pag balik ko susunduin mo ako tatakbo ka palapit sakin saka kita ii-spin habang magkayakap ta—" Binatukan ko agad siya bago pa siya makapagpatuloy ng pinagsasasabi niya.

"Lakas ng tama mo 'no? Tigilan mo nga 'yan. May pa drama drama ka pang nalalaman."

Tumawa lang siya ng malakas saka mariin akong hinalikan sa mga labi. Kapagkuwan ay tumalikod agad siya at naglakad palayo. Pero bago pa siya mawala sa paningin ko eh humarap siyang muli at kumaway.

~*~

Tulad ng inaasahan ko eh traffic nga sa EDSA. Buti na lang at maaga pa kaya naman hindi ako na-late sa trabaho. May kakaiba na naman sa mga tao sa paligid ko katulad noong Friday at kahapon. Pero parang mas malala ngayon. Hindi na basta bulung-bulungan lang ang napansin ko, may mga tumitingin pa sa akin ng masama at saka lalayo.

Ano ba talagang nangyayari? Alam na ba nila ang tungkol sa amin ni Jace? Pero kung iyon ang alam nila, hindi naman siguro nila ako ta-tratuhin ng ganyan 'di ba? Ang weird lang kasi.

Pagkarating ko sa working station ay hinanap agad ng mga mata ko si Karen. Ang kaso, wala pa siya roon at matalim na tingin ni Diane ang sumalubong sa paningin ko. Tumaas pa bigla ang isang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang sinasabing 'akala mo kung sinong matino'.

Napakunot na lang ang noo ko at umiwas ng tingin. Hindi ko maintidihan kung anong nangyayari at sumasakit lang ang ulo ko dahil mismong kasama ko sa team eh ganyan kung makatingin sa akin.

Marami akong ginawa ng umaga kaya naman hindi ko na namalayan ang oras. Napansin ko na lang 'yun nang tumayo si Karen at lumapit sa akin. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya ng bagong dating sa likod namin.

"Totoo ba Lana?"

Sabay pa kaming napatingin kay Carl na ngayon eh nakatayo sa may pinto.

"Ang alin?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka sandaling tumingin sa labas. "Bulung-bulungan d'yan sa labas na kumabit ka raw sa may asawa," aniya, hindi makatingin sa akin.

"What?!" sabi ko, hindi ko napigilang magtaas ng boses.

"May nakakita raw sayo na may kayakap na matandang negosyante..."

"Hindi naman totoo ang tsismis na 'yun!" singit bigla ni Karen. Mukhang may alam siya tungkol sa kumakalat a balitang 'yun at hindi niya lang sinabi sa akin.

"Teka, ano bang nangyayari?!"

"Denial queen ka rin ano?" biglang lapit ni Diane sa amin.

Tinignan ko lang ang huli sa nagtatanong na mga mata. Hindi ko talaga maintindihan kung ano 'yung sinsabi nila. Naghihintay na lang ako ng susunod na sasabihin niya nang ilabas niya ang cellphone niya at may ipakitang picture sa akin.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon